My Diary: Entry #2

10 2 0
                                    

Kinabukasan ay lumabas ulit ako nang dumating ang hapon para maghanap ng kalaro. I went to the park at the mouth of our street and found my playmates there. Iyong mga batang kalye lang, wala si Pia at Jaile.

Dahil galit pa rin ako sa pang-iiwan at pagmimide finger nila sa 'kin kahapon ay tumalikod ako at naglakad palayo kahit tinawag nila ang pangalan ko.

Naglakad ako papuntang bahay ni Jaile at sumilip para hanapin kung nasaan siya. Napanguso ako nang makitang nakalock ang bahay nila.

I sighed in boredom as I walked back home. May hawak-hawak pa akong stick mula sa puno at pinagwawalis iyon sa mga batong nakaharang sa daanan ko.

Sinundan ko ng tingin ang batong napalakas ang hampas ko at bahagyang natawa pa nang magulat ang asong nakahiga dahil doon. Muntik nang tumama sa kaniya iyon.

Nabitin lang ang ngiti ko nang makita ang batang lalaking naka-upo pala roon sa tapat nila at nakamasid lang sa aso. Nalipat ang tingin niya sa 'kin dahil sa nangyari.

I cleared my throat and just went inside the house to do my homeworks. Monday na naman bukas pero hindi ko pa nga pala nagagawa ang assignments ko.

Napakamot ako ng ulo dahil unang tanong pa lang ay hindi ko na maintindihan. Pinilit kong intindihin pero walang lumalabas sa utak ko.

Huminga ako nang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago tumayo at pinuntahan si mama na nagsasampay.

"Uh . . . Mama . . ."

Hindi niya akong binalingan ng tingin.

"P-Paturo po sa assignment ko . . . Hindi ko kasi maintindihan . . ."

Inis niyang binalingan ako ng tingin. "Ang dami-dami ko nang ginagawa, idadagdag mo pa 'yan sa iisipin ko! Kita mo, nagsasampay ako oh?!"

I pursed my lips.

"Bakit ba ayan ang ginagawa mo? Dapat naghuhugas ka na ng plato ngayon! Lakwatsa ka kasi nang lakwatsa, hindi mo nagagawa ang gawain dito! Pati sa school!"

I pursed my lips.

"Ano na namang sinisigaw-sigaw mo?" Biglang sumulpot si papa, kakapasok lang ng gate.

"Ayan! Diyan ka magpaturo sa magaling mong ama! Tignan lang natin kung may matutunan ka diyan bukod sa pagsusugal!"

"Ano na naman bang problema mo't kadarating ko lang naghahanap ka na naman ng away?!"

I breathed in and sighed heavily as I walked away, their voices fading.

Bakit ba palagi kong sinusubukan . . . Bakit ba nag-e-expect pa ako na animo'y himalang may magbabago . . .

Dapat sanay na 'ko eh . . . Tanggap ko na dapat na ito ang tadhana ko . . .

Walang pakialam ang magulang ko. Hindi masaya ang pamilya ko. Ito ang buhay ko.

Dapat tanggapin ko na lang kung anong binigay sa 'kin. Dapat makuntento ako kasi at least, mayroon. . . kahit hindi man katulad ng sa iba . . . ng hangad ko.

*  *  *

June 15, 2022 | October 28, 2023

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now