Chapter 37: Truth

316 36 24
                                    

[Chapter 37]

Kaagad na napakunot ang noo ni Sarina nang maramdaman ang mainit na sinag ng araw na tumama sa kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at nag-inat-inat kasabay ng kaniyang biglaang pagtayo.

Hinilot niya ang kaniyang leeg at napasuri sa buong paligid. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang wala na siyang kasama sa loob ng kanilang silid. Mabilis siyang napatayo at napalabas ng kusina, mas lalo siyang kinabahan nang makitang wala na roon ang apat.

"Fudge!" Naiinis niyang saad.

Naiwan na siya ng kaniyang mga kasama. Ngayong araw kasi ay Sabado, araw kung saan sila ay nagtutungo sa pamilihan upang samahan ang mga tagapagsilbi sa pamimili ng mga sangkap.

Napatingin siya sa labas ng bintana. Mas lalo siyang nadismaya nang makita ang tirik na araw. Tanghali na siya nagising.

Napahilot siya sa kaniyang sintido. Napuyat kasi siya kagabi dahil kay Alas. Nagtungo muli sila sa lawa upang mag-usap. Ngunit sa totoo lang ay ginugol niya ang buong gabi para lang subaybayan ang galaw ni Alas, tinatantsa niya kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya hinalikan ni Alas.

Ngunit buong gabi ay wala siyang nakuhang clue. Panay kwento kasi si Alas kung paano pupuksain ang mga Ruiz at kung gaano ito kasaya na napana nito ang dalawa. Nahahalata niyang iniiwasan nitong mapunta ang usapan sa nangyari o ginawang halik sa kaniya ni Alas.

Napailing siya upang iwaksi ang pangyayaring iyon. Kakalimutan niya nalang. Bahala na. Siguro ay lasing lamang si Alas kaya nito nagawa iyon.

"But still!" Hiyaw niya kasabay ng paghampas sa mesa. "He wouldn't do that kung walang matinding rason!"

Naiinis niyang sinabunutan ang sarili. Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to, Alas!

Nagmartsa na lamang siya patungo sa kaniyang lagayan ng mga damit at kinuha roon ang kaniyang tuwalya at ang kaniyang sabon. Sa susunod niya nalang uli poproblemahin iyon. Ang mahalaga ngayon ay makaligo na siya at masimulan ang kaniyang araw. Nahuli na nga siya ng gising at naiwan, tapos idadagdag niya pa ang halik na 'yon?

No way, coco way!

Mabilis siyang lumabas ng kusina. Lakad-takbo na ang kaniyang ginawa upang mabilis na makarating sa ilog. Dahil na rin sa hiya sapagkat marami ng tagapagsilbi at kawal ang palakad-lakad sa palasyo para gawin ang kanilang mga trabaho.

Nakakahiya lang sa mga baby niya! Napaka-dugyot niya pa tignan, samantalang ang mga ito ay nakaligo at maayos na naka-ayos na.

Mabilis siyang nagtungo sa ilog. Nang makitang walang ibang tao ay nakahinga siya ng maluwag at napangiti. Ngayon nalang niya ulit masosolo ang ilog na 'to.

Mabilis siyang naghubad ng damit at itinira lamang ang kaniyang panloob, ang kaniyang DIY panty at ang telang nakapulupot sa kaniyang dibdib.

Ipinatong niya ang kaniyang mga damit sa malaking bato na malapit lang din sa kaniyang pwesto. At ang tuwalya ay ipinatong niya sa katabi niyang maliit na bato upang maabot niya ito agad.

Naupo siya sa gitna ng umaagos na tubig at sumandal sa bato. Kahit magtagal pa siya rito ay pwede dahil tiwala siyang wala ng ibang trabahador ang magtutungo sa ilog ng ganitong oras dahil lahat ng ito ay abala na sa kani-kanilang mga trabahado.

Matapos ang ilang minutong pagbababad ay sinimulan na niyang sabunin ang kaniyang katawan. Matapos ay nagbanlaw na siya. Nagbabad pa siya ng ilang minuto sa tubig hanggang sa napagpasyahan niyang umalis na.

Paglingon niya sa bato ay kasabay din noon ang biglang pagkawala ng kaniyang mga damit na nakapatong doon.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa gulat at kaba nang mapagtantong may iba pang tao sa lawa bukod sa kaniya.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now