Chapter 15

1.8K 94 0
                                    

It's been almost a month since brother Achie and brother Albie left. Medyo natahimik din ang bahay dahil nawala na ang kaingayan ni kuya Albie. This past few weeks, medyo naging busy kami ni daddy. We need to meet the engineer and the workers para maisagawa ang plano tungkol sa bahay. And last week, thankfully nasimulan din. Minsan na lang din nagbukas ng tindahan si daddy dahil every other day siya umaalis para pumunta doon sa Sirca. Yes, Sirca ang tawag namin sa lupain ni daddy for now cause that land is still part of Sirca. Maybe, after the house finish, they can rename the land. Medyo mataas din kasi ang proseso ng pagbabago ng pangalan.

Pumupunta din ako dun sa Sirca but twice a week lang daw sabi ni dad dahil baka daw mapagod ako kakabyahe. Hindi naman ako nagreklamo cause araw-araw naman sinasabi ni dad saakin kung ano na ang balita sa pinapatayong bahay. And also, it's advantage for me cause I have a lot of time to exercise and trained myself. Actually, feeling ko nga medyo tumangkad ako and medyo lumaki din konti ang katawan ko. Feel ko lang. Masaya din ako dahil marami akong oras to read and to plan about my goals ko in the future.

Maaga akong nagising ngayong araw. Sasama kasi ako ni daddy sa Sirca mamayang alas siyete ng umaga. Nagsimula na din akong gumawa ng maraming sandwich para sa meryenda ng mga tao doon. Nang matapos ako ay agad akong pumunta ng pantry para tingnan kung ano ang lulutuin ko for our breakfast.

Geez, halos gulay na lang ang nandito.  Mabuti na lang meron pang ham and maliit na pork giniling.

Nang mailagay ko ang mga gulay sa mesa ay sinimulan ko na din itong hiwain. I decided to make a lumpia na ang laman ay gulay at yung pork giniling.

Shet! I remember kuya Albie.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagka miss sa asungot kong kuya. Namiss ko ang katakawan niya ng lumpia. Napailing na lang ako. Bigla naman akong nakarinig ng pagkabukas ng pintuan sa main door. Seryoso lang akong nakatingin sa main door habang hawak ang kutsilyo sa kanang kamay ko, naghihintay kung sino ang pumasok. Napabuntong hininga naman ako ng makitang si daddy lang ito. Nakakunot ang noo nito habang may hawak na sulat.

Daddy? Inosente kong tawag sa kanya. Agad naman itong lumingon saakin at ngumiti.

Good morning, my lovely daughter. Malambing niyang bati saakin.

Good morning din po, daddy. Bati ko sa kanya pabalik. What do you want for breakfast po? I'll cook it for you? Malambing kong tanong sa kanya.

Anything will do anak. Nakangiti niyang sabi saakin.

Alright po. Masigla kong sagot sa kanya sabay pasulyap-sulyap sa liham na hawak niya. Para naman itong naging balisa, itinago din nito ang liham sa likod niya.

I'll go in my room, Alora. Paalam nito saakin. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Nang makapasok ito sa silid niya ay agad kumunot ang noo ko.

Is he hiding something?

Pagkatapos kong magluto ng lumpia, ham, tortang talong at rice ay agad akong kumatok sa pintuan ni daddy.

Daddy?!

Yes, anak?!

Breakfast is ready na po! Sigaw ko sa kanya.

I'm coming, anak! Sigaw nito pabalik. Narinig ko naman ang mga yapak ng paa nito papalapit sa pinto. Nang maibuksan na nito ang pinto ay agad ko siyang hinila papuntang kusina.

Let's eat na po! Masigla kong sabi sa kanya.

Alright, anak. Nakangiting sabi nito. Nang makaupo kami sa hapag kainan ay agad na din naming sinimulan ang aming almusal. Nagustuhan naman nito ang mga niluto ko lalung-lalo na ang tortang talong. Habang kumakain kami, seryoso naman itong tinawag ako.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now