My Diary: Entry #9

15 4 0
                                    

"Happy Birthday, Jiro~ Happy Birthday, Jiro~ Happy Birthday~ Happy Birthday~ Happy Birthday, Jiro~" sabay-sabay na pagkanta namin para kay Jiro habang nakangiting vinivideo-han kami ng mama niya, si Tita Jesiree.

"Yehey! Blow the candle, Jiro!"

Hinipan naman ni Jiro ang kanila at hinalikan siya ng mama niya sa pisngi.

I smiled.

"Oh, kain na kayo!" masayang naghain para sa amin si Tita Jesire.

"Sinong gusto ng ice cream?" tanong ni Tita habang kumakain kami. Agad na nagtaas ng kamay si Jaile at Ryle habang nahiya naman ako. Tita Jesiree chuckled. "Sige, bibili ako mamaya. Uubusin niyo ha? At hindi na nalamig ang freezer namin, wala kaming paglalagyan."

"Opo!"

"Ano palang pangalan niyo, bebe?" tanong niya kay Ryle at Seven. "Ngayon ko lang kayo nakita."

"Ako po si Ryle. Siya po si Seven . . . Uh, hindi niya po real name 'yun. Seven lang tawag namin sa kaniya kasi po hindi namin alam pangalan niya."

"Huh? Bakit?"

"Pipi po kasi siya."

Tita Jesiree's mouth formed into an 'o'. Tumango-tango siya at lumapit kay Seven. Kumunot noo ako nang may ginawa siyang kumpas ng mga kamay sa harap ni Seven pero nakatingin lang sa iya si Seven.

"Anong ginagawa niya?" bulong ko kay Jaile.

"Sign language 'yan," sagot ni Ryle na narinig ang tanong ko, prente lang siyang kumakain ng spaghetti.

Napatingin ako sa katabi kong si Seven but he looked unresponsive. Blanko lang ang tingin niya, mukhang hindi naiintindihan ang pinapakita ni Tita Jesiree.

"Hindi ba siya marunong magsign language?" Kumunot ang noo ni Tita Jesiree. Tila malalim ang iniisip niya habang nakatingin kay Seven.

"B-Baka po nahihiya siya?" singit ko.

"Hmm. . ." Tita Jesiree pursed her lips then guided Seven's hand. Tinulungan niya itong mag-ikot ng spaghetti sa tinidor pagkatapos ay dinala sa bibig nito. "Ahh~~" Ngumanga nang maliit si Seven. Napangiti si Tita jesiree at sinubuan siya. "Kain ka marami, bebe."

Pinagmasdan ko si Seven habang ngumunguya rin ako ng spaghetti. Napahinto lang ako nang may magpunas sa bibig ko. Nag-angat ako ng tingin kay Tita Jesiree. She smiled at me and wiped the side of my mouth. Sunod ay sila Ryle naman ang pinunasan niya.

Pagkatapos ay binigyan niya kaming lahat ng tissue at tinuruan kung paano magpunas ng bibig.

"Ang bait ng mama mo, Jiro! Para siyang si mama, dapat mameet niyo rin mama ko!" sabi ni Ryle.

"Mabait talaga si Tita Jesiree sa lahat," kumento ni Jaile.

Maya-maya ay nagpaalam saglit si Tita jesiree na bibili lang daw ng ice cream.

"Mama, huwag na . . . Mainit sa labas," pigil naman sa kaniya ni Jiro.

"Magpapayong naman ako, anak."

Umiling si Jiro at tumawa naman si Tita Jesiree. "Gusto ng friends mo ng ice cream."

Nilingon kami ni Jiro at bumuntong-hininga. "Sama na lang ako . . ."

Tita Jesiree chuckled. "Play muna kayo ng friends mo, anak. Diyaan lang ako bibili oh. . . bakit ayaw mo ko paalisin?"

Umiling ulit si Jiro at hinawakan ang kamay ng ina kaya wala nang nagawa si Tita jesiree kundi isama siya.

"Makulit pala si Jiro," pangbabackstab ni Ryle nang makaalis sila.

"Hindi halata pero concerned 'yan si Jiro sa lahat," sagot ni Jaile. "Lalo na sa mama niya."

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu