Chapter 35

1.3K 77 2
                                    

Nang matapos akong magmake up, sinuklay ko ulit ang buhok ko at naglagay ng malalaking hairpin sa gilid ng buhok ko na kulay black na may Black Crystal just like the hairstyle ng buhok ni Jennie Kim sa Black pink. Kitang-kita naman ang buong mukha ko dahil sa hairstyle na to. Napatingin naman ako sa buhok ko na ngayon na medyo wavy.

Mabuti na lang pumayag si daddy na putulin ko ang buhok ko last week. Ang bigat na kasi nito dahil nasa legs ko na ito. Lihim na nga lang akong natawa sa reaksiyon ni daddy ng pinutol ko ito hanggang bewang ko. Umiyak kasi ito pagkatapos. Nasasayangan daw kasi siya sa buhok ko dahil alagang-alaga niya ito. Minsan nga, sinusuklayan niya ang buhok ko kapag may time siya o isinasabay niya minsan ang pagsuklay ng buhok ko kapag nagkukuwentuhan kaming dalawa. Yung buhok ko kasi yung magkatulad talaga ni mommy. While Kuya Albie naman ay same din naman kaso kapag nalilinawanagan ay may konting Azure Green Blue na kulay.

Agad naman akong nagtungo patungo sa closet ng silid ko at binuksan ito. Kinuha ko agad ang royal blue puff dress ko na hanggang tuhod at sinuot ito. Actually, personal ko talaga itong tinahi just for this special day. Kahit sobrang busy ko na ay naglagay talaga ako ng time para matahi ito.

Pagkatapos kong masuot ito ay naglagay din ako ng black plain belt. After that, sinuot ko din ang black doll shoes ko na tinahian ko din ng black ribbon sa likod ng shoes so that, I can tie it in my ankles. Mas maganda kasing tingnan kapag may naka tie sa ankle ko na ribbon. Mukha kasing plain at boring kung yung doll shoes ko lang ang susuotin ko.

"Finally, I'm done!" Masaya kong sabi sabay tinitingnan ang reflection ko sa salamin. I even twirl ng ilang beses dahil gandang-ganda talaga ako sa ayos ko ngayon especially sa make up ko.

My make up really look aesthetic. Mabuti na lang talaga natural ng maganda si Alora. Kaya kahit simple make up lang, mas nagglowing at gumanda pa ito.

Napatitig naman ako sa buong katawan ko sa salamin. Actually, this past few months ay naramdaman ko na talagang maraming nagbago sa katawan ko. Tumangkad ako, nagsimula na ding nagmatured ang katawan ko, at may umbok na din ang boobs ko.

Naalala ko na naman ang nangyari 5 months ago. First time ng katawan na to na may period. And shet lang talaga! Parang mamatay ako sa sakit ng puson ko. It was even lasted for more than 10 days. Two weeks talaga akong nagsuffer ng buwan na yun dahil sa period ko. Sa pangalawang buwan naman ay more than 5 days akong may menstruation kaya medyo nabawasbawasan na ng ilang araw ang paghihirap ko. Mabuti na lang talaga sa pangatlong buwan ko hanggang ngayong buwan ay regular na ang cycle ko. Every 3 days na lang ang menstruation ko.

Yun nga lang, palaging masakit ang puson ko kapag nagkakaroon ako. Pati nga din ang buong katawan ko masakit rin. Kabaliktaran sa buhay ko sa Earth na kapag nagkaroon ako ay parang wala lang. Dito? Para akong tinotortured. Masasabi ko na talaga na I feel you sa mga babaeng naririnig ko dati na halos himatayin na sa sakit ng puson nila kapag mayroon silang regla.

Naalala ko na naman nung araw na first time kung may period. Nagpapanic talaga si Daddy. Halos himatayin na din kasi ako sa sakit ng puson ko and my face are paled too. Mabuti na lang talaga, nandoon si Lola Liyana. Pinainom niya ako ng gamot na gawa niya kaya naging maayos din ang pakiramdam ko kinabukasan. Ang sabi nga niya, ganito din daw ang mommy ni Alora kapag nagkaroon din.

I checked myself in the mirror for one last time bago ko kinuha ang maliit na black handbag ko at lumabas ng silid. Nang makababa na ako ng hagdan ay bumungad naman saakin si Daddy at Kuya Achie na nakaupo sa couch sa living room. Una namang nakapansin saakin si Kuya Achie. Yun nga lang, natulala itong nakatingin saakin. Lihim naman akong napahagikhik sa reaksiyon nito.

"Are you listening to me, Achie?" Rinig kong tanong ni Daddy kay Kuya. Nang hindi sumagot si Kuya ay lumingon na rin banda saakin si Daddy. Tulala naman itong napatayo at nakatingin saakin.

Alora: The Nobody Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin