Chapter 8: Alas

429 27 4
                                    

[Chapter 8]

"Teka, teka! Anong silid-aklatan pinagsasabi niyo?" Nakapamewang at kunot noong tanong ni Sarina sa magkakapatid.

"Hindi ba't sinabi mo sa sulat na nais mong pumunta sa 'bar'?" Nagtatakang tanong ni Cielo.

Unti-unting kumurba ang labi ni Sarina sa napagtanto na nauwi sa malakas na tawa habang nakahawak sa kaniyang tiyan at nakapikit pa. Namutawi ang malakas niyang halakhak sa buong kalsada dahilan upang mapatingin sa kanilang apat ang mga taong napapadaan sa kanilang tabi.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa niya ng malakas. Hindi niya maisip ang kaniyang sarili na pumasok sa isang library dahil isa siyang certified maingay at hindi nababagay sa tahimik na lugar na iyon. "HAHAHAHA— *cough* *cough*" Napaubo siya ng ilang beses dahil sa mahaba niyang tawa.

"A-Ayos ka lamang ba, Azrael?" Natatakot na tanong ni MIguel habang nakayakap sa braso ni Cielo na medyo natatakot rin dahil sa kaniyang tawa.

"A-Ayos lang ako mga Bro," hinihingal niyang saad habang nakahawak sa kaniyang lalamunan. "Nasaan na nga ulit tayo?" Nagtataka niyang tanong.

"Nasa harap ng palas—" Hindi na natapos ni MIguel ang kaniyang sinabi dahil umeksena na kaagad si Diego.

"Patungo na tayo sa bar na iyong tinutukoy," saad ni Diego na ngayon ay nakatapal ang palad sa bibig ni Miguel.

"Kung hindi silid-aklatan ang iyong tinutukoy... Ano ba ang bar?" Tanong ni Cielo.

Napangisi si Sarina at lumapit sa kanilang tatlo. Yumuko siya ng kaunti at sinenyasan rin ang tatlo na lumapit sa kaniya. Tila isa silang basketball team na nagpaplano ng dapat gawin.

"Narinig niyo na ba ang tungkol sa isang lugar kung saan maaari kang bumili ng maraming alak at makakain?" Nakangisi niyang tanong.

"Karinderya ba ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Diego.

Napabuga ng hangin si Sarina at tinaasan ng kilay si Diego. "May karinderya pa bang bukas ngayong oras?" Saad niya sabay krus ng mga braso. "Ay basta ang tinutukoy ko ay pwede kang umupa ng babae, gets niyo? Lugar kung saan may mga nagsasayaw na babae!"

Napasinghap si Miguel at napatakip sa kaniyang bibig. "Ano ang iyong binabalak, Azrael?! Bakit ka tutungo roon?! Huwag mong sabihing nais mong maging parausa—"

Kaagad na hinampas ni Sarina si MIguel sa braso bago paman nito matapos ang balak sabihin. "'Di 'no! Ang gusto ko lang naman ay makakita ng magagandang babae! 'Di ba, Diego?" Saad niya sabay kindat sa kasama.

"Ah, eh, o-oo," nag-aalinlangan nitong sagot.

"Oh, ba't parang kinakabahan ka?" Natatawa niyang tanong. Dapat nga ay tatalon ito sa tuwa dahil kagaya niya rin itong mahilig sa babae.

"Sapagkat delikado ang bahay-aliwan sa mga binibini, Azrael! Baka ika'y mapagkamalang nagbibigay aliw at ika'y bilhin! Ikaw ba'y hindi natatakot?" Pinagpapawisan nitong paliwanag malikot narin ang mga mata nito na tila hindi alam ang dapat gawin.

Napangisi sa Sarina at tinuro ang sarili. "Sa tingin mo ba ay may magtatangkang bumili sa pagmumukhang 'to?"

Natahimik si Diego at napatitig sa pagmumukha ng pinsan. Oo nga naman. Ngayong gabi ay walang Azrael, ngunit mayroong Pogi. Alam niyang napakagandang lalaki tignan ng kaniyang pinsan ngunit hindi niya parin maiwasang kabahan dahil kahit anong oras ay maaari itong mabisto sa oras na matanggal ang sombrero nito at ang peke nitong nunal.

"Hayaan nalamang natin si Azrael, ang dapat na lamang nating gawin ay huwag iwanan ang kaniyang tabi," saad ni Cielo habang nagpapalinga-linga ng tingin sa kalsada. "Sa ngayon ay maghintay na lamang tayo ng masasakyan."

The Royal ChefWhere stories live. Discover now