My Diary: Entry #14

15 3 0
                                    

"Kawawa naman si Seven," kumento ni Jaile nang ikwento ko sa kanila ang nangyari.

Nakila Jiro kami ngayon para maglaro dahil suspended ang klase dahil sa low pressure area raw pero wala namang ulan.

"Dapat sinabi na lang niya sa mama niya na papasukin sa kanila si Dali para hindi na nagalit na nagpaulan siya," ani Ryle.

"Pipi nga siya 'di ba!"

"Ay oo nga hehe."

"Edi isang buwan na naman natin siyang hindi makikita niyan?"

"Lalabas din naman siguro siya pag-alis ng papa niya."

"Halika na! Maglaro na tayo!"

Nagkayayaang maglaro ng water gun. At dahil hindi iyon pwede sa loob ng bahay ay lumabas kami. Nagsigawan kami sa tuwa nang bigla namang bumuhos ang ulan.

"Ryleeee!!!" I screamed angrily when I felt water spraying on my cheek.

Natahimik ang paligid at paglingon ko ay nakita ko si Tita Jesiree na may hawak na water gun.

"Luh," react ni Ryle mula sa kabilang banda.

Umakyat ang dugo sa mukha ko.

"Ay hala, sorry, beh!!" Agad dumalo sa akin si Tita Jesiree.

"O-Okay lang po!!" Nataranta ako. Hindi ko alam nasa labas na pala siya!

"Tita, sali ka po?" tanong ni Jaile.

"Susuwayin ko dapat kayo kasi nau---"

"Mama, may ubo ka po ah!" si Jiro ang sumaway sa ina nang makalapit siya.

"Aba, anak! Papalampasin ko ba naman ang pagkakataong 'to? Miss ko na kaya maligo sa ulan!"

"Pero, mama, may ubo po kayo!"

"Tita, huwag na lang po kayo magpaulan . . . may sakit po pala kayo," pagsang-ayon ni Jaile.

"O-Oo nga po, T-Tita Je--"

"Ako nga nung may ubo ako, naligo pa kami sa ilog tapos kumain ng ice cream," pagputol sa 'kin ni Ryle kahit wala namang nagtatanong. "Okay lang 'yan. Minsan lang naman."

Lumukot ang mukha ko sa pagmamarunong niya. Eh kung lumala ang ubo ni Tita?!

"Oo nga! 'Di ba, beh?! Atsaka gusto ko lang kayo maka-bon--" Napa-ubo-ubo si Tita. Umubo siya nang maraming beses at napatakip pa sa bibig. Agad dumalo sa kaniya si Jiro pero itinaas lang ni Tita ang kamay, gesturing him not to come near. Tapos ay tumalikod na siya.

Tuloy-tuloy ang pag-ubo niya habang nakahawak pa rin sa bibig hanggang sa pumasok na siya ng bahay. Agad namin siyang sinundan sa loob.

Pumasok si Tita sa banyo kaya tahimik kaming naghintay, sa bungad lang dahil basa kami.

"Ayan kasi." Siniko ko si Ryle.

Kunot noo siyang bumaling sa akin.

"Sinabi mo pang maligo lang sa ulan si tita, may ubo na nga."

"Sinuggest ko lang naman?"

"Kahit na, sinabi mo pa rin."

"Hindi naman a---"

"Kahit na."

His forehead creased. Naiwan ang mga mata niya sa akin at kunot-noo na lang bumaling ulit sa CR.

Naghintay kami nang ilang minuto bago lumabas si tita.

"O-oh? Bakit kayo nandito?" Nagulat si Tita nang makita kami paglabas niya ng banyo.

"Mama, okay ka lang?" Dumalo sa kaniya si Jiro.

"O-Okay lang ako! Sige na, maligo na kayo roon!"

"Di--"

"Sige na, Jiro. Hindi na ako sasama. Maligo na kayo dali oh, titila na yung ulan!" Iminuwestra kami ni Tita palabas kaya wala na kaming nagawa.

