Chapter 3: The Triplets

774 33 8
                                    

[Chapter 3]

Matapos ang eksenang iyon ay hinayaan siya ng lalaking nagngangalang Mikael na magpahinga sa kaniyang kwarto. Na kaagad naman niyang ginawa.

Kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang tatlong patong na kutson habang nakatingala siya sa kisame ng kwarto.

Wondering what she could do para makabalik siya sa panahon niya.

"Possible kayang may kinalaman si Mika dito?" Tanong niya sa kaniyang sarili habang nakatingin parin siya sa kisame.

Pero Mika's words was already 2 years ago. Pero hindi niya iyon nakalimutan dahil iyon ang pinaka-weird na tanong na narinig niya sa tanang buhay niya.

Well, she love Science kaya nga siya nakakapag-imbento ng mga high tech machines e, pero time traveling without using any machine is certainly impossible for her.

Ang bumabagabag lang sa kaniya ay kung bakit hindi niya makalimutan ang sinabing iyon ni Mika sa kaniya.

Nasa ganoon siyang eksena nang makarinig siya ng katok sa pinto ng kaniyang kwarto. She stood up and casually walk to the door and opened it.

Nanlaki pa ang kaniyang mga mata ng makita ang tatay ng katawang gamit niya. "S-Sir— I mean, Papa! Hehe..." She awkwardly chuckled sabay kamot sa batok niya.

"Anak..." Napabuga ng hangin si Mikael nang makita ang anak.

Sobrang pag-aalala ang kaniyang naramdaman nang makitang hinampas ito ng ilang beses ng albularyo. At ngayon makikita niya itong namamaga ang pisngi at leeg, idagdag pa ang benda nito sa ilong.

Kagigising palang nito mula sa pagkakahimatay tapos ito pa ang mapapala nito. Nakokonsensya siya at nasasaktan.

"Papa?" Tawag ni Sarina kay Mikael. Pansin niya kasing natulala na ito sa kagwapuhan niya.

Kaagad na nabalik sa ulirat si Mikael at napatingin sa anak na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kaniya. Napangiti na lamang siya at hinawakan ang balikat ng anak.

"Naparito ako upang yayain kang kumain. Tara na."

Napatango si Sarina sa sinabi ni Mikael. Nauna itong maglakad na sinundan naman ni Sarina. Habang naglalakad sila ay sinusuri niya paligid. It is beautiful and elegant dahil sa nagkalat na mga antique stuff and gold stuff sa paligid.

Sa hula niya ay hobby ni Mikael na mangolekta ng mga mamahaling gamit.

Bukod sa pagsusuri sa paligid ay minimemorize niya rin ito upang kung sakali mang may dapat siyang puntahan ay hindi siya maliligaw.

Sakto lang naman ang laki ng bahay ni Mikael para sa isang noble. Yes, aware si Sarina na mayaman ito. Sa dami ba naman ng mga eleganteng disenyo sa bahay nito.

Napatigil lamang siya sa pagsuri sa paligid noong makarating na sila sa dining room. Mayroong pabilog na mesa roon at mayroong limang upuan. Napupuno rin ng pagkain ang mesa na talagang nagpakinang sa mga mata ni Sarina.

Naupo si Mikael at naupo rin naman siya sa kaharap nitong upuan. Habang nakaupo roon ay tahimik lang siya. She is being anxious. Nagtataka siya kung bakit silang dalawa lang ang tao roon.

"Tayo lang po ba?" Tanong ni Sarina.

Napangiti naman si Mikael. "Tayo lang nga. Ang ating mga trabahador ay may sariling ring pagkain at mamaya pa sila. Wala rin tayong tagapagsilbi dahil nais kong tayo na lamang ang gumawa ng mga gawaing bahay dahil dadalawa lang naman tayo."

Doon natigilan si Sarina. Sa pagkakaalam niya. Ang mga mayayamang tao o tinatawag na noble noong 18th Century ay palaging mayroong kasambahay. Doon kasi maipapakita na mayaman ka dahil pinagsisilbihan ka. The more maid you have, the more respect you'll get.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now