Chapter 24

1.6K 100 1
                                    

Kakalabas ko lang ng banyo ng maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin galing sa terrace.

Geez! I forgot to close the door. And why it suddenly get cold?

Napayakap naman ako sa sarili ko habang suot ko ngayon ang bathrobe ko. Agad naman akong naglakad sa walk in closet para maghanap ng masusuot. Nakapili naman ako ng beige long dress na pambahay. Dali-dali ko naman itong sinuot at kumuha ng brown cardigan para isuot din.

Nagsisi tuloy ako kung bakit ako naligo ngayong hapon. Hays.. I wish I have a blower right now.

I went back to my bathroom and hang my bathrobe there. Si Sarah na ang bahala dito. Nang makalabas ako ng banyo ay agad akong umupo sa tapat ng vanity table ko. Kinuha ko naman ang hair brush ko at sinimulang suklayin ang buhok ko.

Napangiti naman ako habang nakatitig ngayon sa vanity table. I'm just glad I didn't change it though, medyo mukhang luma na talaga ito kay sa mga gamit ko dito sa bagong silid ko. Mabuti na lang talaga, it's still compliment my new room dahil same pa din ang color motif nito sa old room ko.

Nang matapos ko namang suklayin ang buhok ko ay agad kong sinuot ang eye glass ko bago lumabas. Nang pagbaba ko ay bumungad saakin si Sarah at Nanay Belen na busy sa paghahanda ng dinner.

Nay? bakit hindi niyo po ako pinatawag? Para naman po makatulong ako sa inyo. Sabi ko sa kanya.

Ay, ayos lang naman po, lady Alora. Palagi na lang po kasi kayong nagluluto. Para naman po, makapagpahinga din kayo. Sabi nito saakin.

Nay, ayos lang naman po. At tiyaka ginusto ko din pong magluto. Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bakit, parang ang dami yata ang lulutuin niyo, nay? Tanong ko habang nakatingin sa mesa na puno ng ingredients sa pagluto.

Ang sabi po kasi ng ama niyo sa sulat na maghanda ng maliit na salu-salo para mamaya dahil may magandang balita po siya na iaanunsyo. Nakangiting sagot nito saakin. Napakunot naman ang noo ko bago tumango.

Ako na po ang magluluto sa ibang putahe, Nay. Sabi ko sa kaniya. Napilitan naman itong pumayag.

Nanay Belen is a good cook. Actually, most of the recipes na alam niyang lutuin ay galing sa kaibigan niyang taga ibang kontinente which is the Zaquilo continent in north-west. And honestly, all the food she made is like European food. Just like now, Nanay Belen cooked a pan-fried potatoes just like the Bratkortoffeln in Germany and she also cook Pottage, a thick soup containing meat, and vegetables or bran.

Actually, I also know how to cook those dishes and other foreign foods but I just love to cook more Filipino foods dahil yun talaga ang kinalakihan ko na food sa past life ko. Cooking Filipino food feels like I am still connected to my past self, to the real me, to where I really grew up, and to the place na kung saan ako namulat.

Now, I just cook menudo, pancit, lechon kawali and chicken adobo.Of course, hindi dapat to mawawala especially that it's dad favorite. Nagpatulong na din ako kay Sarah para mapadali ang luto ko. Amaze na amaze naman ito na nakatingin saakin at sa mga niluto ko.

My lady? Lahat po ba ito ay recipe ninyo? Tanong nito saakin habang nagniningning ang mga mata na nakatingin sa mga niluto ko. Pati na nga din si Nanay Belen ay namamangha din. Tango naman ang naging sagot ko at binigyan sila ng ngiti.

Dati pa ako'y namamangha ng lubos sa inyong angking talento sa pagluto, Lady Alora. Sabi naman ni Nanay Belen saakin.

Tama ka, Inay. Kahanga-hanga nga talaga ang ating Lady Alora. Masiglang sabi ni Sarah. Lihim naman akong napailing sa mga papuri nila. I just thank them at tipid na ngumiti.

Alora: The Nobody जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें