Chapter 6

2.7K 76 0
                                    

Narrator's Pov.

Simula noong gabing iyon ay hindi na pinapatulog ng mahimbing si Hestia sa mga panaginip niya. Minsan ay nanaginip siya na nasakop niya ang buong Aquarium Clan. Inaakala niyang nanaginip lang siya sa mga ganito kasi sabik siya na magkaroon ng kapangyarihan.

Napapansin ni Lou ang gabi gabing pag gising ni Hestia dahil sa mga bangungot niya, Kaya naisipan niya pumunta sa Nava kung saan tumitira ang pamilya ni Lord Nalu at pati narin si Almar.

" Ano at narito ko Ata?" Bungad ni Almar kay Lou.

"Gabi gabing binabangungot si Hestia Almar, Ano ba ang nangyayari??" Agrisibong tanong ni Lou kay Almar.

"Ano ano naman ang binabangungot nito?" Tanong ni Almar.

"Hindi ko alam pero batid ko'y nakakatakot ito dahil bigla nalang siyang gigising at tumitingin sa paligid"

"Huwag mo nalang itong pansinin Ata, Normal lang naman siguro iyon" Ani ni Almar.

Pero hindi parin mawala sa isip ni Lou ang mga bangungot ni Hestia gabi gabi.


***

Hestia's Pov

Inutusan ako ni Ama na bumili ng Magic potion sa Enia, dahil may pang gagamitan daw siya dito.

Ilang beses na akong nakapunta dito sa Enia, kaya sanay narin akong sinisipatan ako nang ibang tindera dito, ang iba panga ay siniserado ang mga tindahan nila pag napapansin nilang bibili ako sa kanila.

"Ayan na naman si Heste." Narinig kong bulong ng isang tindera.

"Hayss kung ako sa kanya hindi kona gustong mabuhay dito sa mundo, wala rin naman siyang kwenta kasi wala siyang kapangyarihan, nakuu" every word they released is like a sharp knife stabbing my heart.

Alam kong sanay na ako. Pero bakit nasasaktan parin ako na makakarinig sa mga  komento nila sa akin?


Nang makita ko ang potion enia ay lumapit ako doon. Nang nasa harap na ako ng enia ay nagulat ako nang kusang bumubula ang mga potion na naka display sa labas.

Ahmm what's happening?

"Ah, Tao po? yung mga potion po ninyo bumubula"


May babaeng lumabas.

"Ay! nako anong nangyari??" Sigaw ng babae.


Patuloy paring kumukulo ang mga potions.


"Ano bang ginawa mo babae?? Tignan mo ang ginawa mo!" Sigaw niya sa akin.


"Hindi po-" Magsasalita sana ako nang pinatul ako nang matandang babae na kararating lang.


"Ngayon ko lang nakitang kumukulo ang mga potions.....at isa lang ang dahilan kung bakit ito kumukulo. Kung nararamdaman nila na may taong lumapit sa kanila at may na aamoy silang energiya sa taong ito. Kumukulo sila at nag wawala." Sabi niya at umalis kaagad. Iniwan kaming nakagulantang ng may ari ng Potion enia.



"Inergiya?" Bulong ko sa sarili ko.



"Mga tao! may masamang energiya dito!!" Sigaw ng babae at naagaw niya ang attention ng lahat ng tao doon.













Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon