Chapter 49

1.2K 65 1
                                    

"I know him cause he's my brother's friend and colleague. And he's your brother's friend and colleague too." Sabi ko sa kaniya at ngumiti ng tipid.

"Don't worry, walang nangyaring masama saakin except na nabasa ako because of the rain." Natatawa ko namang sabi sa kaniya. "And, I'm sorry kung pinag-alala ko kayo." Sinsero ko ding sabi sa kaniya.

"And who told you that I'm worried, lady Alora?" Nakangisi niyang tanong saakin. "Sorry to break your expectation but I'm not worried of you even just a little bit, little girl." Mayabang naman niyang sabi saakin.

The HECK! Kung makatawag ng little girl ah. FYI, I'm older than you, moron!

Lihim nalang akong napahinga ng malalim bago ko siya nginitian ng matamis.

"Alright, if you say so, mister." Pekeng ngiti kong sabi sa kaniya. "I'll go ahead. Magbibihis muna ako." Paalam ko sa kaniya bago lumabas ng opisina ko. Hindi ko naman namalayan na napalakas kong isinirado ang pinto ng opisina ko. Nalaman ko nalang pagkatapos ng malaking impact at tunog nito na ikinatili ni Sarah na kakalabas lang ng silid ko. Lihim naman akong natawa sa reaksiyon nito.

It's been a week since nangyari yung araw na iyon. Until now, naalala ko pa din kung paano ako pinagalitan ni Kuya Albie pati na din ni Kuya Achie. Sakto din kasi na dumating si Kuya Achie sa shop nung oras na pinagalitan ako ni Kuya Albie kaya narinig at nalaman niya lahat ng nangyari saakin. Mabuti nalang talaga, hindi nila ako sinumbong kay Daddy. Pasalamat nalang din ako na umalis na ang mga kaibigan ni Kuya Albie ng malaman nilang nakauwi nako kaya medyo less na ang kahihiyan ko. May pride din naman kasi ako.

Kararating lang din namin nung isang araw dito sa Alora kasama si Daddy, Kuya Albie, Sarah at Banjo pati na rin ang mga aplikanteng nakapasa. Medyo malaki nga ang nagastos ko sa biyahe pati na din sa pagkain. Mabuti nalang talaga marami pa akong pera kaya laban pa din. Nagpaiwan naman si Kuya Achie dahil may misyon pa daw siya. I think, it's about dun sa issue 2 years ago tungkol sa pagkawala ng mga bata sa iba't ibang lugar ng Ameurus. Narinig ko kasi silang nag-usap ni Daddy sa opisina niya nung nandoon pa ako sa Capital na makipagtulungan daw sila sa ibang kaharian at empero na dakpin ang mastermind sa susunod na buwan.

Meron na daw kasing lead kung saan nakatago ang lungga nito kaya napagdesisyonan ng mga emperador at hari ng Ameurus na magtulungan para dakpin ang mastermind nito at para masolusyunan na ang problema na ito. Based on the novel ay naging matagumpay naman ang misyon at almost lahat ding kalaban ay napatay at nadakip nila pati na din ang head. Yun nga lang, hindi talaga maiwasan na may iilan din na masawi na mga sundalo at mga bata. I just really hope na walang mangyaring masama sa kapatid ko.

Katatapos ko lang mag ikot-ikot sa buong warehouse ngayon. Araw-araw ko na kasi itong ginagawa simula nung una naming ginamit ang warehouse. Gusto ko din kasing ako talaga mismo ang nakakita kung paano nagtatrabaho ang mga tauhan ko. Though, gawain naman talaga ito ni Sarah at Banjo na mag-ikot every 3 hours dito sa warehouse to observe and guide the workers pero gusto ko din kasing personal kung makikita ang production kahit isang oras lang.

Busy din kasi ako palagi dahil ako parin yung naghahalo ng mga ingredients every product dahil ako lang naman yung may alam sa formula. Mas doble din kasi ang trabaho ko dahil marami na yung ginagawa ko hindi katulad dati. Mabuti nalang talaga nandito si Sarah at Banjo na mag-assist saakin. Every 6:00 pm to 10 pm din ako naghahalo ng mga ingredients para kinabukasan ay madali nalang ang pagproduce  ng products. Ayoko din kasing ginagawa ito sa umaga dahil marami pa akong gagawin.

Tumatanggap na din kasi ako ng mga resellers sa Nagasa at iilan din dito sa Dendro. Plano ko din kasing magpatayo ng branch ng Hazen sa Alba as soon as possible this year. And maybe, we'll extend to Gaia Kingdom. Marami na din kasi akong natanggap na proposal doon. I'm sure, sobrang busy ulit ng schedule ko next month dahil makipagkita ako sa mga resellers sa Capital at ihahatid din namin si Kuya Albie sa daungan ng Gaia Kingdom patungo sa heart Island. Baka din magstay ako ng ilang araw sa Gaia Kingdom or maybe a week for business trip.

Alora: The Nobody Onde histórias criam vida. Descubra agora