Chapter 40

1.5K 113 39
                                    

Kinabukasan ay maaga naman akong nagising. Napatingin naman ako sa orasan na nakapatong sa side table ko

It's 4:38 am in the morning.

Gusto ko pa sanang matulog ulit pero kailangan kong gumising ng maaga ngayong araw para maghanda ng almusal para saakin at pati na din sa mga tauhan ko. I'm sure tulog pa yun dahil sa pagod. Alas diyes na kasi namin na close ang shop dahil sa dami ng taong pumunta.

Mabuti nalang pumayag sila Kuya Achie at Daddy na dito ako matulog. Ayoko din naman kasing iwan ang mga tauhan ko dito. Tiyaka inasikaso ko na din ang total profit kahapon para maicompute ko na at mairecord agad. Ayoko kasi na maging doble ang trabaho ko kaya ginawa ko na agad. Naipilit ko naman si Daddy at Kuya Achie as long as kasama ko si Sarah dito at pati na din si Banjo na ngayo'y nandoon natulog sa kabilang bahay.
Yun nga lang ang raming paalala nila saakin bago umalis.

Well, naiintindihan ko naman dahil ngayon lang ako naseparate sa kanila especially Kay Daddy. Hindi naman kasi pwedeng samahan ako ni Daddy at Kuya dahil nandoon sa mansion sila grandma at grandpa. Tiyaka, I heard dadating daw ngayong umaga Sila Tito Alen at si Daddy ang sasalubong sa kanila dahil hindi naman nila alam kung saan nakatira si Kuya. Hindi din pwede si Kuya na sumalubong sa kanila dahil maaga daw siyang papasok ngayong araw. Isa din yan sa dahilan kung bakit kailangan kong gumising ng maaga ngayon dahil I know na dadaan muna si Kuya Achie dito sa shop bago pumasok sa work.

Mahina naman akong bumangon sa kama habang napasuklay sa mahaba kong buhok gamit ang kanang kamay ko. Naglakad naman ako patungo sa may bintana at binuksan ang kurtina. Agad namang bumungad saakin ang madilim na langit. Halos lahat din ng shop at bahay ay madilim din halatang natutulog pa Ang mga tao dito. Ang tanging lumiliwanag lang dito sa buong street ay ang mga lamp post. Napangiti at napapikit nalang ako ng makaramdam ako ng payapa dahil sa sobrang tahimik ng buong paligid ngayon na taliwas kapag sumisinag na ang araw.

Bigla namang napakunot ang noo ko ng makaramdam ako ng parang may nakatingin saakin kaya agad kong naimulat ang mga mata at ginamit ang abilidad ko habang pasimpleng napatingin sa buong paligid. Napasingkit naman ang mga mata ko ng mahaligap ang isang shadow ng tao na nakatayo doon sa madilim na eskinita. Ramdam ko ang titig nito saakin ngunit hindi naman ako nakaramdam ng takot o pagkabahala dito.

Maybe, isa lang sa mga inutusang magmanman saakin.

Binalewala ko na lang ito. Well, as long as, wala itong gagawing masama saakin, sa pamilya, sa mga kaibigan, tauhan at sa shop ko ay ayos lang saakin.

Sinirado ko naman ulit ang kurtina ng bintana ko at naglakad sa vanity table ko para kumuha ng pantali ng buhok ko. Pagkatapos kong maitali ito ay agad akong kumuha ng cardigan at isinuot ito bago lumabas ng silid. Napadaan naman ako sa guest room kung saan ko pinatulog si Sarah. Mahina kong binuksan ang pinto ng silid nito para silipin ito. Nang makita kong tulog pa ito ay mahina kong isinirado ang pinto nito at mahinang naglakad papunta ng hagdan. Nang makababa na ako ay agad naman akong dumiretso sa kusina.

Mabuti nalang talaga pinaggrocery ko sila Sarah nung isang araw bago nag-opening. Alam ko kasing madalas na kaming magluluto dito. Binuksan ko naman ang maliit na pantry dito sa kitchen at pati na din ang ice box. Nag-iisip naman ako kung ano ang lulutuin ko. Sa huli ay nagluto lang ako ng sunny side-up egg, bacon, tosino, tortang talong, chicken nuggets at tiyaka garlic fried rice. Siyempre nagsaing din ako ng rice para sa mga gusto lang ng pure kanin.

Gumawa na din ako ng bento para baon ng brother ko dahil I know, hindi na naman yun kakain ng almusal doon. Pinabaonan ko din ito ng maraming freshly baked ko na chocolate chip cookies at tiyaka fruits.

Habang inaayos ko ang baon ni Kuya Achie ay narinig ko naman ang lakad ni Sarah pababa ng hagdan. Agad ko naman itong nilingon at nakangiting binati ito.

Alora: The Nobody Donde viven las historias. Descúbrelo ahora