My Diary: Entry #17

19 3 0
                                    

"Okay lang ba kayo?" I snapped out of my reverie when Jaile's mother stood in front of us.

Magkakatabi kami nina Jiro at Ryle dito sa lounge area. Wala ako sa mood magsalita at mukhang gano'n din sila. Nang lingunin ko ay 'tsaka ko lang napansing pareparehas pala kaming tulala.

Bumuntong-hininga ang nanay ni Jaile. "Gusto niyo bang makita si Tita Jes?"

Bumalik ang mga mata ko sa kaniya, saglit na nawala sa iniisip. Tumango ako.

Sumama muna kami sa pagsundo kay Jaile sa kabilang school bago nagsabay-sabay patungo sa bahay nila dahil doon muna nakatira sila Tita Jesiree at Jiro ngayon.

Excited ako nang buksan na ang pinto.

"Tita Jes!" Jiro exclaimed.

My eyes lit up when I saw Tita Jesiree preparing something on the table. She lifted her eyes and then flashed a warm smile at us.

A smile that I never knew hid so much weight.

Kanina ko pa pinagmamasdan si Tita Jesiree habang pinaghahandaan niya kami ng merienda. Wala naman akong makitang mali. Tila hindi siya galing ospital.

Ngumiti ako sa kaniya nang mabalingan niya ng tingin. She smiled back at me.

Okay naman pala siya! Bakit malungkot pa rin si Jiro?

Bumaling naman ang tingin ko kay Jiro na tumutulong sa mama niya. Tahimik siya pero mukha namang hindi sila nag-away ni Tita dahil kinakamusta pa nito ang pasok niya.

Normal naman ang lahat!

Pero bakit parang may mali pa rin?

Lumibot ang paningin ko. Si Jaile nasa kwarto, nagbibihis. Ang mama niya naman, nasa kusina. Lumingon ako sa katabi ko.

Ahh! May mali nga! Tahimik si Ryle!

Kumunot ang noo ko nang marealize na hindi pa nga ito nagsasalita simula kanina!

Umusod ako palapit sa inuupuan niya kasama ng pagkain ko. My brows knitted when he scooted away from me. Umupo na siya roon sa pinakadulo ng rattan na mahabang upuan kaya wala na siyang mauusugan nang tumabi ulit ako sa kaniya.

"Ryle," mahinang tawag ko.

Hindi niya ko nilingon, nagpatuloy lang sa pagkain ng buns na may pansit canton.

Kinalabit ko siya.

"Ryle! Ryle! Ryyyyleee!!!"

Masungit niya akong binalingan ng tingin. I copied his expression.

"Bakit hindi mo 'ko pinapansin?!"

My jaw dropped when he made face. Nagpuyos ang damdamin ko at tinulak siya. Nabitiwan niya ang kinakain niya dahil doon kaya nalaglag sa sahig.

Umawang ang mga labi ko.

I gulped when he looked at me with serious eyes and shook his head in dismay. Dumalo siya sa pagkain upang linisin iyon.

"Oh, anong nangyari diyan?" Dumalo rin si Tita Jesiree.

"Sorry po, nabitiwan ko," ani Ryle habang dinadampot. "Ako na po."

"Ikukuha kita ng bago."

"Hindi na po, okay lang---"

"Gagawan kita. Sandali lang." Bumalik si Tita Jes sa lamesa.

Tinulungan ni Jiro si Ryle maglinis. Umiwas ako ng tingin nang balingan ni Jiro. I gulped. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ang pangingilid ng mga luha ko. Kumagat na lang ako sa tinapay upang maitago iyon.

Bakit siya galit?! Wala naman akong ginagawa!

Hanggang matapos ang pagsestay namin doon ay hindi kami nagkibuan ni Ryle. Si Jaile lang ang dumadaldal sa amin kaya nagtaka si Tita at tinanong kung anong nangyari at kamusta ba raw kami. Pero walang gustong magsalita kaya wala na siyang nagawa.

Nakakainis pa kasi kaming dalawa lang ang uuwi, sabay pa kaming lumabas. Hindi ko na lang siya binalingan at nagmartsa sa kabilang direksyon para hindi kami magsabay.

Buntong-hininga kong sinipa ang batong nasa daan habang naglalakad.

"Serene? Totoo ba 'yung sinabi ni Ryle? Hinuli na raw si Dali??" Nilapitan ako ni Jiro sa school kinabukasan.

Lumagpas ang tingin ko sa nasa malayong likod niya lang na naghihintay, si Ryle.

I nodded once.

"Tapos kasalanan daw ng mama mo?"

Kumunot ang noo ko. "H-Huh?"

"Sabi ni Ryle."

Bumalik ang tingin ko kay Ryle na nakahalukipkip lang sa malayo. Nilagpasan ko si Jiro para lapitan siya.

"Ryle," pagtawag ko bago huminto sa tapat niya. "Anong pinagkakalat mo?"

Kumunot ang noo niya sa akin.

"Sabi mo si mama ang may kasalanan kung bakit hinuli si Dali!"

"Narinig ko sa mga kapitbahay niyo! Tapos hinampas daw ng mama mo si Dali!"

I gritted my teeth. Totoo naman iyon pero nakakaramdam ako ng pagkapahiya.

"Bakit pinagkakalat mo pa?!"

"Kay Jiro ko lang sinabi kasi tinanong niya," seryoso at mahinahong tugon ni Ryle sa pagsigaw ko.

"Serene, bakit ka nagagalit?" Hinila ako ni Jiro palayo kay Ryle.

"Hindi naman si mama ang tumawag sa barangay!" pakikipagtalo ko pa, binawi ang palapulsuhan kay Jiro.

"Wala naman akong sinabi?"

"Bakit mo siya sinisisi?"

"Kung hindi dahil sa nangya---"

"Hindi niya kasalanan! Si Dali ang kumuha ng ulam namin!"

Ryle narrowed his eyes at me sharply.

Nag-init ang pisngi ko nang maramdaman ang mga tingin sa amin ng mga estudyanteng dumaraan. Hihilahin dapat kami ni Jiro sa sulok pero kumalas si Ryle at naglakad palayo. Ako na lang tuloy ang kinaladkad ni Jiro palapit kay Ryle.

Bago pa man makalapit ay binawi ko ang kamay ko at nagmartsa rin palayo.

Buong klase ay iyon ang bumagabag sa akin.

So kaya pala niya 'ko hindi pinapansin dahil doon?! Kasalanan ko ba ang kasalanan ni mama kung kasalanan niya nga talaga?!

Para lang doon, aawayin niya ako?!

* * *

February 10, 2023 | October 30, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon