Chapter 12: Hilaga (3)

373 26 2
                                    

[Chapter 12]

Dalawang araw na ang lumipas at dalawang araw na rin silang naglalakbay. Dalawang beses silang tumigil sa pinakamalapit na bahay-tuluyan para magpahinga at matulog.

Ngayon ang kanilang ika-tatlong araw. Tahimik lang si Sarina kagaya ng kaniyang mga kasama. Namamanhid na nga ang kaniyang pwet dahil ilang oras na siyang nakaupo.

"Alas-tres na ng hapon. Matagal pa ba tayo?" Tanong ni Sarina sa kutsero.

"Tayo'y malapit na, hijo. Kaunting minuto na lamang ay matatanaw mo na ang kanilang palasyo," natatawang sagot ng kutsero.

Napatango nalang si Sarina at piniling pagmasdan ang tanawin na kanilang dinaraanan. Ayaw rin naman niyang guluhan ang mga kasama dahil baka magmukha nanaman siyang kontrabida.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw na nga nila ang tuktok ng palasyo ng Hilaga. Kaagad na napaupo ng tuwid si Sarina upang mapagmasdan iyon ng mabuti. Sa tuktok ay mayroong malaking orasan.

"Wow! Ang taas!" 'Di hamak na mas mataas ang palasyong 'to kaysa sa palasyo nila sa Silangan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na nga nilang natanaw ang mataas na gate ng kaharian ng Hilaga. Nagpapahiwatig lamang ito na papasok na sila sa teritoryo ng mga ito.

Sa magkabilang gilid ng gate ay may nakatayong dalawang guwardiya na awtomatikong binuksan ang gate upang tuluyang makapasok ang sinasakyan nilang karuwahe at kalesa.

Sa kanilang pagpasok ay doon na tuluyang namangha si Sarina. Holly fudge?! Artista na ba ako?!

Sinalubong sila ng isang masigabong palakpakan. Bumungad sa kanila ang sandamakmak na tao sa gilid ng daan na tila naghihintay sa kanilang pagdating. Lahat ng mga ito ay nakangiti at nagbibigay galang kapag nadaraanan na ng karuwahe ng hari. 

Ngunit hindi lamang sa karuwahe ng hari natuon ang atensyon ng mga tao, lalo na ang mga babae. Dahil lahat ng ito ay napapapihit ang ulo nang dumaan na sa kanilang harapan ang kalesang sinasakyan ni Sarina.

Panay kaway naman si Sarina habang nakangising kinikindatan ang mga babae na kaagad namang namumula at kinikilig. Hindi niya maawat ang kilig na namumuo sa kaniyang tiyan habang nakatingin sa sandamakmak na chix sa gilid ng daan. Ito ang heaven na gusto niyang maranasan.

"Ang saya dito, ang daming chix," saad ni Sarina sa guwardiyang nagbabantay sa kaniya.

Hindi sumagot ang guwardiya at nagpapanggap na walang naririnig.

Nakalagpas na sila sa mainit na salubong at pagtanggap sa kanila ng mga mamamayan ng Hilaga at narito na sila sa harap ng gate ng palasyo ng Hilaga. Nang makita ng dalawang guwardiyang nagbabantay sa tabi ng gate ang kanilang karuwahe ay dali-dali nitong binuksan ang gate upang tuluyan silang makapasok.

Nang makalapit na sila sa main door ng palasyo ay kaagad na lumundag pababa ng kalesa si Sarina. Sumunod rin naman sa pagbaba ang iba pa.

Sa unahan ay naroon nakatayo ang isang lakaki at isang babae na sa hula ni Sarina ay nasa 30 pataas na ang edad. Ito siguro ang hari at reyna nila. Sa pananamit palang ng mga ito ay nahulaan na kaagad ni Sarina. 

Hindi na nag-abala pa si Sarina na titigan ang hari dahil nasa kaniyang tabi nanaman ang kaniyang bantay habang malaki ang ngising nakatingin sa kaniya. Irap lamang ang isinagot niya rito saka siya naglakad patungo sa tabi ng enuko na ngayon ay nakatayo sa tabi ng pinto ng karuwahe.

Sumunod rin naman sa kaniya ang bantay niya ngunit sa kabila na ito pumwesto, kung saan naroon ang kapuwa nito mga guwardiya.

Dito talaga pumwesto si Sarina sa tabi ng enuko upang kahit papaano ay masulyapan niya manlang ang mga mata ng hari. Lumapit na ang isang guwardiya sa pinto upang buksan ito. Kaagad namang napangisi si Sarina habang nakatutok ang mga mata sa pinto ng karuwahe. 

The Royal ChefWhere stories live. Discover now