Chapter 33

1.4K 92 5
                                    

It's been more than a year since my first birthday in this world. At marami-rami na rin ang nangyari. I completed my studies and I can finally summon my magic which is a water magic: Water Generation just like Kuya Albie and Alora's mom.

Ngayon, medyo naging busy kami cause I'm going to finally launch my products. It took me more than a year to launch it cause naging busy ako sa studies and trainings ko. And also, dinagdagan ko din ang mga products ko. Nagdagdag kasi ako ng different types ng lotion, shampoo, conditioner, at soap para naman may pagpipilian din ang magiging customers ko. Also, isinali ko din sa paglaunch ang brightening sunscreen, scrubs, shower gel, bubble bath at hand cream ko na ginawa ko last year.

I decided din kasi to finish my studies first bago pinaalam sa family ko about this business dahil ayoko silang mabigla. Wala naman kasi akong balak itago sa kanila itong negosyo ko. Nagpabili pa nga ako ni Sir Reyhan (
the chemist who help me finding the ingredients of my products) ng mga Chemistry books and other books related on making this kinds of products para may idadahilan ako sa family ko kung magtatanong sila kung saan ako natuto kung paano gumawa ng mga products ko. And I'm right, nang nalaman ni daddy at ng mga kuya ko, they immediately asked me where I learned it and I told them that I learned it from books.

Mabuti na lang talaga naniwala sila saakin. And I guess nakakatulong din ang pag-aaral ko ng isang taon. I've been doing well kasi in my studies in the whole year and my teachers are always praising me too. They always tell my family na madali daw akong matuto and I'm a genius daw kaya naman bilib na bilib ang family ko saakin.

It also took me more than a year dahil natagalan din ako sa papers ko for the legality of my products. Pinatest ko pa kasi ito sa Chemistry Laboratory sa Gaia Science and Health Academy kung saan nagtuturo si Sir Reyhan. At pagkatapos maapprove ito, pinatest ko din ito sa Food and Drugs Administration of Frieda (FDAF). Nang makitang wala namang harmful substances ang ingredients ng mga products ko at maayos ang quality nito, they immediately signed it for approval to release. Dahil din sa approval na ito ay madali lang din akong nakakuha ng papers galing sa Ministry of Health at sa Ministry of Science.

Mabuti na lang rin talaga malakas ang connection ng Navin Clan sa mga ministro ng Empero kaya isa din ito sa mga reason kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pagprocess ng mga papers ko. Ang huli ko namang pinuntahan ay ang Ministry of Commerce. Kailangan muna kasing mairegister ang business ko bago ako makakakuha ng permit. Of course, malaki-laki din ang naibayad ko para lang sa lahat ng papers ko.

Ngayon, nandito ako sa labas ng magiging shop ko, tinitingnan ang kubuuan nito. Lihim nalang akong napangiti ng maayos na ang karatula nito.

Hazen

That's the name of my shop. I named it after my real name sa past life ko. Athena Zaragoza is my name after I got adopted but my real name is Althea Hazen. Iyan daw ang nakasulat sa card ng makita ako ng mga madre sa labas ng simbahan.

I named it Hazen dahil maganda din kasi ang meaning nito. Hazen means smooth and beautiful and this name really suits na maging pangalan ng shop ko. Sa karatula, sa ibaba ng Hazen ay naglagay ako ng Hair, Body and Bath Essential para naman malaman ng mga customers ko kung para saan ang shop ko.

Medyo busy din ang mga tauhan ko sa loob ng shop dahil bukas na ang opening nito. Naramdaman ko namang lumapit saakin si Bella. Siya ang maging manager nitong shop ko.

I met her 5 months ago dito sa Frieda. I was just roaming around the Capital dahil naghahanap ako ng lugar kung saan ko itatayo ang magiging shop ko ng makita ko itong pinagtulungan ng dalawang lalaking lasing sa isang tagong eskinita. Malapit na sana itong pagsamantalahin ng mga lalaking iyon ng napagdesisyonan kong tulungan ito. And I fucked the whole up. Hindi ko kasi namalayan na dahil sa galit ko ay napatay ko ang dalawang lalaki sa harap niya.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now