Chapter 2

3.4K 131 1
                                    

I felt someone cares my cheek. When I opened my eyes, I saw the last person I saw before I passed out.

"Dad?" I whispered to him.

I don't know why but it sound natural to me when I'm calling him"Dad". Kahit wala naman talaga akong naituturing na pamilya sa dating buhay ko. Maybe it's just because I'm in his daughter's body and nasa akin na din ang mga ala-ala ng katawan na to.

He just stared at me for seconds before he speak.

"Can you really see? Can you see me now, Alora?" He asked me emotionally. I just stared his teary eyes before I answered him.

"Yes D-Dad." I softly answered him. Nakita kong pumatak ang mga luha niya bago lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"I'm glad, Alora. Your eyes are beautiful just like your mother."

"Dad? Why are you crying? Baka magising mo si bunso." Sabi ng isang lalaki na papasok sa kwarto ko. Sabay naman kaming lumingon ni dad Kay kuya Albie. Agad naman siyang nagulat ng makitang nagyakapan kami ni dad at mas lalong lumaki din ang mga bilugan niyang mata ng makita akong nakatingin sa kanya.

"Bunso?" Mahinang sambit niya sa pangalan ko na halatang wala sa sarili pero nakikita ko pa din ang gulat, pagkalito at pangungulila sa mga mata niya.

"K-Kuya Albie?" Awkward na tawag ko sa kanya. In my past life, I had an older step brother, simula nung dumating ako sa tirahan nila, he was so mean to me. I even got hospitalized dahil tinulak niya ako sa hagdan when I called him kuya. And when we grew up he's more vocal on why he hated me. Dahil daw sampid lang ako sa pamilya at kinuha ko daw ang attention ng magulang niya na dapat para lang daw sa kanya.

"Nakikita mo ako?"

"Opo." I smiled sweetly at him.

"Talaga? Nakikita mo na ang kagwapuhan ko?!" Sumama naman ang mukha ni dad sa narinig habang natahimik naman ako. Well, I actually thinking kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil di ko naman naranasan dati na magbiro. I even don't have friends. I grew up having big walls around me and my only focus is to please my parents through my intelligence and achievement.

"Aray ha! Joke lang naman. Ang seryoso niyo. Pero seriously, I'm so glad na nakakakita ka na bunso." Sabay lapit saakin at niyakap ako. I stiff.

"And your eyes reminds me of mom."

Nang araw din na iyon ay pinatingin ako sa manggagamot na tinuturing na Ina ng Ina ng katawan na to. Ang tawag namin sa kanya ay si Lola Liyana. Umiiyak din siyang yumakap saakin lalung lalo Ng Makita Niya Ang mga mata ko. Nang mahimashimasan ito, ay agad niya akong sinuri.

"Ano pong resulta, Nay?" Tanong ni daddy sa kanya. Nangangambang tanong ni daddy sa kanya.

"Maayos na ang lagay ng apo ko, Alex. Kaya huwag ka ng mangamba pa." Nakangiting sabi nito kay daddy at saamin.

"Sigurado po ba kayo, Lola? Hindi na po ba babalik sa pagkabulag si Alora?" Tanong ni kuya.

"Manalangin na lang tayo na hindi na, Albie. Sana tuloy-tuloy na ang kondisyon ng iyong kapatid. Pero sa ngayon, batid ko'y maayos na si Alora lalung-lalo na ang kanyang mga mata. Milagro itong nangyari sa apo ko." Masayang sabi ni Lola Liyana.

"Sana nga po, Nay. Ayoko na pong mahirapan si Alora." Malungkot na sabi ni daddy habang tumingin saakin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila at napayuko. Siguro hindi lang talaga ako sanay na makita Sila. Oo't pamilyar ang presensya nila sa ala-ala ng katawan na to ngunit di ko parin matatanggi na ito ang una ko silang makita bilang Athellie at bilang Alora.

Alora: The Nobody Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon