Chapter 15: Sugalan

441 27 0
                                    

[Chapter 15]

Sumapit ang alas-diez ng gabi at kaagad nang lumabas ng palasyo si Sarina. Pagdating niya sa labas ng palasyo ay nadatnan niya ang triplets na tahimik na nakasandal sa mataas na bakod ng palasyo.

Nang makita siya ng mga ito ay kaagad na nagliwanag ang mga mukha nito at kaagad na lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit. 

"Azrael!" Naiiyak na saad ng mga ito na tila ba ilang taon silang hindi nagkita.

Natawa na lamang si Sarina at yumakap rin sa mga ito.

"Bahay-aliwan ulit tayo!" Nasasabik na saad ni Sarina nang bumitaw na sa kaniya ang tatlo.

Natigilan at napangiwi nalang ang triplets sa narinig at nagkatinginan. Hindi parin sila nasasanay sa ugali ng bagong Azrael. At hindi rin sila makapaniwala na tutungo nanaman sila roon.

"Ikaw ba'y hindi nagsasawa roon?" Nagtatakang tanong ni Cielo. Nagtataka na talaga siya kung bakit simula nang magtungo si Azrael sa palasyo ay halos bahay-aliwan ang bukang bibig nito.

Umiling si Sarina sabay kindat kay Cielo. "Ako? Magsasawa? Panong magsasawa? Ang daming chix doon, bro." Kailanman ay hindi siya magsasawa na makakita ng chix.

Napangiwi nalang ulit ang tatlong Sandoval at napailing. Wala silang magawa kundi ang tumango na lamang sa sinabi ng kanilang pinsan.

Nagsimula na silang maglakad sa kalsada habang nag-uusap parin ng naging buhay ni Sarina sa Hilaga.

Nang makarating sila sa bahay-aliwan ay natigilan sila nang makita sa harap ng entrada ng bahay-aliwan si Alas. Nakaupo ito sa lupa na tila kanina pa sila hinihintay na dumating.

Kaagad na napangisi si Sarina nang makita si Alas. Kaagad siyang lumapit rito. Hindi niya alam sa kaniyang sarili pero naaaliw talaga siya kapag nakikita ang cute nitong mukha. Feeling niya ay adik na siya kay Alas Gustong gusto niya kasi na palagi itong nakikita.

Nang makalapit ay yumuko siya upang matitigan ng mabuti ang lalaki. "Aba, hindi mo na ako tinatakasan ha."

Napaangat ng tingin si Alas at malawak na napangiti nang makita ang ginoong kanina niya pa hinihintay. "Kanina pa kita hinihintay, Pogi. Nais kong marinig ang karugtong ng iyong kwento."

Natawa si Sarina habang nakatitig kay Alas. Malawak kasi ang ngiti nito habang nakatitig sa kaniya. Napakagat tuloy si Sarina sa kaniyang labi habang nakatitig sa ngiti ni Alas. Napaka-cute talaga ng mukha nito! Nanggigigil siya!

Dahil sa kaniyang mga naiisip ay hindi niya tuloy napigilan ang kaniyang sarili na kurutin ang makinis na pisngi ni Alas.

Hindi alam ni Sarina sa kaniyang sarili kung bakit tila gustong-gusto niya ang nakikita ang mukha ni Alas at kurutin ang makinis nitong pisngi. Basta para sa kaniya ay napaka-cute nito kahit na kung tutuusin ay dambuhala ang height nito na 6'1.

Dumagdag pa sa kasiyahan at panggigigil ni Sarina ang katotohanang hinintay siya nito ngayong gabi. Hindi niya tuloy mapigilan ang kaniyang sarili na mapangisi. Ang mahiyaing cutie patotie na ito ay hindi na siya tinatakbuhan! At hinintay pa talaga siya nito.

Mas lumawak pa lalo ang kaniyang ngisi dahil sa naisip. Bahala na, basta masaya siya ngayong gabi dahil hinintay siya ni Alas at nakita niya muli ang gwapo nitong mukha.

Gwapo talaga si Alas, na siguradong kapag nasa panahon ito ni Sarina ay pagkakaguluhan ito at siguradong nakuha na bilang artista o model. Dumagdag pa sa kagwapuhan nito ang palagi nitong pagngiti. Iyon talaga ang pinaka-favorite ni Sarina kay Alas. Ang ngiti nito. 

Napailing na lamang siya sa kaniyang mga naiisip. Pinigilan niya ang kaniyang sarili bago paman niya mapisil ulit ang makinis na pisngi ni Alas.

Napabuga na lamang siya ng hangin at hinila na si Alas patayo at pinaharap sa triplets na kaagad namang kumaway.

The Royal ChefOn viuen les histories. Descobreix ara