Chapter 43

1.6K 112 40
                                    

It's been two weeks since I open my shop. And until now, marami pa ding customers ang Hazen. Mabuti nalang, unti-unti ng naka-adjust ang Hazen, Hindi katulad nung first week na palaging puno ang shop na halos pilahan na ito ng mga tao. Masaya din ako dahil kilalang-kilala na din ang brand ko pati na ang shop ko at maraming ding customers na nagustuhan ang mga produkto ko. Sa ngayon, wala naman akong narinig na negative feedback tungkol sa products ko except sa issue na bata ang may-ari ng Hazen.

Well, I won't deny naman dahil totoo namang bata pa ang edad ko but naiinis lang ako cause maraming chismis ang taong nagpakalat nito na hindi daw mapagkakatiwalaan ang produkto ng Hazen dahil ako daw mismo ang gumawa nito. Tsk. There's no one else who will spread this except that old insecure man, Adoro Diaz who owned the Adoline Body Shop. Ang sarap niya lang talaga ipasok sa inidoro. Mabuti nalang, nakapagpigil pa ako.

Because of that fucking old man, many people are started to doubt my products especially sa mga taong hindi pa nakabili at bibili palang. Kaya nga ang ginawa ko last week ay nagpaframe talaga ako ng mga copy ng papers ko like yung business permit ng Hazen, approval to release ng Food and Drugs Administration of Frieda (FDAF), approval ng Ministry of Health and yung huli ay approval ng Ministry of Science then I displayed it sa wall ng shop. Tanga lang talaga ang hindi maniwala dito.

I felt relieved naman ng naging maganda ang resulta ng ginawa ko after a week dahil mas marami na ang naniniwala sa Hazen at saakin. Last Saturday nga ay nagcelebrate din kaming buong pamilya, mga tauhan ko at mga katulong ni Kuya sa successful opening ng Hazen. And also, nang araw din yun ay napagdesisyonan ko na I'll close Hazen every Saturday para naman may rest day ang mga tauhan ko. Nagtaka nga sila Daddy sa desisyon ko dahil hindi naman kasi common sa mundong ito na magkaroon ng rest day especially sa mga employees.

Well, my employees are deserve to have a rest day especially 10 hours ang trabaho nila everyday. Ayoko naman na halos hindi na sila magkaroon ng oras sa sarili at pamilya nila especially si Lily na may nakababatang kapatid na si Lilo. Mabuti na nga lang yung batang iyon ay pwede lang iwanan ni Lily sa bahay. Bilib nga din ako dahil kahit 7 years old pa lang ito ay matured na itong mag-isip at marunong din umintindi. Kaya minsan, pinapunta ko ito sa opisina ko para mabantayan ko din ito. Wala namang naging problema dahil behave naman ito.

Now, we're heading to Frieda Knights Academy para sunduin si Kuya Albie. Pinuntahan din ito ni Daddy last week para pag-usapan ang scholarship niya sa Thereal Academy. Nung una ay umayaw ito pero kahapon ay nagpadala ito ng sulat kay Kuya Achie na napagdesisyonan na niyang kunin ang opportunity na ito.

Maybe, kinausap ito ni Kuya Achie dahil hindi naman madaling mabago ang isip nung isa kung hindi dahil saamin na pamilya niya. Hindi nga sana ako sasama ngayon pero Kuya Albie personally request na isama daw ako papunta doon para sunduin siya para daw mas lalo daw itong maconvince na umalis ngayong araw sa Academy. Tsk. Ewan ko talaga sa mindset ng Kuya kong iyon. Kaya ngayon, napipilitan na akong sumama kay Daddy kahit marami pa akong gagawin sa opisina ko. Pinadali ko kasi ang mga trabaho ko dito sa Frieda dahil uuwi ako ng Alora next week. Tiyaka kailangan ko ding mag review ng mga documents at mag-interview ng mga nag-apply bilang worker ko doon sa Alora. Lihim nalang akong napabuntong hininga sa dami ng trabahong naghihintay saakin.

Hays. Ang hirap talagang magpayaman.

Hindi naman nakasama saamin si Kuya Achie dahil pinatawag ito kaninang madaling araw ng Emperor. Kaya hindi kami kompletong sumundo kay Kuya Albie ngayon. Tulala nalang akong napasilip sa labas ng bintana ng kalesa. Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil may tinatapos pa ako. Then, maaga din ang biyahe namin ngayon dahil marami pang kailangang maprocess na papers si Daddy doon sa Academy bilang magulang at guardian ni Kuya Albie. I told Dad kanina na e process nalang ngayong araw ang papeles ni Kuya at sa susunod na araw nalang namin ito susunduin pero gusto niyang gawin nalang daw ito lahat ngayon. Naiintindihan ko naman dahil almost four hours din ang naging biyahe galing sa bahay ni Kuya Achie papuntang Academy and bale, almost 8 hours ang magiging biyahe pa back and forth.

Alora: The Nobody Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon