Chapter 36

1.7K 144 68
                                    

Pagkapasok namin ni Daddy at Mira ay bumungad naman saakin si Sarah at Emily sa kusina. Gulat at napatulala naman itong nakatingin saamin lalung-lalo na sa akin.

"My lady?" Sabay na tawag nilang dalawa saakin. Tipid ko naman silang binati at ngumiti sa kanila bago pumasok sa loob talaga ng shop. Naramdaman ko naman na sumunod sila saakin. Pagkapasok ko ay bumungad saakin si Bella na nakasilip sa bintana, si Lily na nasa front desk/cashier desk at si Banjo na kakalagay lang ng malaking glass jar na may lamang juice sa table. Lahat naman sila ay nakabihis na din ng uniform nila.

Una namang nakapansin saamin si Lily na gulat at tulalang nakatingin saamin especially saakin.

"Maayos na ba ang lahat dito?" Tanong ko kaya'y sabay na napalingon si Bella at Banjo saakin.

"My lady?" Gulat at tulalang tawag saakin ni Banjo. Tahimik naman si Bella na nakatingin saakin pero bakas pa rin sa mukha nito ang gulat ng makita ako. Una naman itong nakabawi at lumapit saakin.

"Greetings to lady Alora and Sir Alex." Nakayukong bati saakin ni Bella. Sabay namang yumuko si Lily, Banjo, Sarah at Emily saakin at binati ako pati na din si Daddy.

"Thank you everyone." Nakangiting sabi sa kanila ni Daddy. Tumango naman ako at ngumiti sa kanila.

"Maayos na ba dito lahat, Bella?" Tanong ko sa kaniya.

"Maayos na po lahat, lady Alora. Nakahanda na po ang mga freebies malapit sa front desk pati na rin ang mga free foods and drinks." Sagot nito saakin. Napatango naman ako at napatingin sa mesa kung saan nilagay ang mga free foods and drinks.

"Is this the pastries that I baked yesterday morning?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes, my lady. Ang sabi kasi saakin ni Sarah na unang ilagay ang mga pastries na pinadala niyo kahapon." Sagot nito saakin.

Napatango naman ako bago sinimulang inilibot ang paningin ko sa buong shop. Kita ko namang maayos ang pagkalinis ng buong shop especially ang mga glass shelves kung saan nakalagay ang mga products ko at ang marble na sahig. Nakita ko ring may nakalagay na mga vase na may lamang bulaklak at mga balloon centerpiece bouquet sa mga desk o table.

Maayos din na nakadisplay sa wall ang mga realistic painting ko ng mga products ko. At tiyaka nakabukas na din ang mga led lights dito sa loob ng shop kaya mas nagmukhang maaliwalas at elegante ang loob tingnan. Lihim naman akong napangiti ng makitang maayos na ang buong loob ng shop.

"Great job, everyone." Puri ko sa kanila. "Now, go to your assigned area dahil magsisimula na tayo." Nakangiti kong sabi sa kanila.

"Yes, my lady." Sabay naman nilang sagot saakin. Lily is assigned sa front desk/Cashier desk while katabi naman nito si Banjo na assigned sa pagpack ng mga binili ng customers. Si Mira and Sarah naman ang sales lady namin. Of course, kailangan expert sila sa products namin cause sila ang sasagot kung may mga katanungan ang mga customers tungkol sa product and also, sila din mang-eengganyo dito.

Si Emily naman ang nakatuka sa pagbantay sa mga freebies and free foods and drinks. Of course, kailangang bantayan ito dahil baka hindi alam ng mga customers na free ito. Si Bella naman, as a manager. Siya ang mag-oversee sa buong shop.

Nang makita ko namang maayos na silang lahat, ay agad akong napasilip sa labas ng bintana. Kita ko namang mas rumami kay sa kanina ang mga taong nasa labas ng shop ngayon. Rinig ko din ang ingay na nanggaling sa labas. Sa malapit sa main door naman, nakita ko doon ang dalawang photographer na nakapuwesto na. I think they are the photographers that I hired from Gaia and here in Frieda. Naramdaman ko namang lumapit saakin si Daddy at sumilip din.

"Are you ready, sweetie?" Tanong nito saakin. Napatingin naman ako sa kaniya at ngumiti ng tipid.

" I'm ready, dad." Sagot ko sa kaniya. Agad naman kaming naglakad patungo sa tapat ng pinto. Nakita ko namang nakatayo doon si Bella na halatang kinakabahan din. Nang makalapit na kami sa kaniya, agad kong hinawakan ang likod nito at mahinang tinapik. Napatingin naman ito saakin. I just sweetly smiled at her bago siya tinanguan. Tumango naman ito pabalik saakin bago binuksan ang main door ng shop.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now