Chapter 10: Hilaga

438 28 13
                                    

[Chapter 10]

"Wait! Wait! Bagalan lang natin, p're! Ayoko pa madedo!" Sigaw niya habang nagpupumiglas sa guwardiya.

Hindi sumagot sa kaniya ang guwardiya. Ni hindi manlang siya nilingon. Tila walang naririnig at walang ibang kasama. 

Napabuga ng hangin si Sarina. Tumigil na siya sa pagpupumiglas at sa pagsigaw dahil siya lang naman ang napapagod sa kanilang dalawa.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin? Mamamatay na ba ako?" Tanong niya sa mahinahong boses habang nagpapatangay na lamang sa guwardiya.

Ngunit kahit gaano siya kahinahon ay hindi rin naman siya pinapansin ng guwardiya. Tila wala man lamang siyang kasama. Hindi man lamang siya nito inilingan o tinanguan manlang bilang sagot.

Napasimangot si Sarina. "Sige, Kuya. Salamat sa lahat," sarkastiko niyang saad.

Ngunit kahit ganoon ay hindi parin siya nito pinansin. Sumuko na lamang si Sarina at hinayaan na lamang ang guwardiya na tangayin siya kahit saan.

Pumasok sila sa palasyo na ikinamangha ni Sarina. Ito ang unang beses na makakapasok siya rito. Nang makapasok ay wala namang magandang bagay na nagpamangha sa kaniya bukod sa mga painting na nakasabit sa dingding. Sa palagay ni Sarina ay iyon ang mga dating hari.

Kapansin-pansin rin sa kanilang dinaraanan ang mga indoor plants at iba pang ginto. Kung pwede ngalang magnakaw ng isa ay ginawa niya na. Ang kaso ngalang ay hawak siya ng guwardiya sa braso. 

Kung magnanakaw man siya ay siguradong uuwi siyang wala ng kamay.

Nakailang liko pa sila hanggang sa makarating sila sa harap ng double door. Mataas ang dalawang pinto na umabot sa kisame at malaki ito. Sliding door pa ang istilo. Ngunit hindi iyon ang nagpamangha kay Sarina kundi ang sampung guwardiyang nakabantay sa harap ng silid na ito!

Nakahilera ang mga ito sa tabi ng pinto. Lima sa kaliwa, lima sa kanan. Lahat ay seryoso ang mga mukha na tila hindi marunong magbiro. 

Nahihiyang ngumiti siya sa mga guwardiya ngunit hindi siya nito pinansin. Napasimangot tuloy siya, gusto niya lang naman makipag-kaibigan. Masyadong seryoso ang mga taong ito sa buhay. Napag-isip-isip niya.

Sa wakas ay binitawan na siya ng guwardiya. Humarap ito sa kapuwa niya guwardiya at yumuko ng kaunti. Ganoon din ang ginawa ng kaniyang mga kapuwa guwardiya. 

"Mahal na Hari, narito na ang Maharlikang Tagapagluto." Anunsyo ng guwardiyang nakapwesto sa tabi ng pinto.

"What?! Mahal na Hari?!" Natatarantang bulong ni Sarina sa guwardiyang tumangay sa kaniya. "Bakit hindi niyo ako ininform?!"

Alam niyang importanteng tao ang nakatira sa silid na ito dahil sa bilang ng guwardiya pero hindi niya akalain na mimong hari ang nakatira dito! 

Kunot-noong tinignan lamang siya ng guwardiya. Pagkatapos ay hindi na siya pinansin. Marahil ay iniisip na nito na nababaliw na siya.

Binuksan nila ang pinto dahilan upang mapaatras ng isang hakbang si Sarina. Naningkit ang kaniyang mga mata habang sinusuri ang loob ng silid. Kinakabahan siya pero gusto niyang makita ang loob ng kuwarto ng hari.

Sa harap ng pinto ay malaking kama na gawa sa ginto. Ngunit kagaya ng inaasahan ay may nakatakip na kurtina sa kama upang hindi makita ang taong nakahiga o nakaupo man roon. 

Ang kulay pulang kurtinang iyon ay nagsilbi ng kulambo dahil buong parte ng kama ay natatakpan. Sinaunang-sinauna talaga ang estilo.

Napatingin siya sa guwardiya nang maramdaman niya ang matalim nitong tingin.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now