Chapter 26

1.5K 38 1
                                    




Narrator's pov.






"Patayin niyo na yan!!" Panay sigaw ng mga Aquarian kay Hestia.


Naka bitay na ang dalawang kamay niya sa kahoy at naka tayo.


"Malas sa buhay natin yan!!"



"tama siya ang nagdadala ng maitim na kapangyarihan sa campo natin!!"


"wala namang kwenta yan! patayin na!"



"Patayin!! Patayin!! Patayin!!" Pag poprotesta nila.



Napapikit si Hestia sa mga naririnig niya sa mga kauri niya.



Kahit naka pikit siya ay naaninag niya ang isang Anino sa harapan niya. Dahan dahan niyang ibinuka ang kanyang mga mata. Nakita niya ang kanyang Apa na naka upo at naka talikod, nakaharap sa mga Aquarian.



"Apa?" Tawag ni Hestia.






"Apa? ano po bang nangyari.....Isabi niyo po sa akin." Naiiyak na sabi ni Hestia.



Walang naisagot ang kanyang Apa.



Dahan dahang lumakad ang kanyang Ama papunta sa kanila. Naka sunod parin ang dalawang guardya sa likod niya. May tali ang kamay niya para hindi niya basta bastang magamit ang kapangyarihan niya.



May binulong si Lady Rhona sa isa sa mga Guardya. At dahan dahang lumapit ang mga guardya kay Ama. May inilabas silang Tela at isa isang tinalian ang mga mata.





"Cut her neck!!" Sigaw ni Lady Rhona.





"Huwag!" Sigaw ni Amer.




"Huwag! maawa kayo!! Huwag!" Pagmamakaawa ni Amer.




Tuluyan ng nanghina si Hestia. Hindi niya na maibuka ang kanyang bibig. Dahan dahang tumulo ang luha sa mga mata niya. Tumingin siya sa banda kung saan nandoon si Almar. Nagababakasakaling may magagawa si Almar pero nang makita niya ito ay wala narin itong malay.




"Isasabi kona! isasabi kona!" Sigaw ni Apa.




"Huwag mong isabi Amer! Nangako kang hindi mo sasabihin!" Sigaw ni Lou kay Amer.





"Hindi namin totoong anak si Hestia!"




Napanganga ang mga Aquarian sa narinig. Lady Rhona Smirk.



"Nakita lang ni Lou si Hestia sa Sapa at itinuring namin itong anak!! Alam kong labag ito sa batas pero ipanasok parin namin ang dayuhang sanggol dito! Patawarin niyo kami! gusto lang naman naming magka anak! Patawarin ninyo ang Asawa ko! Kahit si Hestia nalang! huwag lang ang asawa ko!"



Parang nabingi si Hestia nang marinig niya iyon sa sarili niyang Apa.



Lubos ang gulat ng mga Aquarian sa narinig nila. Ang iba ay nag bubulongan, at may iba namang hindi parin mawala ang galit sa kanilang mukha.



"Yan! patayin niyo yan! hindi namin anak yan! Halimaw yan! Hindi yan Aquarian!" Kahit pa ay may purong ang kaniyang mata, nagawa niya paring ituro si Hestia na nasa likuran niya.


























Tears of midnight Crystal Where stories live. Discover now