Chapter 35: Caught

769 48 56
                                    

[Chapter 35] 

"Alastair, hindi ko na gusto ang ginagawa mong ito!" Sigaw ng dating reyna sa kabila ng panginginig at pamumutla nito.

Tumayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig habang nanlilisik ang mga matang tinignan si Alastair at akmang sasampalin ito ngunit bago paman lumapat ang kaniyang palad kay Alastair ay kaagad siyang natigilan dahil sa biglaan nitong pagsasalita.

"Sige at iyong subukan. Hindi ako magdadalawang isip na hatulan ka ng kamatayan sa oras dumampi ang iyong balat sa akin," nakangisi at nanghahamong saad ni Alastair na mas lalong hindi nagustuhan ng dating reyna.

Mabilis na ibinaba ng dating reyna ang kamay nito at napahampas sa mesa. Nagpipigil na huwag masuntok ang batang inalagaan niya ng matagal para maging susi niya upang mahawakan ang buong kaharian.

Napakuyom ang kamao ng dating reyna habang nakatingin ito ng masama sa batang pinalaki niya ng matagal. Hindi siya makapaniwala na sinasagot-sagot na siya nito. Hindi siya makapaniwala na lumalaban na ito pabalik sakaniya. Hindi siya makapaniwala, hindi ito ang naiisip niyang mangyayari.

Hindi niya ito inaasahan. Ito ba ang epekto ng pagkakabagok ng ulo nito? Ang maging matapang at tumaliwas sa mga taong nag-alaga sa iyo?!

Inilahad ni Alastair ang kaniyang kamay sa kaniyang tabi. Kaagad namang inilagay doon ng enuko ang mga papeles na hinanap nila kanina sa silid-aklatan.

"Ang pagpupulong na ito ay tatapusin ko sa pagtatanggal sa lahat ng Ruiz sa kanilang mga pwesto," saad ni Alastair kasabay ng pagpunit nito sa napakaraming papel sa harap ng mga Ruiz na kaagad namang napamaang at gulat na napatitig sa kanilang mahal na hari.

Napayuko naman ang limang opisyal ng palasyo na hindi Ruiz. Habang ang mga Ruiz ay mabilis na napatayo sa kanilang kinauupuan. Galit at puno ng pagtataka ang kanilang nararamdaman.

"Hindi mo kami maaaring tanggalin na lamang ng ganoon sa aming mga trabaho! Wala kang karapatan!" Sigaw ng isang naglakas-loob na Ruiz habang nanlilisik ang mga mata nitong saad.

Napangisi si Alastair at hinayaan lamang na magreklamo ang mga Ruiz. Wala siyang pakealam. Ang gusto na lamang niya ngayon ay umalis at matapos na ang kabaliwang ito.

"Isa ka lamang hamak na mahinang hari! Wala kang karapatang tanggalin kami sa puwesto!" Sigaw ng isa pa habang dinuduro siya nito.

Napailing si Alastair at inilahad ang kaniyang palad sa katabi. Kaagad namang ipinatong doon ng enuko ang pulang kuwaderno. Itinapon iyon ni Alas sa mesa saka niya malamig na pinagmasdan ang reaksyon ng mga Ruiz.

Gulat at natahimik ang lahat nang makita kung ano ang bagay na itinapon ni Alastair. Ang kaninang walang emosyong mukha ni Haring Julio ay napalitan ng gulat at matinding galit habang nakatitig sa kuwaderno.

Ganoon din ang dating reyna na bigla na lamang napasigaw sa inis at sinabunutan ang sarili.

Napangisi si Alastair nang makita ang mga naging reaksyon ng mga taong kinaiinisan niya sa balat ng lupa.

Puno ng pagkatuwang tumayo siya sa kaniyang kinauupuan saka pinagmasdan ang mga Ruiz. "Mali pala ang aking sinabi kanina. Ang pagpupulong na ito ay tatapusin ko kasabay ng pagkakakulong niyo sa piitan." Malamig ang boses na niyang saad.

Kahit na malamig ay mababakas parin doon ang kaseryosohan.

Mabilis namang nabalik sa ulirat ang mga Ruiz. Napatakbo ang mga ito patungo sa pinto ng silid upang tumakas. Napuno ng sigawan at yabag ang buong silid dahil sa pangyayari.

Walang ginawa si Alastair kundi ang panoorin lamang ang pangyayari. Napangisi siya habang nakatitig sa natataranta at natatakot na emosyon sa mukha ng mga ito.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now