My Diary: Entry #23

26 2 0
                                    

Ngumiti ako sa salamin sa pangatlong araw na paggising nang maaga para matalian ang sarili. Kumpara nung mga nauna ay mas mabilis ko nang nagawa ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita si mama sa sala. Our eyes met. Bumaling ako sa pinto habang ramdam kong sinundan niya ako ng tingin. Pansin ko ngang parang palagi siyang nakamasid sa akin! Pero hindi naman ako gaanong kinikibo. Hindi niya rin ako inuutusan ng kung ano. Nitong mga araw eh tahimik ang bahay namin.

"Serene."

Napahinto ako nang marinig ang pagtawag ni mama bago pa man ako makalabas.

"P-Po?"

Itinabi niya ang mga tinutupi bago bumaling ulit sa akin. Dahan-dahan akong lumapit. I flinched when she raised her hand on me. Umiwas ako at napapikit.

Wala naman akong naramdaman kaya minulat ko ang mga mata. Kita ko ang awang na mga labi ni mama, nanatili ang kamay sa ere.

She closed her lips and continued motioning her hand. Dumapo iyon sa buhok ko.

"Akin na." She pulled me to sit on the floor in front of her. Kumunot ang noo ko. Hindi siya nagsalita at tahimik na tinaggal ang tali ko.

Umawang ang mga labi ko at agad lumayo, nakahawak sa buhok ko. I turned to her, flustered. Kita ko ang ipit sa kamay niya.

"Aayusin ko lang. . ." paliwanag niya dahil sa reaksyon ko.

Dahan-dahan akong umayos na ulit ng upo. She removed my clip and combed my hair with her hand.

"Kanino 'to galing?" she asked as she tied my hair into pigtails.

"Tita Jes . . ."

"Yung naghatid sa 'yo nung nakaraan?"

Tumango ako.

Tinapos niya ang pagtali sa buhok ko at binalik ang clip. Tumayo na ako. She followed me with her gaze. Naglakad na ulit ako papuntang pinto.

"Serene," pagtawag niya ulit.

Lumingon ako.

"Bakit ka. . . umiyak nung nakaraan?"

Narigilan ako at niregister ang sinabi niya kasabay ng pagtawag ni Ryle mula sa labas.

"M-Malelate na po ako," sabi ko at lumabas na ng pinto.

Kunot ang noo ko habang naglalakad. Alam ni mama na umiyak ako? . . .Iyon ba ang sinabi ni Tita Jes sa kaniya? Bakit niya ako sinumbong . . .

I sighed.

"Wow. Maayos na ah," ani Ryle kaya napalingon ako sa kaniya.

Napahawak ako sa buhok ko nang marealize na iyon ang tinutukoy niya.

"Si mama gumawa. . ." Napanguso ako. "Bakit? Magulo ba dati?"

"Oo," he chuckled.

"Maayos naman nung tinitingnan ko sa salamin!"

"Wala ka kasing mata sa likod."

"Eh bakit hindi mo sinabi!"

"Bakit ko sasabihin?"

"Eh kasi nga magulo!"

"Okay lang naman kahit magulo! Buhok lang 'yan!"

"Eh bakit tinatawanan mo 'ko na magulo!"

Napahawak siya sa dibdib. "Bakit parang nang-a-away ka na naman?"

"Gan'to lang ako magsalita."

"Hindi naman kita tinatawanan! Natuwa lang ako na biglang maayos na kasi magulo nung nakaraan."

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now