My Diary: Entry #10

17 4 0
                                    

"Wala ulit si Seven ngayon?" Umupo si Ryle sa tabi ko sa gutter sa tapat ng bahay namin.

Bumuntong hininga ako at isinubsob ang mukha sa brasong nakapatong sa mga tuhod.

Mula nung gabing iyon na napagalitan siya ng papa niya at hindi na lumabas ng bahay si Seven. Tatlong araw na akong nahihintay sa tapat, nagbabakasakaling makakpaglaro na ulit kami pero hindi pa rin siya nalabas.

I wanted to ask his father about him pero mukhang wala naman nang tiwala sa akin iyon dahil ako ang kasama nung hinahanap siya. Tapos ang sama pa makatingin sa akin ng asawa niya.

"Tayo-tayo na lang ang maglaro. Lalabas din 'yan siya, Shin," pang-engganyo ni Jaile.

"Oo nga. Papakainin niya si Dali," sabi rin ni Ryle.

Iyon nga ang inaabangan ko eh. Kaya palagi akong nandito kasi alam kong lalabas at lalabas siya para pakainin si Dali. . . pero wala.

Napabuntong hininga ulit ako. Hinila naman ako nina Ryle at Jaile patayo pero nagpabigat ako, tamad na tamad tumayo.

"Jiro, tulungan mo kami!" panghihingi ng tulong ni Jaile. Buntong hiningang lumapit naman iyon isa at tinulak ako sa likod.

"1, 2, 3!" Bumwelo pa sila para matayo ako. Napasimangot ako nang tuluyan nilang mapatayo. Nag-apir pa silang tatlo at tumawa.

Hindi pa rin lumabas si Seven sa mga sumunod na araw kaya kami-kaming apat lang ang naglaro. Sinasabi ko naman palagi na sa tapat lang kami ng bahay namin para incase lumabas si Seven.

Pero sa ika anim na araw ay nag-insist silang mag-ikot-ikot kami kaya wala na kong nagawa kundi makisama sa kanila.

"Punta kaya tayo kabilang playground tapos doon maglaro?"

"Bakit doon pa?"

"Wala? Para inggitin ang ibang bata sa laro natin," sabi ng may masamang ugaling si Ryle.

"Huwag. Isali na lang natin sila para marami tayo," sabi naman ng anghel na si Jaile. Sumang-ayon ako sa kaniya.

"Ikaw, Jiro?"

"Inggitin natin," sabi ni Jiro. Tumawa si Ryle at umapir sa kaniya.

We ended up going to the playground. Pero hindi naman natuloy ang plano naming maglaro dahil pagkarating namin doon ay may naabutan kaming mga batang nag-a-away.

I saw a group of three kids. With a girl and two boys standing in front of a helpless little girl on the ground. Umiiyak ang batang babae habang tinatawanan naman siya ng mga nang-a-away sa kaniya.

I gulped as the scene was somewhat. . . familiar to me.

Susugod na dapat si Ryle para awatin ang away nang biglang may sumulpot na matanda. Natigilan kaming lahat at natahimik ang mga batang nang-a-away nang makita ang matandang manghuhula.

Siya iyong nanghula sa akin noon!

"Hala! 'Yung manghuhula! Serene!" Inalog-alog ako ni Jaile.

Pinanood namin ang matandang lumapit sa bata. Nang makita ang matanda ay lalo lang umiyak ang bata pero medyo tumahan siya nung may binulong ang matanda at may inabot na kung ano.

Si Jiro naman ang inalog-alog ni Jaile ngayon. "Jiro! Siya yung sinasabi ko sa 'yong manghuhulang baliw!"

Kumunot ang noo ni Jiro kay Jaile bago nalipat ang tingin sa matanda. "Baliw siya? Edi baka kidnapin niya 'yung babae?"

Napatakip ng bibig si Jaile at napasinghap.

Susugod na dapat si Jiro pero sabay namin siyang hinila ni Jaile pabalik.

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now