Chapter 4

2.6K 107 1
                                    

"Little sis? Ito na ba ang last box?" Tanong ni kuya Albie saakin ng mailagay niya sa sahig ang isang box na ang laman ay mga gamit ko.

"Yes, kuya. Iyan na po ang last. Thank you po sa pagbuhat." Pasasalamat ko sa kanya. I decided to occupy the abandoned room upstairs which is my suppose to be room. And I immediately told dad about it. Nung una, ayaw pa niyang pumayag kasi I grew up in their room daw and ang mundo ko dati ay umiikot lang sa silid na iyon but I convince him that I want changes and beside I have my sight now.  Kaya yun he agreed also I was thinking this time that I want dad to occupy his and mom's room. Nung bulag pa kasi ang katawan na to, dun sa tindahan natutulog si dad. Ayaw din kasi gamitin ni dad ang kwarto sa taas dati kasi ako lang ang mag isa sa first floor.

Kaya now, I'm moving my things upstair. Actually, kahapon pa ako nagsisimulang naglinis sa magiging  silid ko. Tulong tulong kami ni kuya sa pagpalabas ng mga gamit galing sa silid na iyon at nilagay sa bodega sa basement. At ang naiwan na lang sa silid na iyon ay yung build in closet. Yung wooden shelves naman na nakita ko before at mga books ay nilinisan ko lang at pinalabas ko muna malapit sa silid ko. Ibabalik ko lang iyon sa silid ko pagkatapos mapinturahan ang silid ko.

Nagtanong nga si daddy kung bakit ayaw kong ilagay sa bodega ang wooden shelves at mga libro. Agad ko naman siyang sinagot na gusto kong babasahin lahat ng iyon. Actually, mga ¼ na din sa mga libro ang natapos ko ng basahin and there are still a lot of interesting books there na di ko pa nabasa. After I told dad my reason, he complimented me na magkasingkatulad talaga kami ni mommy dahil mahilig din itong magbasa noong nabubuhay pa ito at siya rin daw ang nagmamay-ari lahat ng mga libro na iyon. Namangha naman ako sa narinig.

Natapos na din akong nagbalot ng mga gamit ko sa baba. And today, I asked kuya to bring my stuffs here in the lobby malapit sa pintuan ng magiging silid ko.

"So, are you ready little sis?" Excited na tanong ni kuya saakin.

"Yes! I'm ready kuya!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Alright. Wear your cape now princess." Utos niya saakin.

"Opo kuya." I answered him. Dali-dali ko namang sinuot ang blue na cape. Nang masuot ko ito, agad lumapit si kuya saakin at sinuot ang hood Ng cape sa ulo ko.

"Basta, no matter what happen little sis, huwag mong hubarin ang cape ok?" Paalala niya saakin. Agad Naman akong tumango. Well, this is part of our deal, papayag Sila ni dad na lumabas ako para bumili Ng mga kailangan ko para sa new room ko basta kasama ko si kuya at itatago ko ang itsura ko. And I agree, also I understand that they are just protective to me, they just don't want someone to see me especially my eyes. My eyes are color silver just like mom and in this continent no one had a silver eyes except me and my late mom.

We are still figuring out how mom disguise herself by changing her eye color. Dad said that mom mention to him before that mom did a chant magic for her to change her eye color to disguise herself. And because I still don't know the chant and my body is too weak to use magic kaya magsusuot muna ako ng cape para maitago ko ang sarili ko.

Pumasok muna kami sa tindahan ni daddy para magpaalam which is located sa front ng bahay namin. And it's my first time to see my dad's shop and wow, the weapons are so amazing.

"Dad?!" Tawag ni kuya kay daddy na may kausap na customer. Lumingon naman agad si dad saamin pati na din yung costumer. Agad naman akong napayuko.

"Aalis na po kami." Paalam ni kuya.

"Sige. Mag-ingat kayo at bantayan mo ng maayos yang kapatid mo." Paalala ni dad sa kanya.

"No worries dad. Ako bahala kay bunso."

"Hmm. Alora? Huwag kang umalis sa tabi ng kuya mo, ok?"

"Opo daddy. At behave po ako, promise."

"Alright. Enjoy there." Nakangiti niyang sabi saakin.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now