Chapter 50

1.5K 102 36
                                    

"Hi, Baby Fleur!" Nakangiti ko namang bati sa baby nila. Nakatitig naman ang baby nila saakin ng ilang segundo bago ngumiti ng malawak.

"Are you happy to see your ate Alora?" Masaya kong tanong sa kaniya na ikinahagikhik niya. " Gosh! You're so cute!" Nanggigil kong sabi sabay hawak sa matataba niyang pisngi. Mas lalo naman itong humahagilhik na ikinatawa ng magulang niya.

"Gosh, Tita. Pwedeng akin nalang tong baby niyo?" Pabiro kong tanong sa kaniya na ikinatawa niya lang.

"Huwag naman po. Nag-iisa lang po itong prinsesa namin." Natatawa namang sagot saakin ni Tita Mina.

"Eh, akin nalang po ito si Baby Fleur. Gawa nalang po kayo ng bago." Diretso ko namang sabi sa kanila na ikinapula ni Tita Mina. Lihim naman akong natawa ng mabulunan si Sir Grigo na saktong umiinom ng kape. Gulat namang nakatingin si Baby Fleur sa tatay niya na walang tigil kakaubo. Agad ko namang kinarga si Baby Fleur pagkatapos inabot siya saakin ng nanay niya. I saw Tita Mina tap his husband's back hanggang naging ayos na ito. Inosente ko namang ibinaling sa anak nila ang atensyon ko at niyakap ito.

"Baby? Do you want to see my gift for you?" Nakangiti kong tanong Kay Baby Fleur. Lumingon naman ito saakin sandali bago nilingon ang mga magulang niya. Agad namang lumapit si Tita sa center table at kinuha ang paper bag na binigay ko para buksan ito. Pagkabukas ay agad namang bumungad saamin ang limang baby dress na pinamili ko sa Capital at tiyaka ang portrait niya na may frame na guhit ko mismo.

"Wow, baby?! You have new beautiful dresses." Masaya namang sabi ni Tita ng isa-isahin niyang tiningnan ang mga damit na bigay ko para sa anak niya.

"And you have a portrait too, anak. It really look exactly like you." Masaya namang sabi ni Sir Grigo sabay pakita sa portrait sa anak niya.

"Thank you, Alora iha." Masaya at sinsero namang pasasalamat saakin ni Tita.

"Maraming salamat sa mga regalo mo, lady Alora lalung-lalo na sa portrait ni baby Fleur. This will be a memorable for us." Sinsero ding pasasalamat saakin ni Sir Grigo na ikinangiti ko.

"Walang anuman po. Pamilya na din po ang turing ko sa inyo kaya salamat din po." Nakangiti kong sabi sa kanila.

I already considered Sir Grigo and Tita Mina as my family. Simula nung nakilala ko sila sa mundong ito, naramdaman ko na talaga sa kanila ang sinseridad at respeto kahit mas bata ako sa kanila. Also, naramdaman ko din na parang itinuturing nila akong anak at parte na ng pamilya nila.

Sobrang saya ko nga nung ako ang pinadesisyon ng mag-asawa kung ano ang magiging pangalan ng first baby nila. Nung una nga ay hindi ako makapaniwala dahil sino naman kasing magulang ang ipagtiwala sa batang kagaya ko ang magiging pangalan ng anak nila, diba? Hindi lang talaga ako makapaniwala na ganun kalaki ang tiwala nila saakin. I really just felt honored. Kaya pinag-isipan ko talaga ang ipapangalan ng baby nila until iyun nga, napagdesisyonan kong pangalanin ito ng Aneissa Fleur. Ang ibig sabihin kasi nito ay Pure Flower. Bagay din naman kasi ito sa apelyedo nilang Pharez means to blossom.

Aneissa Fleur Pharez

Masaya at gandang-ganda naman ang mag-asawa ng marinig nila ang pangalan ng anak nila. It sounds beautiful and special daw. Masaya din naman ako dahil para na ring natupad ang pangarap ko dati na magpapangalan sa magiging anak ko. Yun nga lang, maaga akong na deads na hindi man lang nakabuo ng sariling pamilya. Ewan ko lang kung ano ang magiging tadhana ko sa mundong ito. Tadhana ko lang ang makakaalam kung magtatagal din ba ako dito o hindi. Pero sana naman kahit sa buhay na to, pagbibigyan na ako ng pagkakataon na magtagal pa para makasama at maprotektahan  ko ang mga taong nagiging mahalaga na sakin.

Alora: The Nobody Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