Chapter 23: Starvation

270 23 1
                                    

[Chapter 23]

"Huwag mo kaming iwasan, pakiusap," naluluhang saad ni Diego habang nakayakap kay Sarina.

Napangiti nalang ng mapait si Sarina saka ito niyakap ng mahigpit upang mapatahan ito. Hindi niya maintindihan kung bakit umiiwas si Azrael. Hindi niya mahulaan kung bakit ito mailap sa mga kasama. Kung bakit ito nagbago. Lalo na kung bakit nito kinitil ang sariling buhay.

"H-Hindi naman ako iiwas, baliw ka ba?" Pilit ang tawang saad ni Sarina sabay mahinang pitik sa noo ni Diego na kaagad namang napapikit ng mariin at napahawak sa sarili nitong noo at sinamaan siya ng tingin. Para itong bata na pinapatahan ng kaniyang ina.

Hindi sumagot ang triplets sa sinabi ni Sarina. Nakatitig lamang ang mga ito sa kaniya. Natahimik din tuloy siya. Hindi pa masyadong nag-sisink-in sa utak niya ang lahat ng narinig.

"Nalaman niyo ba kung bakit ako nagkakaganon?" Tanong ni Sarina.

Napailing si Cielo ganoon rin si Miguel. "Hindi na kita nakausap ng maayos matapos ang insidenteng iyon noong nakaraang taon. Masyado kang malamig. Tango at iling lang ang iyong sagot palagi. Hindi ka rin palalabas ng iyong kwarto. Palagi mo lamang ginugugol ang iyong oras sa pagsusulat sa isang makapal na kuwaderno."

Kaagad na nag-ting sa utak ni Sarina ang narinig. Nagsusulat? Nanlaki ang kaniyang mga mata sa napagtanto. Maaaring makatulong sa kaniya ang notebook na 'yon!

"Anong hitsura?" Agarang tanong niya.

"Malaki at may kandado sa gilid at tanging ikaw lamang ang makakapagbukas," sagot ni Miguel.

Napaisip si Sarina at kaagad na napangisi. Dalawa lang ang hula ni Sarina sa kung ano ang notebook na tinutukoy ni Cielo. It's either a diary or a novel written by Azrael.

"Kailangan kong mahanap ang sinasabi niyo," saad ni Sarina.

Lumayo na sa kaniya si Diego matapos marinig ang kanilang pinag-uusapan at kaagad na pinunasan ang sariling pisngi. Nakasimangot na ito na aakalain mong hindi umiyak sa balikat ni Sarina kanina.

Napangisi nalang si Sarina at malakas itong binatukan dahilan upang malakas din itong mapadaing at muntik pang dumapa sa sahig.

"Para saan iyon?!" Nakangiwing hiyaw ni Diego habang nakahawak sa kaniyang batok.

Samantalang napanganga naman si Miguel sa nasaksihan at napakagat-labi na lamang si Cielo upang pigilan ang pagtawa.

"Masyado ka kasing OA!" Natatawang saad ni Sarina sabay tayo.

Bago paman makapagtanong ang tatlo kung ano ang ibig-sabihin ng salitang OA ay mabilis nang tumakbo palabas ng kwarto si Sarina at nagtungo sa hapagkainan kung saan naroon ang Papa ni Azrael at ang mga trabahador na naghahanda ng mga pagkain sa hapag.

Kaagad namang napatayo ang triplets at hinabol ang pinsan. Nakangiti sila habang tumatakbo. Ito ang unang beses na nakalaro nila ng habulan si Azrael. Iba sa pakiramdam. Parang ayaw na nila itong matapos.

Bago paman makarating si Sarina sa hapag ay kaagad siyang napatigil noong bumangga siya sa matigas na bagay. Muntik pa siyang matumba ngunit mabuti nalang ay maagap siyang nasalo ng lalaking nakabanggaan niya.

Napahawak siya sa matigas nitong braso. Samantalang ang lalaki naman ay nakapulupot ang mga braso sa kaniyang bewang.

"Salamat, pare," nakakahingang maluwag na saad ni Sarina ngunit kaagad siyang natigilan nang mapatitig siya sa mukha nito.

Nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakahawak sa kaniya. Mababasa sa mga mata nito ang matinding takot at pagkataranta.

Hindi maalis ni Sarina ang mga mata habang nakatitig sa lalaki. Hindi niya ito kilala ngunit ang presensya nito ay nagsasabing may koneksyon kay Azrael ang lalaki. Bata pa ito. Sa tingin niya ay mas matanda sa kaniya ng limang taon.

The Royal Chefحيث تعيش القصص. اكتشف الآن