Chapter 16: Lawa

368 27 2
                                    

[Chapter 16]

Matapos ang ilang minuto ay natapos na sa paglalaro ng tongits ang tatlong lalaki. Naiinis na napadabog ang dalawang manlalaro habang ang isa ay malawak ang ngising kinolekta ang kaniyang napanalunang pera. 

Nang makita ang dami ng perang iyon ay mas lalong namuo ang interes na manalo sa mga mata ni Sarina. Iniisip niya palang na ganoon rin karami ang kokolektahin niya ay nasasabik na siya! Hindi na siya makapaghintay pa! Nangangati na ang mga kamay niya na humawak ng pera. 

Nang magtayuan na ang mga manlalaro ay kaagad siyang napangisi. Oras na niya para magpakitang gilas. 

"Sino pa ang gustong matalo riyan?" Nakangising saad ng lalaking nanalo habang binibilang ang kaniyang napanalunang pera. 

Kaagad namang nagtaas ng kamay si Sarina at naupo sa bakanteng silya. "Sasali ako para manalo, pare." Nakangisi niyang saad. 

Natawa ang lalaki sa kaniyang sinabi at tinaasan siya ng kilay saka nito inayos ang mga baraha. "Huwag kang pakasisiguro riyan, totoy." 

Ngumiti lang si Sarina at itinaas ang manggas ng suot niyang kamisa. Naramdaman niya ang kamay sa kaniyang balikat kaya napatingala siya. Nakita niya si Diego na malawak ang ngising minamasahe ang kaniyang balikat. 

Natatawang napailing si Sarina dahil sa ginagawa nito. Mukha tuloy siyang sasabak sa boxing. 

"Sino pa ang gustong matalo riyan?" Paghihikayat pa ng lalaki. Naghintay rin ang mga tao sa gustong sumubok. 

Nagkatinginan ang lahat at nagbulungan. Ngunit matapos ang ilang minuto ay walang nagtangkang maupo sa isa pang bakanteng silya dahilan upang mapangisi si Sarina. 

"Mukhang one versus one 'to ha," saad ni Sarina. 

"Ano?" Kunot noong tanong ng lalaki. 

"Ang sabi ko ay mukhang tayong dalawa ang itinadhana maglaban ngayong gabi," nakangising saad ni Sarina at ipinatong ang kaniyang siko sa mesa dahilan upang maghiyawan ang mga manonood. 

"Woooohhhhhh!!!" Sigawan ng mga ito habang pumapalaklpak pa. 

Kapansin pansin ring mas dumami ang mga tao sa kanilang pwesto ngayon. Nagsimula naring magpustahan ang mga tao kung sino ang mananalo sa pagitan ni Sarina at ng lalaki. Kabilaan ang palitan ng pera habang nagpapalitan ng opinyon kung sino ang mananalo. 

Napapangisi nalang si Sarina saka naglapag ng isang pouch ng pera dahilan upang mas lalong lumakas ang hiyawahan ng mga manonood. 

Napapatango si Sarina habang inuulan ng sigawan. Pakiramdam niya ay napaka-astig niya sa ginawa niyang paglalapag ng pera. 

Namilog naman ang mata ng makakalaban niya. Mababasa sa mga mata nito ang gulat at ang kagustuhan na makuha ang perang pusta ni Sarina. 

Napangisi ang lalaki at itinulak lahat ng perang napanalunan nito at inilagay sa gilid nila dahilan upang mag sigawan ulit at magpalakpakan ang mga manonood dahil sa ginagawang pagyayabangan ng dalawa. 

Tuwang tuwa ang mga tao sa nangyayaring palitan ng pera sa dalawang manlalaro. Lalo pa't kahit sila ay nagpapalitan rin ng pera dahil sa pustahan kung sino nga ba ang mananalo sa dalawa. 

Binalasa na ng lalaki ang baraha at ibinahagi na sa kanilang dalawa ang baraha. labing dalawang baraha kay Sarina at labing tatlo naman sa lalaki, at ang natira ay inilagay nila sa gitna ng mesa upang gawing bunutan. Matapos ay nagsimula na silang maglaban. Lapag ng baraha rito, tapon roon. 

Nasa tabi ni Sarina si Alas na pabulong-bulong kung ano ang unang ilalapag at kung aling baraha ang itatapon. 

Hindi tuloy maiwasang mapatingin ni Sarina kay Alas na ngayon ay kunot ang noong nakatitig sa hawak niyang baraha. Tila ito ang naglalaro ng tongits sa kanilang dalawa. Mababasa sa mga mata nito ang kagustuhang manalo at mapasakamay ang pera. 

The Royal ChefWhere stories live. Discover now