Chapter 47

1.3K 91 30
                                    

Naging sunud-sunod naman ang interview buong umaga. Nung una nga ay sobrang amaze ni Kuya Albie habang nakikinig saamin pero ng tumagal na ay para na itong nabagot. Hindi pa sana ito aalis dito sa loob ng opisina pero mabuti nalang may naghahanap sa kaniya sa labas na sa tingin ko'y mga kaibigan niya sa Academy kaya napipilitan itong lumabas para samahan ang mga ito.

Almost 20 Applicants naman ang na interview ko buong umaga. Napagdesisyonan ko namang magbreak muna for lunch at para makapagpahinga konti. Pinakiusapan ko na lang si Bella na sabihin sa ibang Applicante na mamayang 1:00 pm na sila babalik dito para din makakain sila ng lunch.

Napabuntong hininga naman ako ng matapos ang interview ng huling applicante ngayong umaga.

Geez! Kapagod!

Balak ko kasing kumuha ng 15 na tauhan na dadalhin ko sa Alora at lima naman para dito sa shop. Bale 20 lahat. Pagdating ko din kasi ng Alora ay may gagawin din akong interview doon na almost 40 applicants din. Kailangan ko kasing ng 30 people lahat para sa pagmanufacture ng products ko and maybe, makahanap din kami ng bagong tauhan si Daddy doon for his farm. May bago din kasi kaming project ni Daddy sa farm niya kaya kailangan talaga ng maraming tauhan na magtatanim doon.

Pagkapasok ko ng kusina ay bumungad naman saakin sila Kuya na nakaupo doon pati na ang dalawa niyang kaibigan na si Felix at Paul. Masigla namang bumati ang dalawa saakin kaya bumati na lang din ako pabalik. Nagtaka naman akong napatingin sa paligid.

"Sarah?" Tawag ko Kay Sarah na ngayo'y naglalapag ng pagkain sa mesa. Mabuti nalang talaga marami ang pinaluto ko na ulam kay Daddy kanina para baon namin for lunch today.

"Yes, my lady." Sagot naman nito saakin.

"Nasaan sila Bella?" Nakakunot kong tanong sa kaniya.

"Nasa kabilang bahay po, my lady."

"Hindi sila sasabay sa atin?" Nagtataka kong tanong sa kaniya sabay upo katabi kay Kuya Albie.

"Hindi daw po muna, my lady."

"Why?"

"Nahihiya po kasi sila Lily, Mira at Banjo kaya sinamahan na din sila ni Lady Bella. Tiyaka nagluto din po kasi si Lily ng tanghalian. Actually, pinadala nga po ito ni Lady Bella." Sabi nito saakin sabay turo ng isang malaking mangkok which I think it's a soup. Lihim naman akong napabuntong hininga. Siguro nahihiya nga talaga sila dahil ngayon lang nila nakilala si Kuya Albie at may mga kasama pa ito.

"Binigyan mo ba sila ng ulam galing sa dala ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Opo, my lady. Nagbigay na po ako." Sagot naman nito saakin.

"Good. Halika na at umupo, Sarah" Aya ko sa kaniya.

"Po?" Nagtataka namang tanong nito saakin.

"Come here and sit with us para makakain na tayo." Sabi ko sa kaniya.

"Eh, doon na po ako kila lady Bella, lady Alora." Nahihiya at nakayuko nitong sabi saakin.

"Why?" Nakakunot kong tanong sa kaniya.

"Ah, ano po. May sasabihin po ako kay Mira."

"Mamaya mo nalang sabihin kay Mira pagkatapos mong kumain dito." Pilit ko sa kaniya.

"Ahm, ano po. Si-sige po." Nauutal na sang-ayon nito saakin na ikinangiti ko.  Naramdaman ko namang umupo ito malapit sa akin. Lihim nalang akong natawa ng makitang kanina pa kami pinapanood ng tatlo.

"Sorry about that, gentlemen. Let's started to eat, now." Nakangiti kong sabi sa kanila at nagsimulang kumain. Nakita ko namang lihim na nagtinginan si Felix at Paul habang si Kuya naman ay napailing nalang. Well, kilalang-kilala niya talaga ako na kapag ako talaga ang nagpumilit ay mapipilitan talaga kung sino man ang pinipilit ko.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now