My Diary: Entry #7

28 3 0
                                    

"Tahan na, Jaile. Hindi na makakalabas 'yung aso," pagpapatahan ni Jiro kay Jaile, hinahagod ang likod nito.

"Sino magdodrawing ng linya?" tanong naman ni Ryle na nakahanap na ng bato. Napagdesisyunan kasi naming magpatintero at siya, puro laro lang ang iniisip kahit umiiyak pa rin 'tong kasama namin.

Habang ako naman ay kanina pa nakatuon ang mga mata sa katapat na bahay.

"Ako na nga lang magdrawing," tumayo na si Ryle.

Tumayo rin ako hindi para tulungan siya, kundi para lapitan ang batang lalaki sa tapat.

Hindi ko alam pero matapos akong icomfort ng bata na 'to nung umiiyak ako, gusto ko na siyang maging kaibigan. Pakiramdam ko ang bait-bait niya. Napalagay agad ang loob ko sa kaniya.

Lumapit ako sa lalaking kanina pa nakamasid lang din sa amin mula sa loob ng gate nila, katabi ng aso. Mukha tuloy silang preso.

"Hello! Gusto mo sumali sa 'min? Maglalaro kami!" nakangiting aya ko sa kaniya pero hindi siya sumagot.

Pipi kaya talaga siya? Kung gano'n, kailangan ko talaga siyang maging kaibigan para hindi siya aapihin ng iba!

Napanguso ako nang makitang blanko pa rin ang mukha niya. Bakit palagi siyang walang reaksyon? Bingi rin kaya siya?

"Halika?" I encouraged him and tried to reach for his hand. Pinasok ko ang akin sa gate nila pero lumayo naman siya. Napanguso ulit ako.

"Serene! Tapos na!" pagtawag sa 'kin ng mga kalaro.

Napabuntong-hininga ako. "Panoorin mo kami oh tapos kapag gusto mo rin, sali ka ah!" sabi ko tapos ay lumapit na kila Jaile.

Nagkampihan kami at ang kakampi ko ay si Jiro.

"Sige, una na kayo!" pagpapauna sa 'min ni Ryle.

Lumingon ako sa katapat na bahay at nang makitang nanonood ang lalaki ay nagready na 'ko sa pagtakbo. Nagstretching pa ako tapos ay nag-entrance na kami. Nagreready pa ako sa pagtakbo para malampasan si Ryle nang biglang--

"Taya!" Nataya agad si Jiro!

"Bakit ka lumapit diyan?!" singhal ko habang humalakhak naman si Ryle.

Parang ewan kasi, ako rito nagreready sa pagtakbo tapos siya prenteng naglakad lang palapit kay Ryle, ayon nataya!

Litong napakamot ng batok si Jiro.

"Hindi mo ba alam pa'no 'to laruin?" tanong ko. Umiling naman siya. I had no choice but to teach him about the rules.

"Kami na ah!" Pumwesto na sila Ryle. "Entrance!" Umapir sila kay Jiro.

Hindi ko alam na totoo palang magaling nga si Ryle! Ang bilis niyang tumakbo nakalampas siya agad sa akin! Napanganga kaming tatlo nina Jaile at Jiro, pinanood lang siya hanggang sa makatawid dahil para lang siyang lumilipad sa bilis niya.

"Yehey! Panalo!" Siya lang ang masaya.

Napalingon ako sa kapit-bahay namin. Nanonood pa rin siya pero wala pa ring ekspresyon.

Wala! Hindi siya natutuwa sa 'min! Paano ko siya makukumbinsing sumali niyan?!

Ang pangit naman kasi kalaro ng mga 'to eh!

"Isa pa! Kami ulit!" competitive na sabi ni Ryle.

"Ayaw ko na maglaro!" sabi ko at umupo na lang sa may gutter. Simangot kong nilagay ang baba sa mga kamay habang nasa tuhod ko ang mga siko.

"Huh?! Bakit?"

"Napagod na 'ko."

"Ang duga. Kasi nanalo kami, ayaw mo na? Ang pangit mo naman ka-bonding. Pikunin ka pala."

Where Serendipity Plays (The Art of Life #2) Where stories live. Discover now