"Mama--"

"Jiro, okay lang ako. Sige na, samahan mo ang mga kaibigan mo." Tapos ay sinarado na ni Tita ang pinto para hindi na kami ulit makapasok.

Nanatili lang si Jiro sa pinto kaya hinila na lang siya ni Jaile palabas ng gate. "Tara na, Ji! Hindi na sasama si Tita."

Inabot niya ang watergun kay Jiro kaya dinampot na rin namin ang amin.

"Huwag na natin isama si Tita, Ji. May ubo siya." Inakbayan na ni Ryle si Jiro. "Tara na! Ano? Isasama natin? Lalala lang---"

Bumuntong-hininga si Jiro at sa wakas ay nagpaubaya na.

"Puntahan natin si Seven!" biglang aya ni Jaile.

Pero pagkarating namin sa street namin ay imbis na kay Seven na obviously, wala naman sa labas at napunta kay Dali ang atensyon namin. Doon pa rin siya nakahiga sa ilalim ng canopy kung saan naaanggihan naman siya.

Hindi ko nga maintindihan ang asong 'to! Pwede namang maghanap na lang siya ng ibang masisilungan pero rito talaga niya sinisiksik ang sarili niya.

"Hala . . . Kawawa naman si Dali . . ." ani Jaile na nagtatago pa sa likod ni Jiro.

I shifted my eyes on Seven's house instead and wandered if his mom beat him up. Papayagan pa kaya siyang lumabas ulit?

"Saan ka pupunta, Ryle?" tanong ni Jaile.

Bumalik ang mga mata ko sa mga kasama ko at nakita si Ryle na naglilibit na ngayon sa bakanteng lote.

"Tulungan niyo ko! Gawan natin ng panangga sa ulan si Dali!" sigaw niya.

I had no choice but to follow through since all of them got indulged in the activity.

Sa ilalim ng ulan nung hapong iyon, ginawan namin ng silong si Dali mula sa mga basurang kahoy at plywood na pakalat-kalat sa malapit na bakanteng lote.

Diretso na sana naming gagawin sa hinihigaan ni Dali pero umaalis siya paglumalapit kami. Kaya nama'y gumawa na lang kami mula sa kabilang side. The temporary shelter wasn't sturdy.

Jiro and Ryle took it seriously. Seryosong-seryoso sila sa pagbabalanse ng mga plywood para lang hindi matumba. Tuwang tuwa sila nang matapos.

Pero nahirapan naman kaming papuntahin doon si Dali para masubukan niya.

"Ahh!!" Sumigaw pa si Jaile nang akala niya'y susunggaban siya ni Dali dahil binubugaw ni Ryle.

"Haya---"

Natigilan kami nang biglang bumukas ang gate ng bahay kung saan kami nagtayo ng dog house. Sumilip ang may-ari at bumaba ang tingin niya roon.

"Hoy, anong pinaggagagawa niyo rito?!" sigaw ng may-ari.

Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na tumakbo paalis. Natalsikan pa ako ng putik dahil nasa likod ako ni Jiro na naapakan ang bahang parte ng kalsada! Ang shunga!

"Ahh!! Jirooo!!!" I screamed hysterically while running.

Lalo pa akong nabwiset nang makatapak din si Ryle ng basa at natalsikan ulit ako! But my anger died down when we heard a thud at our backs. We look over in unison and saw Jaile with his butt on the ground.

He cried in an instant. Binalikan namin siya at tinulungan tumayo. Umiiyak siya habang hawak namin ni Jiro ang kamay niya, hinahatak patakbo at si Ryle tinutulak siya para lang makaalis kami ro'n. Ganoon ang ayos namin hanggang makarating s abahay nila Jiro.

"Papagalitan ako ni mama!" iyak ni Jaile, may sugat sa siko. Inalalayan namin siya papasok ng bahay para magamot siya.

*Thud* "MAMAAA!!"

Nanlaki ang mga mata ko sa lagabog ng pinto pagbukas noon ni Jiro. I peeped inside and felt my heart racing when I saw Tita Jesiree lying on the ground, unconscious.

* * *

Feb 08, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now