Love, Jiro

50 2 1
                                    

"Jiro, bakit dalawa lang kayo?"

Napaangat ang tingin ko sa kaklaseng nakikisilip sa drawing ko.

Bumalik ang mga mata ko sa family drawing ko na activity namin. Ako at si mama ang naroon.

"Kasama ba kahit patay na?" tanong ko.

"Oo naman. Family pa rin naman 'yon."

"Hmm. . ." Tumango-tango ako at nagdrawing ng isa pang imahe sa tabi ni mama. Si Ate Jani. Ate ko raw siya sabi ni mama kaya mas matangkad sa akin ang ginuhit kong babae. "Ayan, kumpleto na!"

"Bakit ayaw mong idrawing ang papa mo?"

I looked up at him. "Wala naman ako no'n!" I smiled.

Si mama lang ang kasama ko habang lumalaki ako. Kung hindi pa dahil sa mga tao sa paligid ay hindi ko malalaman na kailangan pa ng isang myembro ang pamilya para maging buo---ang tatay. Hindi ko naisip na dalawa pala dapat ang magulang kasi kahit kailan naman ay hindi ko naramdamang may kulang.

Dahil para sa akin, si mama na ang lahat.

"A-Ay . . . Sorry . . ." panghihingi ng paumanhin ng kaklase.

Napanguso ako.

I also didn't understand why people would feel sorry for me after finding that out. Kasi para sa akin, napakaswerte ko nga! Kasi si mama ang nanay ko.

"Bebe!"

My face lightened up when I heard her voice.

Uwian ko na ngayon at sa playground ako palaging nagpapalipas ng oras habang hinihintay na sunduin ni mama.

Tumakbo ako at sinalubong siya ng yakap.

"Mama! May star ako!" Pinakita ko sa kaniya ang star ko sa kamay.

"Wow! Ang galing-galing naman ng bebe ko!"

I giggled when she kissed my cheeks. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Pinagkuwento niya ako ng nangyari sa araw ko kaya kinuwento ko ang naging quiz namin.

"Hoy! Ano 'yan, ha?!"

Natigil lang ako nang biglang siyang may tinuro nang makadaan kami sa garden.

Nakita ko ang tatlong batang lalaki. Ang isang bata ay nakatumba sa sahig at sa tabi niya ay backpack.

Nagtakbuhan ang dalawa pang bata.

Lumapit kami ni mama sa batang lalaking lumuluha pa.

"Okay ka lang, bebe?" Pinanood ko si mama na tulungan ang bata.

Hindi nagsalita ang bata. Pinalpagan siya ni mama at tinulungang tumayo. Pinulot ko na rin ang bag ng bata at dinampot.

"Binubully ka ba ng mga batang iyon?" tanong ni mama.

Humikbi lang ang bata. Kinuha niya sa akin ang bag.

"Bigay mo sa kaniya ang snack mo, 'nak!" bulong sa akin ni mama.

Tumango ako at iyon ang ginawa. Hindi iyon pinansin ng bata nang iabot ko. Ngumiti ako sa kaniya at nilagay sa kamay niya ang biscuit.

Umalis na ang bata nang hindi nagsasalita. Sinusubukan siyang kausapin ni mama at tanungin pero umiiling lang ang bata.

Bago kami umuwi ay dumaan pa ng principal's office si mama para raw isumbong ang nakita niya.

She told the principal not to tolerate those actions and address them.

Nakatitig lang ako kay mama habang nagsasabi siya sa principal. When she gazed down at me, I smiled.

Para sa akin, isa siyang superhero.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 03, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now