Chapter 26

1.5K 85 0
                                    

Pagkalabas namin ng tindahan na iyon ay pumasok kami ni Sarah sa kabilang tindahan kung saan may nagbebenta ng beauty products like make up. Nagpaiwan naman sa labas si Nardo. Agad naman akong nagtingin-tingin sa mga produkto nila dito pero wala talaga akong nakita na products like skin care, body care products like body lotion and hair care products. Lihim naman akong napangisi.

Most of their products here are make up and honestly, their make up was good pero iba lang talaga ang make up products sa earth. After how many minutes of checking the products, I decided to get a few products from here like yung parang lipstick pero nakalagay sa papel, eye make up and face powder. Tinanong ko naman si Sarah kung may gusto siyang bilhin pero umiling lang ito. Hindi daw niya kailangan ng ganon dahil hindi naman daw siya marunong gumamit. Ngunit pinilit ko pa din siya na kumuha kahit ano at ako na ang magbabayad. Kaya sa huli, ang kinuha ni Sarah ay yung papel na pampakulay ng labi at face powder.

Nang makalabas kami ng tindahan na iyon ay agad naman akong nag-aya sa kanila na pumasok sa isang restaurant para kumain. Nahiya naman ang dalawa pero napilit ko naman sila na kumain na kasabay ako. Dinala ko kasi sila sa isang restaurant na pangnoble. Well, kahit paano, ok naman ang food nila at nag-enjoy din kaming tatlo.

Ngayon, nagpatuloy naman kaming naglibot ni Sarah habang si Nardo naman ay hinatid ang mga pinamili ko sa karwahe. Medyo mabigat kasi itong dalhin kaya inutusan ko si Nardo na ihatid muna ito sa karwahe namin. Habang naglalakad kami ni Sarah ay mas dumami din ang mga tao sa paligid dahil parang may kasiyahan yata sa may unahan. Nagtutulakan na din ang mga tao dahil sa dami kaya nabitawan ako ni Sarah at napalayo sa kaniya.

The FUCK!

Mura ko sa isipan ko. Napunta naman ako sa pinakagilid kung saan wala ng masyadong tao kaya nagawa ko ng luminga ng maayos para mahanap si Sarah. Pero iba yata ang nakita ko.

I saw a 4 year old child na umiiyak sa gitna ng maraming tao. Agad naman akong napatakbo papalapit dito ng hindi ito sinadyang naitulak nung ale. Mabuti na lang talaga naisalo ko ito. Dali-dali ko naman itong dinala kung saan ako napunta kanina.

Shhh. Tahan na. May masakit ba Sayo? Tanong ko dito ngunit nagpatuloy lang itong umiyak.

I want..brotha. Naiiyak nitong sabi. Hindi ko naman ito agad naiintindihan kaya tinanong ko ulit ito.

You want who, baby? Tanong ko ulit sa kaniya. Nanlaki naman ito ng marinig akong mag-english.

I want brother. Mahinang sabi nito habang lumuluha ulit ang kanyang namamagang mata. Para naman itong nakakita ng pag-asa na nakatingin saakin. Maybe, he asked other people awhile ago but they just don't understand him kaya hindi siya natulungan nila. Mabuti na lang talaga walang kumuha sa cute na batang ito. This kid has mocha brown hair and hazel eyes kaya halatang noble blood ito or maybe, this kid belong to one of the top huntians clan in Frieda.

You want brother? Malambing kong tanong sa kanya. Medyo tumahan naman ito at tumango saakin.

Alright, we'll find your brother right away, ok? Malambing ko ulit na sabi sa kanya.

Ok po. Mahina pero cute na sagot nito saakin. Inangat naman nito ang dalawang kamay na parang magpapabuhat.

Do you want me to lift you up? Tanong ko ulit sa kanya. Tumango naman ito na parang nagpapaawa kaya agad ko itong binuhat. Medyo mabigat naman ito pero kaya naman.

Geez! Mabuti nalang talaga nakapagtraining ako this past few months kaya mas lumakas ako.

What's your name, baby? Tanong ko sa kaniya.

Noah. Cute namang sagot nito habang lumilinga-linga sa paligid.

What a nice name you have, baby. Puri ko sa kanya. So, how old are you Noah? Tanong ko sa kanya. Inosente naman itong nakatingin saakin then he look at his hand seriously while slowly fold his thumb. Agad naman nitong pinakita ang kamay niya saakin.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now