Chapter 37

1.3K 87 11
                                    

Habang nakaupo ako sa couch at nakapikit, nakarinig naman ako ng pamilyar na yapak na papalapit sa opisina ko. Maya-maya'y mahina itong kumatok sa pinto. Hinintay ko naman itong magsalita.

"Alora?" Mahinang tawag ni Daddy saakin. I slowly open my eyes and look at him.

"Daddy." Sambit ko sa pangalan niya. Nag-aalala naman itong nakatingin saakin.

"Are you ok?" Nag-aalala at malambing nitong tanong saakin.

"I'm alright po. Medyo kulang lang sa tulog." Mahina kong sabi sa kaniya at tipid na ngumiti. Malalim naman itong napabuntong hininga.

"You should take a nap, anak." Sabi nito habang naglakad papalapit saakin at umupo katabi ko.

"I tried po, Daddy pero hindi talaga ako makatulog kaya pinikit ko na lang ang mga mata ko." Sabi ko sa kaniya.
Narinig ko naman itong bumuntong hininga ulit.

"Try to take a nap again, anak. Just don't think too much para makapagpahinga ang isipan mo." Sabi naman ni Daddy saakin. Mahina naman akong napatango at humiga sa lap nito.

"Sleep, sweetie." Malambing na sabi ni Daddy saakin sabay haplos ng paulit-ulit ng buhok ko kaya napapikit ako. Mahina naman akong hinihele nito hanggang hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Nagising naman ako ng makarinig ako ng ingay sa labas ng opisina ko, sa bandang living room. Narinig ko din ang pagsita ng isang pamilyar na boses kaya mahina akong bumangon. Nang makita kong wala na si Daddy dito sa loob ng opisina ko ay mahina akong tumayo habang papikit-pikit ang mata at naglakad papunta ng pinto ng opisina ko. Tiningnan ko naman ang repleksyon ko sa salamin na nasa gilid ng pintuan ko kung maayos pa ba ang contact lenses ko.  I felt relieved naman ng makitang maayos lang ito.

Geez! Mabuti na lang hindi na irritate ang mga mata ko. Kung bakit ba naman kasi nakalimutan kong tanggalin ito kanina.

I want to sleep more! Inaantok pa ako.

Napabuntong hininga naman ako at napapikit ulit. Bawi nalang ako mamaya. For now, I need to hear an updates sa baba. Mahina ko namang binuksan ang pintuan ng opisina ko.

"Kuya." Mahina kong sambit sa pangalan ni Kuya Achie habang nakapikit pa ang mga mata ko.

"Alora?" Rinig kong gulat na tawag ni Kuya Achie saakin. Mahina ko namang binuksan ang mga mata ko. At nagulat naman ako ng bumungad sa harap ko ang apat na lalaking nakasuot ng Knight uniform habang nakaupo sa couch. Tulala naman ang dalawang nakatingin saakin habang ang dalawa naman ay seryoso lang na nakatingin saakin.

"Little sis?" Tawag ni Kuya Achie na nakaupo patalikod saakin. Gulat din itong napalingon saakin.

"Kuya?" Inosente kong tawag sa kaniya.

"Did we wake you up?" Malambing at nag-aalalang tanong ni Kuya Achie saakin. Napatingin naman ako sa mga kasama nito bago tumingin sa kaniya at umiling.

"It's alright, Kuya. Kailangan ko din kasing gumising to hear an updates sa baba." Malambing kong ngiting sabi sa kaniya. Napabuntong hininga naman ito bago nilingon ang dalawang kasama niya at matiim na tiningnan ito. Nakita ko namang hilaw na ngumiti ang dalawa at yumuko. Napatikhim naman ako kaya lumingon pabalik si Kuya saakin pati na rin ang dalawa.

"By the way po, who are they po, Kuya?" Inosente kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman itong lihin na napabuntong hininga.

"My team." Tipid at parang napipilitan nitong sabi sa akin. Napatango naman ako at binalingan ang mga kasama niya na hanggang ngayon ay nakatingin saakin. Nakaramdam naman ako ng hiya. Ang wagas naman kasing makatitig ito at sobrang intimidating lalung-lalo na ang dalawang kanina pa seryosong nakatitig saakin. Peke naman akong ngumiti bago nagsalita.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now