Chapter 52

1K 52 0
                                    

Nang makarating kami sa bahay ni Sir Grigo, dali-dali namang lumabas si Javier sa kalesa. Buong biyahe kasi namin ay marami akong tinanong sa kaniya tungkol sa Zephyreu. Halata namang napipilitan itong sagutin ang nga tanong ko na lihim kong ikinatawa. Well, halata naman kasing introvert ang isang to. Paano kaya nito napakisamahan si Mario na mas makulit at maingay pa yun saakin?

Kami lang kasing dalawa sa loob ng kalesa kanina. Ok naman nung una yung pag-uusap namin kahit halatang napipilitan ito. Nagbago lang ito ng naging seryoso ako at tinanong ko siya tungkol sa pagkatao niya. At hindi nga ako nagkamali ng inamin nito na anak nga siya ng isang noble sa Zephyreu. Pinalayas daw siya ng pamilya niya ng pinagbintangan siyang lumason sa Kuya niya. Lakas loob naman itong nagkuwento sa akin. At habang nagkukuwento siya ay matiim naman akong nakikinig at nakatitig sa kaniya habang inoobserbaran ang bawat kilos, facial expression at pananalita niya.

"¿Mario sabe esto?" Alam ba ito ni Mario? Seryoso kong tanong sa kaniya kanina. Mahina naman itong umiling. Naging tahimik naman ako habang walang emosyong nakatingin sa kaniya. Tahimik naman itong nakayuko sa harap ko na parang natatakot sa magiging reaksiyon ko. Hanggang nakarating kami sa bahay ni Sir Grigo. At yun nga dali-dali itong lumabas. Pagkalabas ko naman sa kalesa ay rinig ko naman ang pag inhale-exhale ni Javier, di kalayuan sa akin. Nagtataka naman itong nilapitan ni Mario at tinanong ko ayos lang ba ito. Tango naman ang naging sagot ni Mario. Kinuha ko naman ang water bottle ko at lumapit sa kanila.

"Aqui." Here. Tipid kong sabi sabay abot ng water bottle ko kay Javier. Naramdaman ko namang nagulat ito. "Creo que tuviste un mal sueño antes, Javier." Masama yata ang panaginip mo kanina, Javier." May kahulugan kong sabi sa kaniya. Napatitig naman ito sa mga mata ko na parang nalilito sa sinabi ko. Lihim ko naman siyang nginitian bago ibinaling ang atensyon kay Mario.

"He fell asleep sa biyahe. I think he got a nightmare." Sabi ko naman kay Mario na ikinatango niya bago tumingin kay Javier na tahimik lang na nakatingin saaming dalawa. Rinig ko namang napabuntong hininga si Mario.

"¿Estás bien ahora, hermano?" Are you ok now, bro? Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Mario. Mahina naman itong napatango.

"We're sorry to bother you, my lady. Javier always got nightmares since I met him. I thought mawawala na ito pagkarating namin dito sa Ameurus pero parang hindi ito ganon kadali." Nakayuko namang paumanhin ni Mario saakin.

"It's alright. Naiintindihan ko. Hindi naman talaga ito madaling mawawala especially if his nightmares caused by a traumatic event. If that is his case then I think he really needs a psychological treatment such as counselling." Mahaba kong sabi sa kaniya.

"P-Psy w-what?" Nalilito niyang tanong saakin.

"Psychological treatment." Napatango naman ito pagkatapos kong magpaliwanag.

"Then, is there anyone that you knew that can help him, my lady?" Tanong naman niya saakin. Napatingin naman ako kay Javier na nakikinig sa amin kahit hindi niya naiintindihan ang mga sinasabi namin.

"I'm sorry pero wala talaga akong kakilala, Mario." Malungkot kong iling na sabi sa kaniya. "However, I'll try to ask kapag makarating na ako ng Capital o kahit sa Gaia kung sino ang pwedeng makakatulong kay Javier. For now, he needs to learn our language as soon as possible para kung darating ang araw na makahanap ako ng gagamot sa kaniya, he already knows how to communicate using our language at para mas mapadali din ang pagpapagamot niya." Mahaba ko namang sabi sa kaniya.

"Don't worry, my lady. I'll do my best na maturuan agad si Javier ng ating lenggwahe."

"I'm looking forward to that, Mario." Tipid na ngiti ko namang sabi sa kaniya.

"Ahm, ano. Ilalagay ko na po ang mga tanim at buto sa kalesa niyo po, my lady." Paalam naman nito saakin na ikinatango ko.

"Sige, Mario." Tipid na ngiti ko namang sagot sa kaniya. "Banjo?" Tawag ko naman kay Banjo na nakatayo sa tabi ng kalesa. Dali-dali naman itong lumapit saakin.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now