Chapter 45

1.2K 65 0
                                    

Nang paparating na sila Kuya at ang mga kaibigan niya sa table ay isa-isa ko namang inilabas ang mga food na binaon ko. Ako sana ang luluto nito kanina pero di ko talaga kayang gumising ng maaga kaya si Sarah nalang ang pinaluto ko para sa babaunin namin ngayon. Inilapag ko naman ang baonan na may lamang  lumpia at siomai na ako mismo ang gumawa kahapon.  Pinafried ko lang talaga kay Sarah ang lumpia at siomai kaninang umaga.Also pina-steam ko din ang ibang siomai. Inilapag ko din ang medyo kalakihang baunan na may lamang chicken adobo at mga sauces ng siomai at lumpia.

Pagkatapos, inilapag ko din ang baonan na may lamang chocolate chip cookies and brownies. Agad namang nagningning ang dalawang mata ng Kuya ko ng maabutan niya ang mesa na puno ng pagkain na gustong-gusto niya.

Masaya naman itong inilapag ang order niya sa mesa at agad na umupo sa tabi ko. Sumunod naman ang mga kaibigan nito at nagsiupo sa tapat namin. Lihim nalang akong napangiti ng makitang nagniningning din ang mga mata nila habang nakatingin sa mga pagkain.

"Wow! I didn't expect this, little sis. Thank you for this!" Masiglang sabi nito saakin at niyakap ako ng mahigpit. Natawa naman ako sa reaksiyon nito dahil para kasi itong bata na binigyan ng paboritong candy.

"Oh sya. Bitaw na kuya so that we can already start to eat na po." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Ngumiti naman ito saakin pabalik bago bumitaw sa pagkayakap saakin. Dali-dali naman itong hinanda sa harap ko at kay Daddy ang mga utensils na gagamitin namin na ikinatawa ko. Halata talagang excited na kumain.

"Alright, let's eat!" Nakangiti namang sabi ni Daddy saamin. Agad namang nagsimulang maglagay ng pagkain si Kuya sa plate niya especially the lumpia. Lihim nalang akong napailing dito. Well, namiss ko din naman kasi ang katakawan nito.

"I miss this!" Madamdamin namang sabi ni kuya pagkatapos kainin ang unang subo niya ng paborito niyang lumpia. Hindi naman kasi sila pwedeng magluto sa dormitory kaya mapipilitan talaga itong kumain kung ano ang pagkain sa cafeteria. Minsan lang din naman kasi ako makapagpadala sa kaniya ng pagkain kaya naiintindihan kong mamimiss niya talaga ang mga luto ko.

"Try this, bro. All of this are my sister's specialty." Nakangiti namang sabi ni Kuya sa mga kaibigan niya sabay turo sa mga pagkain na dala ko. Para naman akong nakaramdam ng hiya ng sabay silang tumingin saakin pagkatapos sabihin ni Kuya iyon. Kaya ang ginawa ko ay umiwas nalang ako ng tingin at tumingin kay Daddy. Nakita ko naman itong natatawa saakin kaya napanguso ako.

Isa-isa namang nagsikuha ang tatlo. Sabay naman kaming napatigil ni Kuya habang naghihintay sa reaksiyon ng tatlo sa luto ko habang si Daddy ay patuloy lang na kumain ng tahimik habang nakatingin saamin. Pagkatapos nilang maisubo ito ay agad namang nanlaki ang mga mata ni Felix at Paul habang si Axel namang ay wala pa ding emosyon.

"This is so good!" Puri naman ni Paul pagkatapos makain ang fried chicken.

"Yeah. This is really good." Nakangiti namang sang-ayon ni Felix sa kaniya.

"I told ya." Nakangiti namang sabi ni Kuya sa dalawa. "How about you, bro? How is it?" Tanong ni Kuya sa lalaking nasa harapan niya. Napatingin naman ito sa hawak niyang fried chicken na ngayo'y paubos na bago tumingin saamin ni Kuya at tumango.

"Good." Tipid namang sagot nito na ikalawak ng ngiti ni Kuya.

"Glad that you like it!" Nakangiti namang sabi ni Kuya.

Naging maayos naman ang naging lunch namin at naubos din nila ang lahat ng dishes na dala ko. Medyo nahihiya nga ako dahil kanina pa namin nahahakot ang atensyon ng mga tao dito sa cafeteria dahil sa ingay ni Kuya at ng dalawang kaibigan niya. Yung isa naman ay obviously tahimik lang.

Ngayon naman ay nandito parin kami nakaupo sa cafeteria habang inuubos nila ang chocolate chip cookies at brownies na dala ko. Puring-puri naman ang dalawa dito while si Axel naman ay tahimik lang na kumakain. Tsk. Halata namang nagustuhan niya ito. Si Daddy naman ay nauna ng umalis kanina para tapusin ang papers ni Kuya para makaalis kami ng maaga ngayon.

Alora: The Nobody Kde žijí příběhy. Začni objevovat