Chapter 20

1.7K 105 12
                                    

Alright. Breakfast is ready! Let's eat na po. Masigla kong sabi sa kanila. Nagningning naman ang mga mata nila. Lihim naman akong napangiti.

Isa-isa naman silang pumwesto sa hapagkainan. Nang makaupo na lahat ay naramdaman ko namang parang may kulang.

Where's Ali? Tanong ni Lola Alena.

He's upstairs, still sleeping. Tipid na sagot ni Tito Alen.

Did you wake him up? Tanong ni Daddy sa kanya.

Yeah. A lot of times. Sagot ni Tito.

Wake him again. Hindi pwedeng hindi tayo kompletong mag-aalmusal ngayon. Sabi naman ni Lola.

Den? You heard your grandma. Gisingin mo ulit ang Tito mo sa taas. Utos ni Tito Alen kay Kuya Den.

Why me? Reklamo naman nito. Tinitigan naman ito ng seryoso ni Tito Alen.

Fine. Nakasimangot nitong sabi at tumayo na sana ng magvolunteer ako na ako na lang gigising.

You sure, anak? Tanong ni daddy saakin. Tumango naman ako.

Yes po. Sagot ko. Pumayag naman sila. Nang makaakyat na ako ay agad akong kumatok sa pintuan ng silid ni Kuya Achie. Hindi naman sumagot si Tito kaya umulit akong kumatok at mas lalong nilakasan ito.

FUCK! I said DON'T FUCKING DISTURBED ME! Just let me FUCKING SLEEP! Sigaw nito sa loob. Agad namang nagpantig ang tenga ko.

The FUCK!

Galit ko namang binuksan ang pinto. Hindi ko namalayang napalakas ko ang pagbukas nito at nasira ko ang pinto.

The HECK! Umagang-umaga pinapainit nito ang ulo ko.

Babangon ka diyan o babangon ka? I coldly said to him. Gulat naman itong napatingin saakin.

The fu— Mura ulit sana nito ng barahin ko.

Isa mo pang mura. Malilintikan yang bunganga mo saakin. Seryoso kong sabi sa kanya. Gulat lang itong nakatingin saakin habang nakabuka ang mga labi.

Bumangon ka na diyan dahil mag-aalmusal na. Seryoso kong sabi sa kanya.

Akala ko ba— Tanong sana nito ng pigilan ko. I just raised my right hand to stop him.

No more questions, TITO. We'll wait downstairs. Seryoso kong sabi sa kanya bago siya tinalikuran. Wala naman ako sa sarili habang pababa ng hagdan.

The FUCK Alora! You forgot to control yourself.

I scolded myself. Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok ng dining area.

You're here, anak. Sabi naman ni daddy saakin.

Ano yung ingay kanina sa taas? Nakakunot ang noong sabi ni Tito Alen saakin.

Ahm, ano. Sagot ko habang nag-iisip kung ano ang isasagot.

I broke the door. Tipid na sagot ni Tito Ali na nasa likod ko.

What? Nagtatakang tanong ni daddy sa kanya.

I broke the door sa inis ko. Hindi ko namalayang si Alora pala ang kumatok. Sagot nito kay daddy. Napayuko naman ako.

Wait? Alora, anak? Did you got hurt? Nag-aalala nitong tanong saakin. Napatuod naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa tingin nilang lahat saakin. Nang makabawi ay mahina akong umiling. Napabuntong hininga naman si daddy at pati na si Lola.

You should control your temper next time. Seryosong sabi ni Lola sa kanya.

Geez! Parang ako yata ang napagsabihan.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now