Chapter 39

1.2K 79 0
                                    

Nang mas dumami na ang tanong at kuwento ng dalawa ay sumabat na din si Kuya Achie.

"Mamaya na kayo magkuwento sa kapatid ko, marami pa tong gagawin." Sabi niya sa dalawa.

"Eh marami pa akong gustong itatanong cap." Nakanguso namang Sabi ni Sir Thomas.

"Ako din, marami din akong ikukuwento." Sabi naman ni Sir Austin. Masama namang tiningnan ni Kuya ang dalawa kaya nakangusong napayuko si Sir Thomas habang si Sir Austin naman ay hilaw na ngumiti habang napakamot sa leeg.

"Oo nga pala, may sasabihin pala ako kay Liam. Hehe." Hilaw na tawang sabi ni Austin at dali-daling nagpaalam saakin bago lumabas ng pinto ng opisina ko. Habang napipilitan namang magpaalam saakin si Sir Thomas bago umalis ng opisina ko. Lihim nalang akong natawa sa kanila habang napailing nalang si Kuya Achie sa kakulitan nila.

"Pupuntahan ko muna ang mga kasama ko, little sis. I'll just inform you later kapag dumating na si Dad." Sabi nito saakin.

"Ok, Kuya." Tipid kong ngiting sabi sa kaniya. Ngumiti naman ito pabalik saakin bago lumabas ng opisina ko.

I just finish counting all the money inside the box at sakto naman ito sa total na pera that I compute awhile ago.  Napaunat naman ako ng kamay at likod ko bago ako tumayo at sinirado ang box na may lamang pera.  Agad ko naman itong dinala sa secret compartment ng opisina ko para maitago. Pagkatapos, naglakad ako papalapit ng bintana ko para silipin kung ano na ang mga kaganapan sa baba.

Hanggang ngayon ay medyo madami pa din ang tao sa labas. Napangiti naman ako ng makita ang isang karwahe na may crest ng Navin Clan.

They're finally here.

Bago ako lumabas ng opisina ay inayos ko muna ang buhok ko at nagretouch konti. Kinuha ko na rin ang tray at mga pinagkainan ko para maidala ko pababa ng kusina. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko naman si Kuya Achie na kakatok sana kaya napahagikhik ako. Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko kaya napanguso ako.

"Kuya naman eh, kakaayos ko lang." Nakanguso kong sabi sa kaniya. Ngumisi naman ito saakin bago kinuha ang tray na hawak ko.

"Ako na ang magdadala nito." Sabi nito saakin. Tango na lang ang naging tugon ko. Napasilip naman ako sa bandang couch at nakita ko naman si Sir Aries na nagbabasa habang si Sir Liam naman ay nakaupo habang nakapikit ang mga mata. Nagtataka naman ako ng makitang wala ang dalawang makulit na kasama ni Kuya.

"Nasaan ang dalawa, Kuya?" Tanong ko sa kaniya.

"Thomas and Austin?" He asked me back. Tumango naman ako.

"They're downstairs." Tipid na sagot nito saakin.  I just nod at him again.

"Aries? Liam?" Tawag ni Kuya sa dalawang kasama niyang nandito pa sa living room. Lumingon naman si Sir Aries sa kaniya at napamulat din ang dalawang mata ni Liam at lumingon saamin. Titig na titig naman ako sa buong mukha nito.

Gwapo naman ang mukha nito pero iniwan pa din ni Marigold Maltridge. If I were her, mas pipiliin ko pa si Liam kaysa mayabang na prinsipe na iyon na walang ginawa kundi saktan siya.

Nakita ko namang namula ang dalawang tenga nito at umiwas ng tingin saamin ni Kuya.

"Are you not coming with us?" Tanong ni Kuya Achie sa kanila.

"I'll go with you." Tipid na sabi ni Sir Aries bago tumayo. Wala namang imik na tumayo si Sir Liam at naglakad papalapit saamin.

Nang makababa na kami, hinintay muna namin si Kuya Achie na ilagay ang tray sa kusina bago pumasok sa pinto na papasok ng shop. Naging agaw atensyon naman kami agad sa mga customers na nandito sa loob.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now