Chapter 7

2.3K 104 1
                                    

"Kuya Albie!" Nagagalit kong sigaw sa lalaking nakatago sa ilalim ng mesa.

Katatapos ko lang kasing mailuto ang isang plate na may lumpia. Pumayag pa ako nung una kasi titikim lang daw siya pero habang tumatagal nagiging marami na ang subo niya ng lumpia. Sinabihan ko siyang tigilan na niya dahil baka wala na kaming maiuulam mamayang hapunan. Eh, dadating pa naman mamaya si kuya Achie. Yun nga, Akala ko tinigilan na niya pero nagtatago pala ang mokong sa ilalim ng mesa at patagong kumukuha ng lumpia. Rinig na rinig ko pa naman ang ingay ng bibig niya kapag kumakagat ng lumpia. Malakas pa naman ang pandinig ng katawang to kaya rinig na rinig ko kahit dahan-dahan lang ang pagkagat niya ng lumpia.

"Kuya?." Diin kong tawag sa kanya.

"I know you are under the table. Kapag di ka titigil at lalabas diyan, wala kang lumpiang kakainin mamayang hapunan." Seryoso kong sabi sa kanya. Maya-maya ay dahan-dahan siyang lumabas ng mesa. Humarap naman siya saakin habang nakakamot sa ulo. Halata din itong nakalamon ng maraming lumpia dahil lumubo na ang pisngi nito dahil puno ang bibig. Pilit naman itong ngumiti saakin. Sinenyasan ko naman itong lumapit saakin. Nag hesitate naman itong lumapit saakin.

Natatawa naman ako sa isip ko cause he looks so cute right now. Sarap panggigilan ng pisngi. Well, I can't help it, cause even though I'm calling him kuya and act cute to him sometimes but I still think that I'm older than him. Para saakin he looks like my younger brother than an older brother especially this past few days na lumalabas na ang pagka-isip bata ng mokong na to.

"Lumapit ka muna saakin para mabatukan kita nitong sandok na hawak ko." Seryoso kong sabi sa kanya. He immediately shake his head.

"Isa lang." Seryoso kong sabi sa kanya. He shake his head again at tumingin saakin na nagpapaawa.

"Lalapit ka o lalapit ka?" Seryoso kong tanong sa kanya. He still shake his head again. Nang di na ako makatiis ay tinakbo ko siya para hampasin Ng sandok. Agad naman itong umiwas at tumakbo palayo saakin while chewing the remaining lumpia in his mouth. I just chasing him around the house for a minute ng tumigil ako. Hingal akong nakayuko habang hawak ang dalawa kong tuhod.

Fuck this weak body! Isang minutong takbo lang, pagod na agad.

"Kuya? Isa!" Sigaw kong sabi sa kanya. Tahimik at nakasimangot lang itong nakatingin saakin.

"Fine. Bahala ka. Huwag ka hihingi ng lumpia mamaya."  Seryoso kong sabi sa kanya at tumalikod. Agad Naman akong bumalik ng kusina para tingnan ang niluto kong adobo. Naramdaman ko naman itong sumunod saakin. Hindi ko Siya pinansin at tahimik lang akong gumawa ulit ng lumpia. Nakabuntot lang ito saakin.

"Sis?" Mahina niyang tawag saakin. I just ignore him.

"Sis?"

"Huy? Little sis?"

"Fine, batukan mo na ako."

"Sige na, batukan mo na ako."

"Ayoko. Huli ka na."

"Ehhh... Sige na, bunso."

"Ayoko pa din. Wala kang lumpia mamaya."

"Ehhh... Magpapabatok na nga eh.."

"Ayoko na nga."

"Sige na.. Batukan mo na ako. Kahit lakasan mo pa ulit, ayos lang." Pilit niya saakin. Well, actually binatukan ko din siya kahapon at nung isang araw. Pano ba naman? Halos ubusin niya ang mga niluluto ko palagi kahit di pa oras ng kainan. Kaya, palagi na lang ako nakapagluto ulit dahil palagi na lang na kulangan. Sinisigurado ko din kasi na marami din ang nakakain ni daddy. Kaso, ang takaw pa naman ng isa.

Alora: The Nobody Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon