Chapter 7: First Day

449 32 4
                                    

[Chapter 7]

Nakangiti at halos tumalon na si Sarina palabas ng karuwahe dahil sa saya. Alam niyang matatanggap talaga siya dahil magaling siya, pero hindi siya makapaniwala na ganon kabilis! Akala niya ay magkakaroon pa ng mahabang interview at iba pang test. Pero hindi! Sa isang kagat sa hamburger na gawa niya ay nakapasok na agad siya.

Nang tumigil ang karuwahe sa harap ng bahay nila ay kaagad na siyang lumundag pababa. Nasasabik na siya na ibalita kay Mikael ang nangyari!

"Papa!" Hiyaw niya habang tumatakbo papasok sa bahay.

Pagdating sa sala ay bumungad sa kaniya ang apat na lalaking may mga hawak na baso ng tsaa. Sabay-sabay itong napatingin sa kaniya. Si Mikael at ang triplets.

Kaagad na tumalon si Sarina papunta kay Mikael. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki.

Gustong maiyak ni Sarina noong bumagsak siya sa mga braso nito. Hindi niya maiwasang maging emosyonal.

Kailan man ay wala siyang pinagsabihan kapag nakakapasa siya. Kailan man ay wala siyang binahagian ng balita na nagawa niya kung ano ang gusto niya. Kailan man ay walang mga brasong yumakap sa kaniya kapag sinabi niya ang magandang balitang natanggap siya sa trabaho.

Pero ngayon... May Ama na yumayakap sa kaniya. Ama na handang maging masaya rin para sa kaniya.

"Azrael, bakit ka lumuluha?" Tanong ni Mikael habang tinatapik ang likod ng anak.

Napatayo ang magkakapatid at lumapit sa mag-ama.

"Azrael, hindi ka ba natanggap?" Tanong ni Miguel.

"Azrael, nabisto ka ba?" Saad ni Diego.

"Anong nangyari, Azrael?" Ani Cielo.

Kaagad na lumayo si Sarina kay Mikael. Tumayo siya at ngumiti sa magkakapatid.

"Natanggap ako!" Hiyaw niya sabay talon.

Nanlaki ang mga mata nang magkakapatid at kaagad siyang sinunggaban ng yakap dahilan upang bumagsak silamg apat sa sofa.

Nanlaki naman ang mga mata ni Mikael sa nasaksihan. "Miguel, Diego, Cielo!" Banta niya sa tatlo ngunit tila wala itong naririnig.

Napangiwi naman si Sarina. "H-Hindi ako makahinga..."

Kaagad na nanlaki ang mga mata ng tatlo at napalayo sa kaniya. Ngunit hindi parin mabubura sa mga mata nito ang kasiyahan dahil sa balita ng pinsan, ngunit may kaunting lungkot rin dahil hindi na nila ito makakasama palagi kapag naging tagapagluto ito ng palasyo.

Napahawak naman si Sarina sa kaniyang dibdib. Hindi talaga siya makahinga kanina. Umayos siya ng upo at nagtatakang napatingin sa tatlo. Pansin niyang tahimik ito, dapat ay icocongratulate siya ng mga ito ah.

"Ba't parang malungkot kayo?" Taas kilay niyang tanong sabay krus ng kaniyang mga braso.

Pati si Mikael ay tahimik lang rin na nakaupo sa kaniyang tabi. Napakunot tuloy lalo ang kaniyang noo dahil sa nangyayari.

"Hindi ba dapat masaya kayo?" Tanong niya muli.

"E, kasi doon ka na titira sa palasyo. Hindi man lamang tayo nagkasama ng matagal," saad ni Miguel.

Napangisi si Sarina. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at pabirong hinampas sa braso si Miguel. "Ano ka ba, Bro! Nakalimutan mo atang si Azrael Luna 'to. Isang makisig at poging babae," saad niya sabay pakita ng kaniyang muscle sa braso kahit na hindi naman ganon kalakihan.

"B-Broow?" Nagtatakang tanong ni Miguel habang hinihimas ang brasong hinampas ni Azrael. Napalakas ata iyon.

Natawa nalang si Mikael. Tila nasasanay na siya sa mga sinasabi ng anak na hindi naman niya maintindihan. Si Diego at Cielo naman ay tahimik lang na nakikinig. Nasasabik rin na malaman ang ibig-sabihin ng 'brow'.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now