Chapter 11: Hilaga (2)

430 31 5
                                    

[Chapter 11]

Tahimik ang kanilang byahe. Tahimik talaga dahil walang makausap si Sarina. Sa totoo nga ay kating-kati na ang dila niya na magsalita at makipag-usap. 

Ang kutsero kasi ay hindi siya pinapansin. Ang mga guwardiyang nakasakay sa kaniya-kaniya nilang kabayo ay sinasabayan lamang ang kanilang kalesa at karuwahe, tahimik lang rin.

Napabuga ng hangin si Sarina. Gusto niyang mag-ingay, ang kaso ay wala siyang kausap.

Lumingon siya sa guwardiyang nasa tabi ng kaniyang kalesa. Ito ang guwardiyang naatasang magbantay sa kaniya habang papunta sila sa kaharian ng Hilaga. 

Kailangan talaga kasi na may kasamang guwardiya sa tuwing maglalakbay papunta sa ibang kaharian dahil minsan ay may mga bandit na nang-aabang sa daan at nagnanakaw ng mga gamit at higit pa roon ay pumapatay ng tao.

"Malayo pa ba tayo?"

Tumango ito nang hindi siya nililingon, nanatili ang mga mata sa daan na tila wala itong ibang kasama. Talagang pinaparamdam nito na wala siyang ganang makipag-usap.

"Alam mo, pansin ko ang sususngit niyo." Saad ni Sarina habang nakatingin sa guwardiya. Kahit na ayaw siya nitong kausap ay hindi parin siya tumitigil.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Kanina niya pa inoobserbahan ang mga kasama at napansin niya na ang tatahimik ng mga ito. Hindi manlang lumilingon sa kapuwa guwardiya o nakikipag-usap manlang.

Hindi alam ni Sarina kung parte iyon ng kanilang trabaho bilang guwardiya o mga tahimik lang talaga ang mga ito. Kapag kinakausap kasi ay tango o iling lamang ang sinasagot.

Napaisip tuloy siya kung hindi ba napapanis ang mga laway nito.

Napatabingi na lamang ang ulo ni Sarina habang nakatitig sa guwardiya. Hindi sumagot ang guwardiya sa sinabi niya. Sa halip ay tinaasan lamang siya ng kilay.

"Sungit mo naman," natatawang saad ni Sarina. "Pero 'di nga? Mga ilang oras pa ang byahe natin?"

"Tatlong araw." Maikling sagot nito at napabuntong-hininga.

Nanlaki ang mga mata ni Sarina sa narinig at kaagad na inalabas ang kaniyang ulo sa kalesa upang makalapit siya ng maigi sa guwardiya. "Anong sinabi mo?! Tatlong araw kamo?!"

Nakatanggap siya ng nanghuhusgang tingin mula sa kaniyang bantay. "Ikaw ba'y bingi, Ginoo?" Naiinis nitong tanong.

Natawa si Sarina at kinindatan ang guwardiya upang mapalamig ang ulo nito. "Ikaw naman, masyadong mainit ang ulo. Pero 'di nga, tatlong araw talaga ang byahe?"

Tango lang ulit ang sagot ng guwardiya sa kaniya.

Napabuga ng hangin si Sarina at umayos na ng upo sa kalesa. "Paano tayo matutulog?"

"Tayo ay magpapahinga sa pinakamalapit na bahay-tuluyan."

Napatango ulit si Sarina. "Buti naman." 

Natahimik na siya. Pinili na lamang niyang tumingin sa labas at pagmamasdan ang kanilang dinadaanan. Mukhang wala rin naman kasing balak makipag-usap ang mga taong ito sa kaniya.

Ilang minuto pa ay nakalabas na sila sa kaharian kung saan sila nakatira, ang kaharian ng Silangan. Tanging mga puno nalang ang kanilang nakikita sa gilid ng daan. Paminsan-minsa'y matataas na damo.

Ngunit ayon sa pagkakaalam ni Sarina ay sakop pa ito ng kaharian ng Silangan. Hindi pa ngalang nababahayan.

Napahinga siya ng malalim at napalingon sa guwardiya. May bagay na pumasok nanaman sa kaniyang isip. "P're, may tanong ako."

The Royal ChefOù les histoires vivent. Découvrez maintenant