Chapter 32: Him

320 27 6
                                    

[Chapter 32]

Malakas na tunog galing sa pagkabasag nang itinapong paso ang nagpa-igtad sa mga tagapagsilbi ganoon din sa mga Ruiz. Itinapon ni Celestina Ruiz na siyang dating reyna ang pasong kaniyang nahawakan dahil sa matinding galit.

"Argh! Punyeta! Sino ang may gawa noon kay Alastair?! Magsalita kayo!" Malakas na siyaw nito saka muling kumuha ng paso saka ibinato sa dingding dahilan upang magsilayuan ang mga tagapagsilbi.

Ganoon din ang mga Ruiz na bigla na lamang nagkatinginan.

"Wala kaming kinalaman sa nangyari, dating reyna," saad ng isang naglakas-loob.

"Wala?! Sino ang gagawa noon kung hindi ang sarili ko lamang na kadugo?! Tayong mga Ruiz lamang ang nakakakilala sa kaniya at tanging mga Ruiz lamang ang natatandaan kong may galit sa kaniya!" Sigaw nito at saka sinabunutan ang sarili dahilan upang mapalunok at mapangiwi ang mga tao sa loob ng silid.

"Ate... Wala—"

"Ano?! Wala?! Wala kang kinalaman?! Alam nating may galit ka sa kaniya sapagkat hindi ko ibinigay sa iyong anak ang trono!" Sigaw ng dating reyna saka nito dinuro-duro ang kapatid na wala namang emosyong nakatingin sa kaniya. "SABIHIN MO! IKAW BA ANG MAY PAKANA NG LAHAT NG ITO?!"

"HINDI!" Malakas ding sigaw ni Haring Julio dahilan upang magulat ang mga tao sa loob. Ramdam nila ang nakakatakot na tensyon sa pagitan ng dalawa.

Kung maaari lang silang umalis at tumakas ay kanina pa nila ginawa.

Natawa ng malakas ang dating reyna. Ang tawa ay puno ng pagka-sarkatiko at tono ng hindi naniniwala.

"Paano ako maniniwala saiyo kung sa una pa lamang ay alam na nating nais mo ring makuha ang trono hahahahaha!" Tumawa ito na parang baliw at mabilis na itinapon ang nakuha nitong paso sa tabi dahilan upang maglikha ng malakas na tunog nang pagkabasag ang paso. "Nagalit ka sapagkat hindi ko ibinigay sa iyong anak ang trono, hindi ba? Kaya nais mong mamatay si Alastair upang makuha ang trono?"

Nanatiling tikom ang bibig ng lahat habang nakayuko. Nakikiramdam at nakikinig. Hindi nila magawang sumabat sapagkat alam nilang sa kanila mabubunton ang galit ng dalawa sa oras na bumukas ang kanilang bibig.

Nanatiling kuyom ang kamao ni Haring Julio. Nakayuko at pilit kinokontrol ang kaniyang sarili. Matinding galit ang nararamdaman niya sa kaniyang loob. Sapagkat halos lahat nalang ata ay malas ang nangyayari sa kaniya. Una nawawala ang pulang kuwaderno, pangalawa ay sinusumbatan siya ng kaniyang kapatid at pinagdududahan. Ang nais niya lang naman kanina ay umawat.

"Hindi ako ang may gawa niyon!" Sigaw niya. Nanlilisik na ang kaniyang mga mata at kaunti nalang ay sasabog na siya.

"Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa iyo? Hahahahaha!" Tumawa ng puno ng pagka-sarkatiko ang dating reyna saka ito napailing. "Alam mo ba kung bakit hindi ako pumayag na ang iyong anak ang ilagay sa trono?"

Napatikom ang bibig ni Haring Julio dahil kahit siya ay alam din ang rason at dahilan ng kanilang kapatid. Sa totoo lang ay plano niya sana iyon noon.

"Sapagkat alam kong sa oras na iyong anak ang nakaupo sa trono ay alam kong mas susundin ka niya at hindi malabong traydurin niyo ako!" Sigaw ng dating reyna.

Nanatiling tikom ang bibig ni Haring Julio habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Ganoon rin ang mga Ruiz na lahat ay nakayuko at nakikinig lamang sa usapan.

"Hindi maaaring mamatay si Alastair! Hindi siya maaaring mawala sa trono!" Sigaw nito sabay hampas ng paso sa gilid dahilan upang magsilaglagan ang mga paso at mabasag sa sahig. "Kapag mamatay siya ay mawawalan ako ng kapangyarihan at wala ng taong handang maging sunod-sunuran sa akin! AARRGGHHH!"

The Royal ChefDove le storie prendono vita. Scoprilo ora