My Diary: Entry #20

22 3 0
                                    

"Siya si. . . Ano nga pala pangalan niya, Ji?" Nilingon ko si Jiro dahil hindi kilala ang aso.

"Choco Fudge," buntong-hiningang sagot niya.

". . ."

". . ."

". . ."

Ang pangit naman.

"Si mama nagpangalan," sabi ni Jiro.

"Bakit hindi na lang Serene?" ani Ryle na prenteng nagdidribble ng bola sa tabi.

"Bakit hindi na lang Brownie pangalan mo?" Umirap ako.

"Okay, Bruno."

Bumaling na ulit ako kay Seven na nakatingin lang kay Choco Fudge. "Siya si Choco Fudge! Hindi kamukha ni Dali kasi wala silang nahanap pero parehas naman silang Aspin!" pagpapakilala ko sa aso.

Nilagay namin ang tuta sa hita niya. Kung kanina ay kapag hinahawakan ko, kumakawala sa akin ang tuta. Pero nung kay Seven, humiga lang ito sa hita niya.

We watched his reaction. Walang nagsalita, ang bola lang ni Ryle ang naririnig namin habang inaabangan ang gagawin niya.

Napangiti ako nang i-pet niya si Choco Fudge.

"Basta lang bigyan siya ng aso, okay siya noh?" Ryle concluded.

"Ang galing ni Seven. Hindi siya natatakot," kumento ni Jaile.

"Mabait naman 'tong tuta." Pinet din ni Jiro si Choco Fudge. "Gusto mo bang sumama, ilalakad namin siya sa playground," aya ni Jiro kay Seven.

"Baka magalit 'yung mama niya," sabi ko.

"Bakit naman? Diyaan lang naman sa dulo ng street niyo."

Napa-isip ako kung pwede ba siya hanggang dito sa street. Nung dati kasi na pinagalitan siya eh malayo naman ang pinuntahan namin.

Kahit na wala namang nanghihingi ng opinyon ko, papayag na dapat ako pero nauna na nilang tinangay si Seven.

I pouted and just followed them.

Kumunot ang noo namin nang palapit sa playground ay nakarinig ng mga boses.

My eyes widened when I saw John and the other stray kids I used to play with.

"Hala!" Nagulat din si Jaile. "Bakit sila nandito?!"

"Akala ko nasa ampunan kayo?" Lumapit si Ryle sa kanila, kilala niya rin pala. "Tumakas kayo noh?"

Hindi sumagot ang dalawang lalaki at dalawang babae, nagpatuloy lang sa pagsuswing.

Madumi ang mga damit nila at gano'n din ang suot na tsinelas. Pero hindi katulad dati ay hindi na sira-sira ang mga gamit nila.

Biglang malakas na itulak ni Jacob si Annalyn sa swing kaya halos lumipad na ito. Jacob laughed when Annalyn screamed.

Pinanood namin sila at nanlaki ang mga mata nang biglang bumagsak si Annalyn sa sahig. Nagtawanan ang mga kasama nito.

Nakadapa na si Annalyn sa mabuhangin na sahig at umiyak. Kita ko ang mga buhanging kumapit sa bibig niya. She screamed while crying. Natakot ako habang dumalo naman ang mga kasama ko sa kaniya.

Napatingin ako sa mga kaibigan ni Annalyn na nagtipon lang sa gilid at pinanood siya. I didn't see remorse in their faces.

"Wala namang dugo," sabi noong isa.

"Si Pia nga noon ang daming dugo . . ."

I froze.

"Oo nga. Mas malakas pa iyak mo kaysa kay Pia na pumutok ang nguso."

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now