Chapter 16

1.9K 53 1
                                    




Narrator's Pov.


Muntikan ng nabigo ang mga guardya pati narin sina Almar at Lady Rhona nang wala parin silang nakitang anino ng dayuhan umano.



Nagbabakasakali parin silang nandito sa huling bahay ang dayuhan.




ang bahay ni Ata Lou.




Kinakabahan si Ata Lou nang buksan ang bahay niya at pinasok ito.




Nagulat nalang ang nakakarami nang madatnan nilang nakahandusay na si Hestia sa sahig ng walang malay.





"Hestia!?" Sigaw ni Almar.




Agad na pumasok si Lou at nagpanggap na nagulat sa nangyari sa anak.




"Hestia!!!" Sigaw niya at lumuhod, hinawakan ang ulo ni Hestia at hinimas ang buhok..





Alam ni Lou ang tungkol dito. Ang panghihina ni Hestia at ang pagka wala ng Malay.





Dahil ay ika labing siyam na kaarawan niya ay lalabas na ang kapangyarihan niya dahilan ng panghihina niya.




Inaakala niyang manghihina lang si Hestia pero nagulat parin siya nang makitang nawalan ito ng malay.




"Dito galing ang dayuhan! sinaktan niya siguro ang iyong anak Ata!" sigaw ni Almar kay Lou.



"Suriin ang paligid!" Lady Rhona ordered.




Ngunit ni isang balahibo ng dayuhan ay hindi nila nakita.




Nagagalak si Lou na naging tagumpay ang kanyang plano. Pero ang hindi niya alam ay nagdududa narin ang Lady sa kanyang mga kilos.




Isa sa mga plano ni Lou ay ang hayaan si Hestia na mawalan ng malay at magsilbing dahilan kung bakit hindi siya magiging suspect sa nangyaring kalubkob. iisipin nila na may nagtangka kay Hestia, at yun ay ang dayuhan.






"Walang kahit ano mang bakas na sugat ang katawan ni Hestia. Ngunit bakit siya nawalan ng malay?" Nagtatakang tanong ni Lady Rhona sabay tingin kay Lou.






Bago pa maka sagot si Lou ay may narinig silang sigaw sa labas ng Bahay.





"Lou!! Hestia!!"




























Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now