My Diary: Entry #6

21 4 0
                                    

"Serene!" Nagulat ako nang paglabas ko ng gate ay nakita ko si Jaile at Jiro, naglalakad malapit sa 'min. Dalawang linggo na rin ang hindi lumalabas at summer na ngayon. Jaile ran to me. "Kamusta ka na? Bakit ngayon ka na lang ulit lumabas?"

"W-Wala . . . Nagkasakit lang ako. Okay na 'ko ngayon!"

"Sure ka? Okay ka na ngayon?"

". . ."

"Hala! Bakit ka umiiyak?!"

Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko at naunang maglakad. "Napuwing lang! Tara, laro tayo sa park!"

"May asong gala roon ngayon eh! Ayaw ko ro'n! Takot ako sa aso! Kaya nga, naglalakad-lakad na lang kami ni Jiro."

"S-Sige . . . Lakad-lakad na lang tayo. . ." Nauna akong maglakad para hindi nila makita ang mukha ko.

Agad naman akong napahinto nang makita ang batang lalaki sa tapat ng bahay. Nagtama ang tingin namin. Ngayon ko na lang ulit siya nakita pero walang pinagbago sa kaniya, ganoon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

"May bago pala kayong kapitbahay?" pakiki-usyoso ni Jaile.

Inayos ko ang pagtayo ko. "Dito na lang tayo maglaro sa tapat namin," sabi ko.

"Huh? Anong lalaruin natin dito?"

"Kahit ano!"

"Uuwi na 'k---" Hinila ko si Jiro bago pa man siya makaalis. "Aray!"

"Sorry!" Binitiwan ko siya. "Patintero tayo!"

"Tatlo lang tayo!" singhal ni Jaile.

"Oo nga. . . Sino kaya pwede. . ." Nagpanggap akong nag-iisip.

Napalingon si Jaile sa batang lalaki.

"Good idea, Jaile!" sabi ko.

"Huh? Wala naman akong sinabi?" dinig ko pang sabi ni Jaile habang naglalakad na 'ko palapit sa tapat namin.

Pinanood ako ng batang maglakad palapit sa kaniya. Naka-upo lang siya sa concrete part ng halamanan nila. I stood in front of him.

"Hi!" bati ko. He just looked at me blankly. "Anong pangalan mo?"

". . ."

Naramdaman kong lumapit na rin sila Jaile para maki-usyoso.

"Ako si Serene." Naglahad ako ng kamay sa kaniya pero tinignan niya lang iyon.

Napanguso ako. "Hi. My name is Serene. And you. . . Uh . . . What is your name?"

Hindi siya sumagot at tumayo lang. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa pumasok na siya ng bahay nila.

"Pipi ba siya?" tanong ni Jaile.

I sighed. "Piko na lang tayo!"

Dahil summer na at wala nang intindihin sa school ay mas napadalas ang yayaan naming maglaro.

Dahil nagsasawa na kaming tatlo sa mukha ng isa't-isa ay sinubukan naming maghanap ng iba pang mga bata. Walang masyadong bata sa street namin kaya lumibot kami sa ibang street.

Nakarating kami sa isa pang park at doon tumambad sa amin ang mga batang naglalaro.

"Luh! May iba pa palang park dito?!" reklamo ni Jaile. "Bakit tayo lang ang nasa kabila?!"

"Sali tayo sa kanila!" sabi ko nang ma-engganyo sa mga naglalaro ng habulan. Lumapit kami roon. "Hello! Sali kami!"

Napatingin sila sa amin at kumunot ang noo. "Sino kayo?"

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon