My Diary: Entry #1

42 3 7
                                    

Tadhana.

Sabi nila, nakasalalay daw doon ang kinabukasan ng tao. Kung ano ang itinakda, iyon at iyon ang mangyayari-ang dapat na mangyari.

Kahit ayaw mo-kahit hindi ayon sa 'yo ang tadhana-kailangan mong sumabay sa agos kasi mahirap daw itong kalabanin.

"Hindi po ako naniniwala," Binawi ko ang kamay ko sa manghuhula. "Ayaw ko na po."

Tama nga ang sinabi ng mga kalaro ko: baliw siya. Anong sinasabi niyang walang nakatadhana sa 'kin? Pwede ba 'yun?!

"Ineng, hindi pa ako tapos . . . Mama---"

"Serene!!"

Napaidtad ako sa gulat nang marinig ang boses ni mama. My heart started pounding fast.

Nagmadali akong tumakbo paalis.

"Bakit kausap mo ang matandang 'yon ha?! Gusto mo bang makidnap?! Bibigyan mo pa 'ko ng problema, lintik na bata ka!"

Inagaw niya sa 'kin ang plastic bag at pinagalitan ako habang naglalakad kami. "Ang lapit-lapit lang ng bibilhan mo, ang tagal-tagal mong makauwi! Mamamatay na ang kapatid mo, hindi ka pa mataranta! Kung sino-sino pang kinakausap mo!"

Lagnat lang naman ang sakit ni Sandra! Atsaka request na pagkain lang naman niya ang binili ko, hindi gamot! Patay agad!

"Asa'n pala ang sukli? Akin na!"

I bit my lower lip and shoved my shaking hand in my pocket. Hinablot niya iyon at binilang.

"Ano 'to?! Bakit kulang?!"

"B-Binigay ko po ro'n sa matanda . . ."

I averted my gaze when her chest heaved in anger. I flinched as she raised her hand. I anticipated it landing on me but it didn't come. I opened my eyes and saw her marching away from me instead. Sumunod din naman ako.

Bumagal ang lakad ko at kunot-noong lumipat ang tingin sa katapat na bahay namin. May mga taong naglilipat na ng gamit doon ngayon. Matagal nang umalis ang nangungupahan at ngayo'y may bago nang titira.

Naiwan ang tingin ko sa maliit na batang nakatayo lang sa tapat habang pinapanood magbuhat ng mga boxes ang babae't lalaki. Tingin ko'y anak siya ng mga iyon. My eyes lingered on him as I continued walking. Napahinto ako nang magtama ang tingin namin.

Maliit siya, siguro'y hanggang leeg ko lang. Wala akong makitang reaksyon sa mukha niya. Nakatayo lang siya roon, tahimik na tinutugunan ang tingin ko.

"Ano nakakita ka na naman ng bagong kalaro ha?! Lalakwatsa ka na naman ng lakwatsa? Hindi ka na naman mahagilap?" akusa ni mama pagpasok namin.

"Tinatapos ko naman po muna ang mga gawain ko bago lumabas."

"Aba dapat lang." Dumiretso na siya kay Sandra para ibigay ang hinihingi nito.

Si Sandra ang bunso sa 'ming apat na magkakapatid. Limang taong gulang na siya, apat na taon ang pagitan sa 'kin.

Ang ate ko naman na si Ate Sheena ay 14 years old na at sa Tita ko nakatira ngayon dahil siya ang nagpapaaral. Gustong-gusto kasi iyon ni Tita kaya nung walang pambayad ng tuition sila mama, siya ang umako hanggang sa tuluyan nang siya ang nagpaaral at doon tumira.

Ang isa ko pang ate na si Ate Suzette naman ay malayo na ang agwat sa amin. Anak siya ni mama sa unang asawa. Bente na siya ngayon, hindi nag-aaral at nagbubulakbol lang.

Hindi maaasahan dito ang mga ate ko kaya ako tuloy ang umaako ng gawain ng panganay sa bahay. Sa 'kin din palagi binubuntong ni mama ang stress niya sa lahat ng bagay, lalo na kay Ate Suzette at papa. Si papa kasi, sugalero kaya palagi kaming walang pera. Parati rin silang nag-aaway ni mama.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now