Chapter 34

1.4K 74 2
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Napahawak naman ako sa ulo ko ng kumurot ito ng konti. Ito talaga ang sinasabi ko. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil busy ako sa paggawa ng cookies, chocolate crinkles at brownies. Magdidisplay din kasi kami nito for free during opening at tiyaka juice and tea rin for our customers namin ngayong araw at bukas. Mabuti na lang talaga, tinulungan ako ng mga katulong ni kuya kaya madami ang nagawa ko. Napabuntong hininga na lang akong bumangon at pumasok sa banyo para maligo.

By the way, nandito pala ako sa bahay ni Kuya Achie. Si daddy naman ay kadadating lang din dito kahapon. Galing kasi iyon sa Alora cause he's checking his business pati na din ang mansion. Also si daddy din kasi ang nagdeliver dito ng mga products ko na galing pa sa Alora.

Sa ngayon kasi ay self-manufactured muna kami and hindi talaga siya madali dahil iilan lang ang tauhan ko na kasama ko. Ako kasi mismo ang gumawa lahat ng products ko dahil ako lang naman ang nakakaalam sa formula. Mabuti na nga lang, nandiyan si Sarah to assist me sometimes kaya medyo napagaan na din ang trabaho ko. Si Mira at Banjo naman ang naka-assigned sa packing while si Bella, Sarah at Lily naman ang assigned sa labeling ng products. Minsan din tumutulong si Simon at Nardo saamin every weekend kapag nakauwi sila sa Alora.

Hindi naman kami masyadong nahirapan sa paglagay ng labeling every products after mapack ito cause nakapagpaprint ako ng maraming stickers sa Gaia few months ago para mas maging madali na ang trabaho ng mga tauhan ko. Iba talaga ang Gaia kaysa ibang empire at kingdom. Mabuti na lang talaga namumuhay  na sa modern technology ang Gaia at in terms of gadgets and appliances, may ibang similarities din ito sa earth.

Honestly, medyo sa paggawa ng labeling talaga ako natagalan dahil marami kasi akong information na nilagay every product. Kasali na doon ang product content in weight/volume, brand and product name along with the function, batch number, manufacturing/expiry date of the product in clear terms like month/year, and address and country of manufacture. Naglagay din ako ng instructions/directions for use, list of all ingredients, special precautions, and name and address of company or person who placed the product on the market. Of course, I also need to think ng paulit-ulit kung ano ang disenyo ng label ng mga products ko at kung paano ko mahihikayat ang customers ko using the looks din. At tiyaka natagalan din ako dahil madami din kasi ang pinapaprint ko. Kailangan kasi ng iba't-ibang disenyo at labeling each products ko. Malayo din ang Gaia Kingdom sa Alora, kaya isa din ito sa reason kung bakit natagalan ako.

In packaging, I used a medium glass bottle for my lotion, shower gel, and bubble bath. Pati na din sa shampoo and conditioner ko but naglagay ako ng two sizes nito which is the medium and small. Of course, the small size are much cheaper than the medium size. Sa sunscreen naman at hand cream, I just used a small glass jar na round. Sa scrubs naman at soap, I used a medium size glass jar na box. Nagpackage din kami ng medyo maliit na soap na tatlong klase, yung original, floral scent at fruity scent using Kraft papers for freebies sa opening. And ibebenta din namin ito pagkatapos ng opening for a cheap price para naman makabili din ang mga customers ko ng mura especially sa mga commoners kong customers.

Mabuti na lang talaga may kakilala si Tito Ali na naging supplier ko ng glass bottles na lalagyan ng products, na cheap lang ang price ngunit maganda ang quality.

Hehe. Ang supportive talaga ni Tito Ali kahit palaging masungit.

Napangiti na lang ako habang naliligo. I'm really grateful to my family dahil fully support talaga sila saakin especially si Daddy na kasama ko palagi. Naaawa na nga ako Kay Daddy kasi kahit pagod ito dahil sa business niya ay nagawa pa rin akong samahan nitong bumyahe especially noong nagprocess ako sa mga papeles ko. Bilib din ako sa kaniya dahil kahit minsan ay hindi ko talaga ito narinig na nagreklamo.

Alora: The Nobody Where stories live. Discover now