Chapter 25: Diary

329 29 6
                                    

[Chapter 25] 

Kinaumagahan ay mabilis na nagtrabaho muli ang lima pagkatapos nilang maligo sa ilog. Ngunit kahit na nagtatrabaho sila ay sinasalo ni Sarina lahat ng gawain kaya hindi maiwasang mapailing ng apat habang pinapanood siya ngayon na magluto ng pagkain para sa isang opisyal ng palasyo.

"Pogi, ikaw ba ay hindi napapagod? Aking napapansin na halos saluhin mo na lahat ng trabaho rito," saad ni Lando. Nakaupo ito sa tabi ni Santino na ngayon ay nakatitig lang din kay Sarina.

Napangisi nalang si Sarina habang naghihiwa ng karne sabay iling. "Dapat lang sa'kin 'to. Iniwan ko kayo ng tatlong linggo, dapat ko ring maranasan ang pagod na naranasan niyo sa loob ng tatlong linggong 'yon."

Napabuntong-hininga ang apat. Sa halos ilang oras nila rito sa kusina ay tig-iisang putahe palang ata ang naluto nila habang si Pogi ay halos pang-pito na. Palagi nitong inaako ang dumadating na utos mula sa itaas kaya heto sila ngayon, nakaupo sa isang tabi habang nakatingin kay Pogi.

"Ngunit, kailangan din naming gampanan ang aming tungkulin," ani Gomez habang pinapanood siya.

Muling umiling si Sarina. "Ayos lang ako. Kung pwede kayo nalang ang maghatid nito doon para maluto ko agad ang mga darating pang order mula sa taas."

Napailing na lamang ang apat at wala nang nagawa pa kundi ang tumango at panoorin na lamang siyang matapos. Alam nila sa kanilang sarili na walang makakapigil kay Sarina. Sa tinagal-tagal nilang magkakasama ay nalaman na nila ang ugali nito.

Iyon ay gagawin nito ang lahat magawa lang ang gusto nito. Kaya alam nila sa kanilang sarili na magsasayang lang sila ng laway kung susubukan nilang suwayin ang gusto ni Pogi.

**********

Kinagabihan ay nanghihinang napaupo si Sarina sa isang silya dahil sa matinding pagod. Kaagad naman siyang napansin ng apat at kaagad siyang nilapitan. Tinulungan siya nito makaupo ng maayos.

"Iyan ang sinasabi ko saiyo, hindi ba? Sa susunod ay hayaan mo kaming tumulong saiyo. Hindi mo kailangang pahirapan ang iyong sarili," sermon ni Lando habang inaabutan siya ng isang basong tubig.

"Dapat lang sa'kin 'to," natatawang saad ni Sarina habang iniikot-ikot ang kaniyang ulo dahil nanakit ang kaniyang batok. Sa totoo lang ay masakit lahat, pati na ang kaniyang paa at braso dahil sa ilang oras na pagkakatayo at pagbubuhat ng kaldero pati na ang pagpapaypay.

"Hindi, Pogi. Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili. Huwag mong isiping may kasalanan ka sa amin dahil ikaw ay walang kasalanan. Kung ano man ang dahilan ng iyong pag-alis ay wala na kaming pakealam pa roon. Ang mahalaga ay nandito ka, naiintidnihan mo ba?" Sermon din ni Santino na ngayon ay kinuha ang kaniyang braso at hinilot-hilot ito.

"Siyang tunay, Pogi. Wala kang kasalanan kaya hindi mo kailangang magbayad," ani rin ni Manuel na ngayon ay napapailing na iniikot-ikot ang kaniyang paa.

Nagmukha siyang Don na ganid sa pera at ngayon ay sinasamba at inaalagaan ng kaniyang mga alipin.

Kunwaring umaktong naiiyak si Sarina habang nakatitig sa apat na ngayon ay minamasahe ang kaniyang mga braso at paa.

"Nakaka-touch naman kayo masyado, mga bro," naiiyak niyang saad at kunwari ay nagpupunas ng luhang hindi naman makita.

Napailing naman ang apat at kunot noong tinignan siya. Hindi nanaman naintindihan ang kaniyang sinabi.

"Hindi nanaman namin maunawaan ang iba saiyong sinabi," saad ni Gomez.

Natawa nalang si Sarina at napangisi saka isinandal ang kaniyang likod sa sandalan ng upuan at hinayaan ang apat na masahein siya. Gumagaan ang kaniyang pakiramdam sa ginagawa ng mga ito kaya hindi niya maiwasang mapabuga ng hangin at mapapikit.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now