Chapter 22: Pagbabalik

313 22 2
                                    

[Chapter 22]

Pagmulat ng mga mata ni Sarina ay kaagad siyang napangiti sa nakita. Ilang araw na silang naglalakbay at ngayon ay hindi niya maiwasang masabik nang makita ang mataas at malaking gate ng kaharian ng Silangan. Nandito na siya! Matapos ang ilang linggo ay nagbalik na siya.

Napangiti siya nang maalala ang kaibigang si Mika. Hinatid nila ito sa sarili nitong tahanan. Hindi kalakihan ngunit kasya na para lang sa isang tao.

Napangiti siya nang maalala ang pangako nito. Bibisitahin daw siya nito sa Silangan kapag nagkaroon ito ng oras. Hindi na siya makapaghintay pa sa oras na 'yon.

Nang tuluyang makapasok sa kaharian ng Silangan ang karuwaheng kanilang sinasakyan ay hindi maiwasang matuwa ni Sarina. Talagang namiss niya ang lahat ng nandito. Lalo na ang mga taong malapit sa kaniya.

Specially my babies... Nakangisi niyang saad sa kaniyang isipin.

"Siguradong matutuwa ang Señor Mikael sa inyong pagbabalik, Binibini." Saad ni Isko na ngayon ay nakangiti rin habang nakatingin sa labas.

Napangisi si Sarina saka tumango-tango. Hindi na siya makapaghintay na salubungin ito ng yakap.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa makarating na sila sa harap ng bahay ni Mikael. Kaagad na lumundag pababa si Sarina at kaagad na lumapit sa kutsero at inabutan ito ng tatlong pouch ng pera. Nanlaki ang mga mata nito. Ang ekspresyon ay nabahiran ng gulat.

Dahan-dahan namang umiling ang kutsero. "S-Sobra-sobra po, Binibini."

Napangisi si Sarina. "Sakto lang 'yan para sa tatlong araw nating paglalakbay." Saad niya at kinuha ang kamay ng kutsero saka siya na mismo ang naglagay ng pouch ng pera roon dahil mukhang ayaw pa nitong tanggapin.

"Salamat, Pare," saad niya na lamang sa kutsero at kaagad nang lumapit kay Alas na ngayon ay nakababa na rin at hinihintay na lamang siya.

Ngumiti siya rito saka na siya tumakbo palapit sa pinto ng bahay. Nang makarating sa tapat ng pinto ay kaagad siyang napangisi. Huminga muna siya ng malalim at pinakalma ang sarili saka siya kumatok sa pinto.

Makalipas ang ilang segundo ay bumukas na ito. Lumabas roon ang matangkad na lalake na ngayon ay nanlalaki ang matang nakatingin sa kanilang dalawa ni Isko. Mababahiran ng pagod at pangungulila ang mukha nito. Para bang ilang araw na itong puyat.

"Surprise," nakangising saad ni Sarina at kaagad na yumakap kay Mikael na ngayon ay naestatwa na sa kinatatayuan na.

"Magandang umaga, Señor Mikael," nakangiting bati naman ni Isko saka yumuko upang magbigay galang sa kaniyang Senor Mikael na tatlong linggo niya ring hindi nakita.

Kaagad namang natauhan si Mikael nang marinig ang bati ni Isko at kaagad na napatitig sa taong nakayakap sa kaniya ngayon. Nang makilala ay kaagad niya rin itong niyakap nang mahigpit at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.

"B-Bakit ngayon ka lamang? Ilang linggo kaming naghintay sa iyong pagbabalik." Naluluhang saad ni Mikael habang nakayakap ng mahigpit sa anak na akala mo'y tatakas ito. "Akala namin ay napahamak ka na. Plano na sana namin ng iyong mga pinsan na magpadala ng mga kawal upang ipahanap ka."

Kaagad namang napabitaw si Sarina sa narinig. Buti nalang talaga ay nakauwi siya agad. "But nandito na ako. Hindi ba kayo masaya?" Nakangisi at taas kilay niyang tanong. Natutuwa pa ito sa nangyayari.

Kaagad naman siyang niyakap ni Mikael na tila ayaw na siyang paalisin ulit. "Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Azrael!" Saad nito at muli siyang hinalikan sa kaniyang ulo.

Napangisi nalang si Sarina. Masaya rin siya na makita ito. Lalo pa't hindi na siya mangangamba pa na tawagin itong Papa dahil simula ngayon ay magulang narin niya ito.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now