Chapter 19

1.7K 48 1
                                    




Almar's Pov.



Lumaki ang nga mata ko nang nakita kong umiilaw ang Gemstone na nasa Mata ni Lord Nalu.



Sa harap ng statwa ay si Hestia. Na naka titig rin sa Statwa. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.





Dahil ba....alam ko na mahihigop ni Hedtia ang kapangyarihan ng Gemstone pag nag tagal pa siya doon.





Nandito ako sa Templo ngayon. At naabutan ko ang mag ina.




"Shhhh nag dadasal si Ama" bulong sa akin ni Hestia.




Tinignan ko si Ata.





Agad kong hinila ang kamay ni Hestia palabas.





Nang matapos sa pag dadasal ni Ata Lou ay agad silang umuwi sa kanilang bahay.




dahandahana kong pumasok sa Templo at tumingin sa Statwa ni Lord Nalu. Napansin kong may maliit na biyak sa gilid nito.





"Diyos ko." Bulong ko at hinawakan ang biyak.





Alam ko.





Alam kong kahit ilang minutong nandoon si Hestia may lakas siyang masira ang Templo ang mahigop ang kapangyarihan ng Gemstone. Hindi lang sa gemstones pati narin sa buong Aquarian.





Agad akong tumakbo patungong luksaan ni Lady Rhona.






"Oh ata Almar. Ano't narito kayo? nagmamadali at hinihingal." Salubong sa akin ni Lady Rhona.





Bago pa ako makasagot ay inunahan niya na ako.




"May sasabihin nga pala ako sayo" Simula niya.




"May masama akong panaginip kagabi. Na ang Aquamarine's Temple ay nawasak at nahigop ang kapangyarihan ng Gemstone. Pero hindi ko malaman kong sino ang taong iyon"




Doon na nagsimula ang kaba ko. Sabi sabi nila noon na pag ang isang makapangyarihang tao ay nanaginip, masama man ito o mabuti ay mangyayari.





Tears of midnight Crystal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon