Chapter 9: Favorite

423 30 4
                                    

[Chapter 9]

Napabuga ng hangin si Sarina habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalaki. Binalingan niya ang magkakapatid at tinignan ng maigi. "Bakit tumakbo 'yon?"

"Hindi rin namin alam, Azrael." Kibit-balikat ni Cielo, kahit siya ay nagtataka rin.

"Nang makita niyang hindi tayo nakatingin ay tumakbo agad siya palayo na tila tayo ay tinatakasan," saad ni Miguel.

Napakunot ang noo ni Sarina sa narinig. Napahawak siya sa kaniyang baba at napaisip. Bakit naman iyon tatakbo palayo na tila tinatakasan sila? 

Hindi kaya....

"Tignan niyo nga yung mga gamit niyo kung may kulang o may nawawala," saad niya saka sinuri ang kaniyang bulsa kung nakukulangan ba siya ng salapi. Tinignan niya rin ang loob ng kaniyang medyas at sapatos kung saan niya inilagay ang kaniyang emergency money. "Walang kulang sa'kin."

"Wala rin sa akin," sagot ni Cielo. Umiling naman si Diego at nagkibit-balikat si Miguel.

Napaisip ulit si Sarina. "Kung hindi niya tayo ninakawan... Anong posibleng dahilan bakit siya nagmamadaling umalis?"

"Baka mahuhuli na siya sa dapat niyang pupuntahan," sagot ni Cielo. Bumaling ito sa kanila at ngumiti. "Tayo na't umalis."

Kahit na naguguluhan ay hindi na lamang sumagot si Sarina. Kung mayroon mang makakasagot ng katanungan nila ngayon ay walang iba kundi si Alas.

***

Sumapit ang umaga at malakas na hiyaw ang gumising sa mahimbing na tulog ni Sarina.

"Pogi, tara na!" Hiyaw ni Lando mula sa labas ng silid.

Pupungay-pungay ang matang bumangon si Sarina at sumilip sa maliit na siwang ng pinto. Nakita niya roon sa labas ang apat na tila siya na lamang ang hinihintay. Ang suot nito ay pantulog lamang ngunit si Lando ay may hawak na supot na gawa lamang sa tela.

Tumayo si Sarina at inayos ang sarili. Kumuha siya ng maliit na tuwalya saka lumabas ng silid. "Morning," bati niya sa apat nang hindi ito nililingon. 

Nagtungo siya sa malaking banga at nagsalok ng tubig gamit ang tabo na gawa lang sa kahoy at naghilamos at nagmumog. Pagkatapos ay pinunasan niya ang kaniyang mukha at pinanatali ang tuwalya sa kaniyang mukha upang matakpan ang kaniyang ilong at bibig. Ito ay dahil hindi niya pa nalalagyan ng nunal ang kaniyang pisngi. Nakalugay rin ang kaniyang buhok ngunit hindi naman ito magiging problema. 

"Tara na," saad ni Manuel.

"Ha? Saan?" Nagtatakang tanong ni Sarina sa panlalaking boses.

"Basta, sumama ka na lamang," naiinip na saad ni Santino.

Napatakbo sa kanilang silid si Sarina at dali-daling kinuha ang kaniyang sombrero, inikot niya ang kaniyang buhok at itinago sa suot na sombrero. Kaagad niya ring nilagyan ng nunal ang kaniyang pisngi gamit ang tinta ng kaniyang pluma. 

Nang makalabas sa silid ay bumungad sa kaniya ang nakasimangot na mukha ng apat. Napangisi si Sarina sabay peace sign. "Tara na?"

"Magmadali na tayo," saad ni Lando at nauna nang maglakad.

Walang nagawa si Sarina kundi ang sumama sa apat. Hindi na siya nakapag-bihis dahil minamadali siya ng apat. Tanging ang sarili niya lamang at ang tuwaliyang kanina niya pa hawak ang dala-dala niya.

Tinahak nila ang daan patungo sa likod ng palasyo. Hindi sila lumabas ng palasyo, ngunit alam niyang malayo-layo na sila sapagkat nasa dulo na sila ng palasyo kung saan patungo na ito sa gubat.

At hindi nga nagkamali si Sarina, pagdating sa dulo ay tinahak nila ang daan patungo sa gubat. Marami at matatayog ang punong kanilang dinaraanan. Matataas rin ang damo.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now